4- One-sided love

101 4 0
                                    

NANG SUMUNOD na araw ay nagpaalam si Sab sa Manager n'ya sa shop na mag-o-off  dahil tinatamad siyang pumasok kaya nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama hanggang mag-lunch time. Nakapag-toothbrush at nakapaghilamos na siya ngunit bumalik uli siya sa higaan dahil tinatamad siyang kumilos o gumawa nang kung anumang activities.

    Nang maisipan niyang tawagan si Volts, gusto kasi n'ya itong kasamang mag-lunch at makita na rin. Sa unang tawag n'ya ay hindi siya sinagot, gano’n rin sa pangalawa at pangatlo at sa pang-apat ay doon lamang siya pinansin. Ngunit nang malaman nitong gusto lang n'ya itong makita ay ibinaba din nito agad ang tawag kaya nag-isip siya nang paraan para mapapunta ito sa bahay nila.

    Nang makita n'ya ang tissue box sa ibabaw ng bedside n'ya ay mabilis siyang kumuha ng isang piraso at sa pinaka-tip n'yon ay nirolyo n'ya at ipinandutdot sa ilong para bumahing siya—magpapanggap kasi siyang may sakit para dalawin siya ng binata. At umayon naman ang lahat sa kanya dahil bahin na siya nang bahin. Tumawag din siya sa intercom para magpaakyat ng bawang sa isang katulong para ilagay n'ya sa kili-kili at pagmukhaing mainit ang pakiramdam n'ya.

    Nang tawagan n'ya muli si Volts ay may matindi na siyang rason para dalawin siya nito. Dinudutdot n1ya ng tissue paper ang ilong para bumahin at dahil sa bawang sa kili-kili n'ya ay mainit na ang pakiramdam n'ya.

    “I’m really sick, Volts. I want some fruits.” Pabebeng sabi n'ya, na sana ay kagatin nito. Alam n'yang kahit papaano ay may konsensya ang kaibigan n'ya. Suminglot-singlot pa siya para palabasing may sakit talaga siya.

    “Puwede kang magpabili sa mga katulong n'yo d'yan sa bahay.” suhestyon nito.

Saglit siyang napailing bago muling sumagot. “Busy sila, e, ikaw na lang, please?”

    “Sab, I am in a business lunch right now, I can’t go there.” Anito.

    “Gano’n ba?” nangungusensya na sabi n'ya, kapagdaka’y nagpaalam na rin siya sa lalaki. Sana ay kagatin nito ang kadramahan n'ya, pero asa pa siya, kapag abala ito sa trabaho ay mahirap itong yayain.

    Napailing-iling na lang siyang nagpaakyat ng lunch n'ya sa isang katulong. At nang matapos siyang nag-lunch ay inantok siya kaya natulog na lang uli siya. Paggising n'ya kinahapunan ay mainit-init na nga talaga ang pakiramdam n'ya, nakalimutan na kasi n'yang tinanggal ang bawang sa kanyang mga kili-kili, ang bigat tuloy ng pakiramdam n'ya.

    May kumatok sa harapan ng pintuan n'ya at nang bumukas 'yon ay pumasok ang isa sa mga katulong nila para i-inform siya na nasa salas daw si Volts, na labis n'yang ikinabigla. Gosh! Tumalab nga talaga ang pagda-drama n'ya sa lalaki. Inutusan n'ya ang katulong para paakyatin na lang ang binata. Mabilis muna siyang nag-toothbrush, saglit na nag-ayos ng sarili at nagwisik ng pabango para hindi mag-aboy bawang bago muling humiga sa kama. Muli n'yang dinutdot ng tissue paper ang ilong n'ya para bumahing uli siya at nadatnan siya ng binata na bahing nang bahing.

    “Hey, are you okay?” bungad ni Volts sa kanya, saka ito naglakad palapit sa kanya. Pasinghot-singhot naman siya at nagpunas ng kanyang ilong at napangiti sa loob-loob n'ya, he’s still as handsome as ever kahit nagbago na ito ng hairstyle at hindi na kulot tulad nang dati, curly kasi ito since a kid na namana sa daddy nito. Kumabog ang puso n'ya, malakas talaga ang epekto nito sa kanya.

    “I’m not really feeling well.” Aniya, saka siya nag-drama na nanghihina ang hitsura.

Lumapit ito sa kanya at inilapag ang basket of fruits na dala nito bago sinalat ang noo n'ya. “You’re burning. I think you need to go to the hospital.” Anito.

Umiling-iling siya. “Ayoko sa hospital, mabaho doon at infectious.” Aniya.

    “You have your family doctor, 'di ba? Tawagan mo na lang kaya?”

    “I don’t need anyone except you.” Hindi ito nakaimik. “Please be by my side, Volts. You’re all enough.”

    “Are you crazy, Sab? Eh, hindi naman ako doctor, e.” anito.

    “But you’re my vitamins, mas napapalakas mo pa nga ako kaysa sa mga iniinom na gamot.” Napailing ito. Nagulat na lang ito nang mabilis niyang nahawakan ito sa kamay at hinila paupo sa bedside. “I’ve missed you. Ngayon mo lang ako pinagbigyan ang kahilingan kong makita ka, lagi mo na lang kasi akong tinatanggihan.” Aniya.

Akmang hihilain nito ang kamay nitong hawak n'ya ay mas hinigpitan n'ya ang pagkakahawak sa lalaki. “Sab!”

    “Wala ka ba talagang damdamin para sa akin kahit ilang percent lang?” tanong n'ya.

Hindi ito agad nakasagot. “I’m sorry but I really love her—” hindi nito naituloy ang sasabihin nang mabilis n'ya itong hinila ay hinalikan sa mga labi nito.

The DeceiverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon