Nagsimulang magkuwento ang ginang tungkol sa pagga-gantsilyo nito, na masaya din n'yang pinapakinggan kaya parang naa-out of place si Angelique sa usapan nila. Nang balingan n'ya si Angelique ay napalitan ang mala-anghel nitong hitsura nang kunot-noo kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin, ngayon lang yata n'ya ito nakita sa gano’ng hitsura.
At dahil sadya siyang makulit, mas ininggit pa n'ya ang babae dahil may pahiga-higa pa siya sa lap ng ginang, at saka sila nagkakatawanan nito. Saglit lang siyang nagpaalam sa mga ito nang tumunog ang phone n'ya, kaya dumistansya siya saglit. It was her dad, na kinukumusta siya from his businesstrip.
“Dad, I am okay, kayo?” masayang tanong n'ya. “I missed you na. Uwi na din kayo agad, ha, pero huwag kayong mag-uuwi ng bagong asawa.” Natatawang biro n'ya, minsan ay siya na ang namimilit na mag-asawa na uli ito kung gusto nito dahil naisip n'yang ayaw n'yang tumandang mag-isa ang daddy n'ya sakaling magkapamilya na rin siya, na tinawanan lang ng ama sa kabilang linya, saglit pa silang nagkausap bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Pabalik na siya sa salas nang harangin siya ni Angelique at hindi pa rin nawawala ang ‘inis look’ nito sa kanya. Gusto pa tuloy n'ya itong inisin nang inisin hanggang sa hindi na nito makayanan pang kontrolin ang galit nito.
“Tumigil ka na sa pagpapalakas na ginagawa mo sa pamilya ni Volts, dahil kahit anupang gawin mo, hindi mapapasaiyo si Volts.” Anito.
“Wow!” hindi n'ya inaasahan ang sasabihin nitong 'yon. “Hindi naman ako nagpapalakas ah, and for your general information, close na ako sa kanila bago ka pa dumating.” Nakangiting sabi n'ya. Hindi ito nakasagot. “At hindi ko naman gustong magmukhang daughter in-law nila kaysa sa 'yo, na mas gusto ako ni tita Avvy para sa anak n’ya, kaysa sa 'yo.”
Mas kumunot ang noo nito. “Mas mahal ka nga ng pamilya ni Volts, pero hindi ka kailanman mamahalin ni Volts dahil ako lang ang mahal n’ya.” mataray na sabi nito, kaya hindi rin siya nakasagot sa sinabi nito. Para kasi siyang sinaksak ng patalim sa katotohanan na 'yon.
Ang buong akala n’ya ay mahinhin ito at hindi gumagawa ng kasamaan dahil sa mala-anghel na hitsura nito, but she was actually a witch!
“Nasaktan ka ba sa sinabi ko? Well, I was just telling the truth! At kung ayaw mo nang masaktan pa, stop flirting with my fiancé dahil nagmumukha ka nang cheap at katatawanan.”
Naikuyom n’ya ang kanyang mga kamay. Kung wala lang siguro sila sa bahay ng mga Vallejo, nasapak na n’ya ang babaeng ito e, pasalamat ito dahil malaki ang respeto n’ya sa pamilya ni Volts.
Pinilit niyang ngumiti para hindi magmukhang loser sa harapan ng babae. “But I bet, mabilis din siyang magsasawa sa 'yo dahil boring kang tao. At alam kong hinding-hindi mo kayang ibigay ang mga bagay na kaya kong ibigay sa kanya—”
Hindi n’ya naituloy ang sasabihin nang hawakan ni Angelique ang braso n’ya nang mahigpit at halos mamula na 'yon sa sobrang sakit. “I’m warning you, stay away from my fiancé or else I will do anything to get rid of your annoying face!” galit na sabi nito.
Hindi siya nakapag-react dahil sa magkahalong gulat at kaunting takot na lumukob sa kanya saka siya agad na pinakawalan nito. Namumula nang husto ang braso n’ya dahil sa higpit nang pagkakahawak nito. Nang marinig nilang tinawag ni Volts si Angelique ay napalitan ang mala-witch na hitsura nito into an angelic face.
