NAUDLOT ang kagustuhang mag-confess ni Volts kay Angelique-na nasa katauhan ni Sab-dahil dumating ang isang katulong para tawagin na silang kumain ng dinner, hinintay uli n'ya i-open ni Volts ang tungkol doon ngunit hindi na nito muling binuksan ang gusto nitong sabihin sa kanya.
Nang matapos ang dinner ay nag-kuwentuhan sila ni Volts kasama ng mga magulang ni Angelique sa salas at saglit pa ay tuluyan na ring nagpaalam ang binata sa kanila. Nauna na ring umakyat ang mag-asawa dahil napagod din ang mga ito sa trabaho. Nagtungo na muna siya sa kusina para uminom ng tubig nang tawagin siya ng isang katulong dahil may tawag daw siya sa telepono, tinanong n'ya kung sino 'yon pero hindi daw nagpakilala ang caller sa kabilang linya.
Mabilis siyang nagtungo sa salas para kausapin ang nasa kabilang linya. "Hello?" bungad n'ya.
Wala siyang narinig na sumagot sa kabilang linya kaya muli n'yang inulit ang sinabi at wala uling sumagot kaya akmang ibababa na n'ya ang telepono nang may biglang nagsalita. "It's Warren." Anito.
Napakunot-noo siya para alalahanin kung may kakilala ba siyang Warren, pero ayon sa kanyang malinaw na memorya, wala siyang kilalang gano'ng pangalan. Wait! You're pretending to be Angelique, so malamang wala kang kakilalang Warren, si Angelique ang may kakilala sa Warren na 'yan. Sabin g isipan n'ya.
"Oh, yes, Warren, how are you?" aniya, na hinuhuli kung sino ang lalaking 'yon sa buhay ni Angelique.
Natatandaan n'ya a year ago, may sinabi si Zorick sa kanya na isang lalaki daw na nakasama ni Angelique sa isang hotel, that was the time na gusto rin n'yang kausapin ang babae tungkol sa lalaking sinasabi ni Zorick, ngunit mas inuna n'yang iligtas ang buhay nito-but unfortunately, pareho silang nalagay sa panganib. At gusto n'yang imbestigahan kung sino ang lalaking ito sa buhay ng babaeng 'yon at bakit ngayon lang ito nagparamdam.
"I'm sorry, babe, hindi kita napuntahan no'ng nasa States ka para magpagaling, hindi ko alam kung ano ang ipapalusot ko kapag nakita ako nang sinuman sa pamilya mo lalo na ang fiancé mo." Doon siya natigilan nang marinig n'ya ang itinawag ng lalaki kay Angelique na 'babe'.
"Tell me, ano ba talaga tayo?" aniya.
"Ha? Ano tayo? Wait, Angel? Ikaw ba talaga 'to?" tanong nito, natigilan tuloy siya. "I'm sorry, I think we need to see each other. I missed you so much."
"Sige magkita tayo, sabihin mo na lang kung saang place at kung ano'ng time and I'll be right there." Aniya, pagkasabi nito ng lugar at oras ay nagpaalam na rin ito sa kanya.
Dahan-dahang napaupo sa sofa si Sab dahil sa curiousity na gumagambala sa isipan n'ya. Gustong-gusto na n'ya malaman kung ano talaga ang koneksyon ni Warren kay Angelique at ang 'babe' na itinawag ng lalaki. Totoo nga kayang niloloko lang ni Angelique ang lalaking pinakamamahal n'ya? G-in-ive up pa naman na n'ya ang damdamin para kay Volts para sumaya na ito kasama nito pero ang babaeng 'to pala ang problema! Paano nito nagawa 'yon sa 'yo, Volts? Naiinis na sabi n'ya sa sarili.
Gusto pa naman n'yang humingi ng tawad kay Angelique dahil sa pagpapanggap n'ya bilang ito, ngayon ay hindi na dahil naiinis na siya. Kung maskara lang sana ang nakapatong sa mukha n'ya ay matagal na n'yang tinanggal dahil hindi n'ya makaya na nagpapanggap siya bilang babaeng mas masahol pa sa panloloko na ginagawa n'ya.
Hindi tuloy n'ya mapigilang maawa kay Volts. Napakabait nitong lalaki at deserve nitong mahalin nang totoo. Kung sana ay siya ang totoong mahal nito, sisiguraduhin n'yang kailanman ay hindi ito masasaktan at malulungkot sa piling n'ya. She will love him wholeheartedly.
PAGKADATING ni Sab-sa katauhan ni Angelique-sa hotel resto na usapan nila ni Warren ay nakita n'ya agad na may lalaking tumayo at kumaway sa kinaroroonan n'ya, kaya in-assume n'yang marahil 'yon ang lalaking katatagpuin n'ya, kaya mabilis siyang naglakad palapit sa mesa nito. Nagulat siya nang makalapit siya doon ay mabilis siyang niyakap nang mahigpit saka hinalikan sa kanyang mga labi saka siya mabilis na ipinaghila nang mauupuan.

BINABASA MO ANG
The Deceiver
RomanceYsabelle Reyes is the heiress of one of the most successful perfume companies in the Philippines. Every guys in town adores her beauty and intelligence except for the guy she have loved for the rest of her life-Voltaire Vallejo, but she would do any...