HANGGANG nang mga sandaling 'yon ay hindi pa rin mabura sa isipan ni Sab 'yong mga sinabi ni Zorick kahapon sa kanya. Ano’ng ibig sabihin nito sa sinabing lahat daw nang nananakit sa kanya ay buburahin nito sa landas n'ya?
Hindi na kasi n'ya nagawang magtanong dahil nagpaalam din agad ito and that creeped her out!
Napabuga siya ng hangin at pinaandar na ang kanyang sasakyan papunta sa Meteor Records kung nasaan si Volts; hindi para muling ipagpilitan ang sarili, kundi para humingi ng tawad sa stress na ibinibigay n'ya dito—at para palayain na rin ito sa kagustuhan nitong sumaya sa piling ng iba.
Yes! I-le-let go na n'ya ang damdamin para sa lalaki; hindi dahil sa hindi na n'ya ito mahal kundi dahil mahal na mahal n'ya ito at ayaw na n'yqng ma-stress pa ito. Siguro ay aabutin siya ng ilang taon o lifetime bago maka-recover sa isang dekadang unrequited love n'ya kay Voltaire Vallejo, pero susubukan n'yang maging masaya para sa lalaki.Ayaw na ayaw man n'ya kay Angelique para sa lalaki dahil sa ipinakita nitong ugali sa kanya, siguro naman ay sa kanya lang ito masama at iba pagdating sa lalaking minamahal.
Pagdating n'ya sa Meteor Records ay agad siyang dumiretso sa opisina ni Volts at nakadalawang katok lang siya bago niya narinig ang ‘come in’, kaya mabilis din n'yang pinihit ang doorknob at agad na pumasok.
Nakita n'ya si Volts na abala itong nakaupo sa swivel chair hawak ang ilang mga papeles na pinipirmahan nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay napangiti siya dito saka inangat ang donuts at coffee na pasalubong n'ya dito, it’s past five PM already ngunit mukhang marami pa rin itong ginagawa at nakakalimutan na ang mag-break.“Why are you here?”
“Aray naman! Hindi ba ako welcome dito?” kunwari ay napahawak siya sa puso n'ya pero tanggap naman na n'ya ang magiging reaksyon nito. “I’m just here to tell you something,” aniya. Hindi ito umimik at hinintay kung ano ang gusto n'yang sabihin. “Nandito ako ngayon para humingi ng sorry sa mga pangungulit at stress na ibinigay ko sa 'yo these past few years. Ngayon ko lang napagtanto na masyado pala kitang inabala at binigyan ng problema. Sorry na, masyado lang akong nadala sa nararamdaman ko para sa 'yo.” Aniya.
Tuluyan na nitong itinigil ang ginagawa nito at tumayo sa kinauupuan nito saka dumungaw sa labas ng bintana na malapit dito. “So, what changed your mind?” tanong nito.
“Pakiramdam ko lang kasi masyado na akong nagiging annoying sa 'yo, kaya ito, susubukan ko nang kalimutan ka.”
“Malaki din ang naitutulong sa 'yo ni Zorick.”
“Zorick?” nagtatakang tanong n'ya.
“Walang kinalaman si Zorick sa pagmo-move on ko sa 'yo, it’s just that I’ve realized that I need a break for heartbreak.”“I’m sorry, Sab,” unti-unting humarap si Volts sa kanya. Hindi n'ya mabasa ang nakasulat sa mga mata nito dahil blanko ang expression ng mukha nito. “I’m sorry for the heartbreaks I’ve caused you.”
Umiling naman siya at tipid na ngumiti. “Ako din naman ang dahilan kung bakit ako nasaktan e, kaya hindi mo kasalanan. I wish you nothing but the best of luck in life and in love. Be happy, Volts, gusto lang kitang makitang masaya ay maayos na ako.” aniya.
For the first time ay nagpaka-selfless siya dahil sa taong minamahal. Hindi sumagot ang binata at nakatitig lang sa kanya. Nang wala na itong imik ay tuluyan na rin siyang nagpaalam dahil baka kung hindi pa siya umalis doon ay bawiin pa n'ya ang mga sinabi at baka ma-fall na naman uli siya.
Nakasakay na siya sa kotse n'ya nang tumawag si Zorick sa kanya, ayon sa lalaki ay nakita daw nito si Angelique na pumasok sa isang hotel na may kasamang lalaki.
“Baka business partner lang n'ya 'yon,” sagot n'ya, saka agad pinaandar ang sasakyan. “I can handle my heart, Zorick, you don’t need to do anything for me.”
“But I can feel that you’re hurting,”
Bumuga siya ng hangin. “Yes, I am, pero gano’n talaga kapag nagmamahal, nasasaktan.”“Kaya kapag nakikita din kitang nasasaktan ay nasasaktan din ako and I want to do something for you.”
“I am really just fine, thanks. Got to go!” paalam na n'ya saka agad pinatay ang tawag.

BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...