Hanggang nang mga sandaling 'yon ay gulat pa rin siya sa ipinakitang side na 'yon ng babae. Alam kaya ni Volts ang totoong anyo ng babaeng pakakasalan nito o ang mapagpanggap na Angelique ang kilala nito?
Nang bumalik siya sa salas kasama na ang dalawang lalaki doon ay saglit pa silang nagkakuwentuhan, mala-anghel na uli ang mukha ng babaeng kanina ay mala-witch. Kapagdaka’y nauna na rin siyang nagpaalam na umalis. Bago pa niya tuluyang nilisan ang mansion ay tinadyakan n’ya ang nakita n’yang nakaparadang sasakyan ni Angeique na katabi ng sasakyan n’ya, nagulat siya nang tumunog 'yon kaya mabilis na siyang sumakay sa kotse n’ya at umalis.
PAPASAKAY ng kotse si Sab mula sa parking lot ng Mall dahil nag-out na siya galing sa kanyang shop nang makasalubong n’ya si Angelique na noon ay pababa naman ng sasakyan nito. Inirapan siya nito kaya mabilis siyang humarang sa daraanan ng babae.
“I didn’t know that you are a witch, alam ba ni Volts ang ugali mong 'yan? O nagpapanggap kang anghel kapag kasama mo siya?” tanong n’ya.
“It’s better to be a witch that a bitch like you.” Anito.
Napanganga siya at akmang sasampalin ang babae nang mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil 'yon nang mahigpit. “You, witch!” sigaw n’ya, saka n’ya mabilis binawi ang kamay.
“Matagal na akong nagtitimpi sa paglalandi mo sa fiancé ko, kaya tumigil ka na sa ginagawa mong 'yan dahil wala ding mangyayari!”
“Pretencious witch!” naiinis na sabi n’ya.
Tumunog ang phone nito, nakita n’yang nalungkot ang hitsura nito ngunit agad ding sinagot ang tawag. “Yes, babe? Yeah, I am on my way. See you.” saka ito bumaling sa kanya at muli siyang inirapan bago ito nag-walkout sa harapan n’ya.
Naiwan siyang nagpupuyos ang damdamin sa babaeng 'yon. She’s really an evil witch! Sa inis niya ay tinadyakan niya ang kotse nito nang malakas at kahit tumunog pa 'yon ay wala na siyang pakialam.
KINABUKASAN ay inis na inis pa rin si Sab dahil sa Angelique na 'yon na dapat ang pangalan nito ay Witchlique dahil hindi naman ito anghel, e. Malakas pala ang babae dahil sa tuwing hinahawakan siya nito sa kamay ay namumula 'yon dahil sa higpit nang pagkakahawak nito. Feeling pa nga n’ya ay masakit pa rin hanggang ngayon ang kamay n’ya mula kahapon.
Kinatok siya ng isang empleyado n’ya sa office dahil may bisita daw siya sa labas. Nang tumayo siya para tingnan 'yon ay nakita n’yang si Zorick, na may dalang flowers para sa kanya. Isa pa ang lalaking ito na nagpapadagdag ng stress sa kanya, ngayon nararamdaman na talaga n’ya ang nararamdaman ni Volts kapag nangungulit siya.
“You look awful, may nangyari ba sa 'yong hindi maganda?” bungad nito sa kanya, saka nito inabot ang bulaklak sa kanya na wala sa loob n’yang kinuha.
“Badtrip lang ako doon sa fiancée ni Volts.” Aniya, naglakad siya papasok sa opisina n’ya at nakasunod naman ito sa kanya. “Mukhang anghel pero ang evil witch ng ugali.” Kuwento niya.
“Why? May ginawa ba siya sa 'yo?”
“I just hate her so much! I don’t wanna see her, ever again!” naiinis na sabi n’ya.
“Do you want me to do something?” tanong nito, kaya mabilis niya itong binalingan nang nagtatanong na mukha. “I can get rid of her.”
“What do you mean by that?” nagtatakang tanong n’ya.
“Lahat ng mga taong nananakit sa 'yo, buburahin ko sa landas mo.”

BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomansaYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...