1- Sab's undying love

246 9 0
                                    

“WHAT ARE you doing here again, Sab?” frustrated na sabi ni Volts nang bigla na lang siyang naupo sa dining chair, sa harapan ng binata. Nasa isang exclusive resto sila no’n at mukhang wala pa ang hinihintay na date ni Volts kaya siya nagpasyang lapitan ang lalaki.

Actually, papasok na sana kanina si Sab sa Meteor Records—isa sa pinakakilala at nangugunang recording company sa Pilipinas; na nagpapasikat, nagpo-produce at nagpo-promote ng mga magagandang OPM songs, na pag-aari ng mga Vallejo at kasalukuyang si Volts ang CEO at nagpapatakbo n'yon—para yayain itong mag-dinner, kaso sa entrance gate palang ng malaking recording studio ay nakita na n'yang palabas ang sasakyan ni Volts kaya hindi na siya tumuloy at sinundan na lamang ang lalaki.

The record label was created by the Double V Corporation for diversity its function from a broadcast media and publishing house to Entertainment Company and has an agreement with Sony Music Entertainment Philippines as an Exclusive distributor. The other businesses were managed by his brother Voltaic Vallejo and his dad Victor Vallejo.

    “You’re here that’s why I am here, babe.” Nakangiting sabi n'ya na muling ikinailing nang kausap. Hindi n'ya alam kung nagtitimpi na lang ba ito sa kanya o wala nang pakialam kung masaktan siya sa frustrated look nito dahil sawang-sawa na ito sa sobrang kakulitan at papansin n'ya.

Kahit kasi nasaan ito ay naroon siya, kulang na lang yata ay maging kambal-tuko sila. Kilalang-kilala na nga rin siya ng mga magulang nito, mga katulong sa mansion at ang dalawang mga alaga nitong aso dahil hindi na siya tinatahulan. At masaya siya dahil sobrang welcome siya sa pamilya nito at ramdam n'yang love na love siya ni tita Avvy, ang mom ni Volts kaya love na love din n'ya ito.

    Halos magsa-sampung taon na ang unrequited love n'ya para sa guwapong binata. Nagsimula ang lahat dahil sa isang kahiya-hiyang pangyayari sa buhay n'ya na siyang ikinahulog din ng puso n'ya sa binata. She was a freshman student from the same University and Bacherlor course at ito naman ay sophomore.

Naglalakad no’n si Ysabelle na naka-chin up and poise at papasok na sa designated classroom n'ya. Alam na alam n'ya na nakatitig sa kanya ang ibang mga estudyante no’n sa paligid, well, hindi na siya magtataka kung magkaroon siya agad ng mga instant admirers dahil no’ng high school siya ay pinipilahan talaga siya ng mga lalaki para ligawan at halos magka-stampede ang mga estudyanteng lalaki kapag nakikita na siyang dumadating sa school. Nagkaroon din siya ng dalawang guwapong boyfriends noon pero nakipaghiwalay din siya dahil wala siyang maramdamang kakaiba sa puso n'ya.

Sumasali din siya sa mga beauty contest since grade school dahil sa taglay n'yang beauty, height and wit na dapat mayroon sa isang beauty contenstant at sa lahat ng mga nasalihan n'ya ay naipapanalo n'ya lahat.

Nagcha-champion din siya sa mga quizbee and sa tuwing sportfest at naging Valedictorian no’ng grade school hanggang high school kaya proud na proud sa kanya ang daddy and grandparents n'ya. Kung nabubuhay lang siguro ang mommy n'ya ay sobrang proud din ito sa mga na-achieve n'ya. Namatay ang mommy n'ya sa panganganak sa kanya kaya pinangarap n'yang magkaroon ng sweet and beautiful mom like her mom—pero ayaw n'yang magkaroon ng stepmother!

She is a beauty, talent and brains at lahat ng mga bagay ay nakukuha n'ya with a snap of her fingers. Hindi lang siya maganda at matalino dahil mayaman din siya kaya maraming mga kababaihan ang naiinggit sa kanya, na hindi n'ya ipinagtataka because she’s really blessed.

From the very first day in school ay nahahakot na n'ya ang atensyon ng lahat ng mga estudyante ngunit ngayon lang parang may kakaiba sa mga tingin at bulungan ng mga ito sa kanya habang feel na feel n'ya ang paglalakad patungo sa kanyang classroom, hindi tuloy n'ya maiwasang ma-paranoid; may mali ba sa make up n'ya? Na-smash ba ang lipstick o eye liner n'ya? May dumi ba siya sa mukha o kulangot? Gusto na tuloy n'yang mag-hysterical kaya binilisan n'ya ang paglalakad para makapunta sa CR.

The DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon