NAGMAMADALING nagpunta sa ospital si Volts nang may tumawag sa opisina n'ya--isa sa mga kakilala n'ya sa PNP, ayon dito, may naganap daw na malakas na pagsabog sa highway malapit sa isang malaking mall at ayon sa imbestigasyon ay nakilala ang dalawang biktima nang pagsabog na sina Ysabelle Reyes at Angelique Quintero, na kapwa involved sa kanya.
Kapwa nasunog daw ang mga balat at mukha ng dalawang babae at ayon sa pagkakakilanlan ng dalawa—ang babae daw na may hawak na bag ay nakilalang si Angelique dahil sa mga gamit nito at ID na laman ng hawak na bag at ang isang babae ay nakilala lang dahil sa na-trace na plate number ng sasakyan nitong sumabog din.
Ang bilis ng tibok ng puso n'ya dahil ayon sa kaibigan n'yang pulis ay nasa kritikal na kalagayan daw ang dalawa.
Nang makarating siya sa hospital kung saan dinala ang dalawang babae ay agad siyang nagtungo sa ICU. Naabutan n'ya ang mga pulis na naroon. Nang makalapit siya sa mga ito ay mabilis siyang nilapitan ng kaibigan n'yang pulis, at ayon dito ay sumabog ang sasakyan ni Angelique dahil sa pag-overheat ng makina ng sasakyan nito.
“Pero paanong kasama n'ya si Sab?” nagtatakang tanong n'ya.
“'Yon ang patuloy pa rin naming inaalam.” Sagot ng kaibigan n'ya.Dumungaw siya sa glass window ng ICU. Itinuro ng kaibigan n'ya ang dalawang babaeng nasunog ang buong balat sa katawan na sina Ysabelle at Angelique.
Naihilamos n'ya ang isang kamay sa kanyang mukha. Papaanong nangyari ang bagay na ito? At papaano nag-overheat ang makina ng sasakyan ni Angelique at gano’n na lang kalakas ang pagsabog? May nararamdaman siyang foul play sa pangyayaring ito.
“PO2 Santiago, maaari mo bang imbestigahan nang mabuti ang kasong ito? Hindi ako mapalagay na sumabog ang sasakyan dahil sa nag-overheat na makina. Hindi ako ma-convince.” Aniya, na tinanguan naman nito.Kinuhanan lang siya nang kaunting impormasyon sa huling pagkakakita sa dalawang babae bago din umalis ang kaibigan kasama ng dalawa pang kasamahan nito. Napabuga siya ng hangin. Papaano n'ya sasabihin sa mga magulang ng dalawa ang nangyari? Lalo na sa daddy ni Sab na sa pagkakaalam n'ya ay nasa isang business trip? Napahilot siya sa kanyang sentido at napausal nang panalangin. Oh, God, please help them.
Saglit siyang kumuha nang lakas ng loob bago nil'ya tinawagan ang parents ni Angelique at pinapunta sa ospital, hindi n'ya sinabi ang kalagayan ng fiancée sa mga magulang nito. Gano’n din sa daddy ni Ysabelle, na ayon sa ginoo ay pauwi na pala sa bahay dahil kadarating lang nito sa bansa at gusto daw sana nitong supresahin ang anak.
Nang makarating ang mga magulang ng dalawang babae sa opsital ay agad n'yang ipinagtapat ang nangyari at nasa ICU ang mga ito at halos maglupasay ang daddy ni Sab at ang mommy ni Angeqliue sa masamang balita n'ya.
Mabuti at kasama ng mommy ng fiancée n'ya ang asawa nito para kalmahin ito kahit alam n'yang terible din ang nararamdaman nito. Tinulungan din n'ya ang daddy ni Sab para tumayo dahil nakatulala lamang ito.
“W-What happened, Volts?” kapagdaka’y tanong nito sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Iniimbestigahan pa daw po tito,” aniya.
“Imposibleng ang makina ng sasakyan ni Angelique ang sanhi nang pagsabog dahil every week ay nagpapa-check siya ng sasakyan.” Sabi naman ng daddy ng kanyang fiancée.“Bakit magkasama ang fiancée mo at ang anak ko? Magkaibigan ba sila?” curious naman na tanong ng daddy ni Sab, na hindi rin n'ya masagot dahil hindi n'ya alam kung papaano din nagkasama ang dalawa.
Nang duamting ang doctor ay nagmamadali nilang kinausap ito para tanungin ang kalagayan ng dalawang babae, na ayon dito ay parehong nasa state of comatose dahil sa malaling pinsala na natamo mula na pagsabog.
