THREE MONTHS after ay nagising si Angelique mula sa mahimbing na pagkaka-comatose, halos magdiwang ang mga magulang nito sa muling pagkakamalay ng dalaga. Nasiyahan din si Volts ngunit may lungkot pa rin sa puso n'ya dahil hanggang nang mga sandaling 'yon ay hindi pa rin nagigising si Ysabelle.
Nakakadilat ngla ng mga mata si Angelique ngunit hindi pa gaanong clear ang vision at pagsasalita nito. Madalas siyang mag-undertime sa trabaho para dalawin ang dalaga na ikinasisiya nito na makita siya, dinadalhan n'ya ito ng paborito nitong dahlia flowers, pati si Sab ay dinadalhan na rin n'ya ng tulips na paborito din nitong bulaklak.
Nang tuluyan nang bumalik ang lakas ni Angelique ay nagpasya ang mga magulang nito na dalhin ito sa hospital sa States para mas mapangalagaan ito at para doon na rin isagawa ang plastic surgery na i-s-in-ugesst ng doctor para muling bumalik sa dati ang histura ng fiancée n'ya. Doon na rin ito mag-u-undergo ng physical therapy at magpapagaling.
Halos isang taon din ito sa States at nagpupunta naman siya doon once a month para dumalaw.Nang matapos ang successful plastic surgery ng dalaga ay muling bumalik ang dating magandang hitsura nito na parang walang nangyari. Ginastusan nang husto para makabalik ito sa dating hitsura nito.
Masayang-masaya siya para sa fiancée ngunit may part sa puso n'ya na hindi pa rin magawang magdiwang dahil halos isang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagkakamalay si Sab mula sa pagkaka-coma.
Napag-desisyonan ng daddy ni Ysabelle na dalhin na rin ito sa isang private hospital sa California para doon i-confine. Nag-hired pa ito ng private nurse para tumingin sa anak kapag umuuwi ito ng bansa para sa tingnan ang business nito. Ang shop naman ng dalaga ay pina-operate na muna sa Manager nito.
Hindi n'ya madalaw si Sab sa States dahil masyado siyang abala kay Angelique at sa negosyo n'ya, kaya nagkakasya na lamang siya sa pagkukumusta sa daddy nito at panalangin na sana ay nasa maayos na itong kalagayan at tuluyan nang magising.
I’M SORRY, daddy, Volts, Angelique and parents dahil nagpanggap akong si Angelique Quintero. Selfish na kung selfish pero gusto ko rin maranasan ang mahalin ng lalaking mahal ko, ang alagaan n'ya at maramdaman ang care sa akin. Gustong-gusto ko ang pagmamahal na natatanggap ko sa kanya at parang ayoko nang bumalik sa dating ako—na si Sab.
Balita ni Sab—na sa pagkakaalam ng lahat ay siya si Angelique—nang sumabog daw ang sasakyan n'ya ay may agad na sumaklolong isang taxi driver sa kanila, tumawag daw ito ng ambulansya at kasunod naman n'yon ay mga pulis na dumating sa pinangyarihan nang pagsabog para tuklasin ang pinag-ugat lan nang pagsabog.
Hawak n'ya noon ang bag ni Angelique dahil nga dapat ang kamay ng babae ang hahatakin n'ya nang mga sandaling 'yon ngunit ang bag nito ang nahatak n'ya at doon na din sumabog ang sasakyan nito. Nawalan na din siya agad ng malay pagkatapos n'yon, at ang pakiramdam n'ya ay nakalutang lang siya sa ere at may mga puti sa paligid n'ya.
Nang muli siyang magising ay Angelique na ang tawag ng lahat sa kanya, at nasa tabi na nil'ya si Volts na masayang nakahawak sa kanyang kamay. Masakit man ang buo nil'yang katawan dahil sa mga sugat at sunog, dahil sa binata ay lumalakas ang loob nil'ya.Feeling n'ya ay forever na n'ya itong hindi nakikita. Hanggang sa unti-unti siyang lumalakas at bunabalik ang dating sigla n'ya.
Ayaw n'ya ang mukhang meron siya dahil sa tuwing nakikita n'ya 'yon sa salamin ay laging nire-remind ng isipan n'ya na ang babaeng 'yon ang nag-iisang babae sa puso ni Volts.Gayunpaman, kinakaya n'ya 'yon dahil gusto n'ya ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay ni Volts sa kanya, na ngayon lang n'ya naramdaman kaya kahit ayaw n'yang magpanggap na ibang tao ay ginawa n'ya.
Sobrang na-amaze at shocked siya dahil kuhang-kuha talaga ang mukha ni Angelique. Napakagaling talaga ng technology dahil kung may pera at desperado, maaari nang ipakopya ang mukha ng taong gustong maging kamukha.
Ngunit hindi n'ya maiwasang malungkot para sa daddy n'ya dahil labis itong nag-aalala para sa ibang tao, hindi man lang nito alam na ang anak nito ay nasa maayos nang kalagayan, ngunit hindi pa siya magtatapat sa ama sa ngayon dahil nanamnamin muna n'ya ang sarap ng pagmamahal ni Volts, ngayon lang naman ito at pagbibigyan lang n'ya ang sarili l, na mahigit sampung taon ding naghintay para sa lalaki.
Hindi siya sanay na magpanggap na ibang tao, lalo na ang magpanggap bilang ang kinaiinisan n'yang babae,l ngunit wala siyang magagawa dahil wala din siyang ibang choice.
BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...