Pinayagan silang pumasok sa loob ng ICU room para tingnan ang dalawang babae at halos mapaiyak ang kani-kanyang mga magulang sa kinahinatnan ng mga unica hija. Siya man ay halos mawasak ang puso n'ya sa pagkakakita sa nakakaawang lagay ng dalawa.ARAW-ARAW ay nananalangin si Volts na sana ay magising na ang mga ito, ngunit nanatili pa rin sa coma ang dalawa. Magkatabi lang naman ang cubicle na kinaroroonan ng dalawang babae, kaya madalas ay pinag-a-alternate n'ya ang pagdalaw sa mga ito.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa mga ito, ngunit nananatiling matatag ang pananampalataya n'ya tulad ng mga magulang ng dalawang babae malapit sa puso n'ya.
Dumadalaw din ang daddy n'ya sa dalawang babae, at siya ang madalas nagbabantay sa panggabing shift sa kanyang fiancé at isang katulong naman ang nagbabantay para kay Sab dahil sa pangyayari ay tuluyang nagkasakit ang daddy nito.
Nag-stable na rin ang lagay ng dalawang babae ngunit wala pa ring nagkakamalay sa dalawa at grabe pa rin ang pinsala ng mga balat ng mga ito kaya nanatili pa ring walang balot para matuyo agad nag mga sugat.
Nakakaramdam siya ng konsensya dahil bago may nangyari sa mga ito ay alam n'yang nasaktan n'ya ang dalawang babae; si Sab, dahil sa pagtanggi n'ya sa damdamin nito at kay Angelique dahil sa hindi nila pagkakaunawaan.
Lately, hindi na kasi maganda ang itinatakbo ng relasyon nila ni Angelique at minsan pakiramdam n'ya ay hindi na ito ang dating babaeng nakilala n'ya—naging selosa ito at suspeciosa, lagi nitong iniisip na may ginagawa sila ni Sab na hindi nito nalalaman.
Hindi lang iisang beses na pinapaamin siya nito kung ano ang totoong damdamin n'ya para kay Sab dahil sa tuwing nakikita daw n'ya si Sab ay kakaiba ang mga titig na ibinibigay n'ya dito—na hindi nito makita sa tuwing kasama n'ya ito.
He treasured Sab so much, ngunit hindi n'ya kayang suklian ang damdamin nito para sa kanya dahil may nakatakda ng babae para sa kanya.
He met Angelique three years ago, it was because of his dad. Business partner nito ang dad ng dalaga.
In-arrange sila ng mga daddies nila ng date hanggang sa magkakilala sila at hanggang sa ligawan n'ya ito, napaka-ideal girl nito; maganda, mabait at mahinhin, ngunit masyadong kalkulado ang mga galaw nito at sobrang layo sa babaeng inaakala n'ya, total opposite ni Sab na maingay, makulit at bungisngis. Naging sila ni Angelique, a year later bago tuluyan siyang nag-propose dahil na rin sa udyok ng daddy n'ya.
He was stubborn during high school and college days, ngunit unti-unti siyang nagbago at tuluyan na nga siyang nag-seryoso sa pagiging businessman nang magkaroon ng Alzheimer’s disease ang mommy niya, kaya hindi siya makabuklod ng sarili n'yang bahay dahil gusto n'ya ay lagi siyang nakikita ng ina—na hindi na makaalala sa kanila.
Sa mga panahon na sobrang down siya ay si Sab ang nagli-lift ng spirit n'ya, kaya malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae at gusto n'yang humingi nang paulit-ulit na sorry sa pananakit n'ya sa damdamin nito.
Pero kung kasalanan ang mas ma-miss si Sab kaysa kay Angelique nang mga sandaling 'yon ay siguro nagkakasala na siya. Dahil nang mga sandaling 'yon hinahanap-hanap n'ya ang ingay at kakulitan nito sa tuwing dumadalaw ito sa kanya, na may dalang donuts kasama na rin ang presensya nito, ang magandang mukha at ang nakakatawang karacter.
Ang weird lang dahil no'ng isang araw na kinausap siya nito para pakawalan ang damdmain nito para sa kanya ay parang gusto n'yang pigilan na huwag siyang pakawalan, at ang mas nakaka-gambala sa lahat ay sa tuwing iniisip n'yang kasama nito si Zorick--ang matagal nang manliligaw nito--ay sumisikip ang dibdib n'ya. ayaw n'yang isipin na nagseselos siya sa lagay na 'yon dahil wala siyang karapatang magselos dahil hindi n'ya pag-aari ang dalaga at may fiancée na siya.
Napabuga siya ng hangin at dahan-dahang humawak sa kamay ni Sab. “Please, wake up!” saka siya umusal nang taimtim na panalangin. Saglit pa siya doon bago uli siya bumalik sa cubicle na kinaroroonan ni Angelique.
BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...