[15] Private Room

158 21 2
                                    

Late ng nakauwi si Ritz kagabi. And of course, pinagsabihan siya ni Kuya Louise na umuwi daw ng maaga para hindi siya mag-alala. Well, hindi ko naman alam kung anong ginawa niya kung bakit late siya umuwi kagabi.

And also, our parents take a business vacation with their teams. Nagbakasyon lang naman sila sa Palawan. Yes, palawan. They will be staying there in four days.

And my big brother? Aalis siya sa monday for their board exams. Mags-stay siya sa Manila ng almost one week. At shempre, kasama niya mga kaibigan niya.

Actually, malapit naman ang Makati sa Manila. But his company suggested na mag-rent na lang sila para hindi sayang ang byahe.

I'm gonna miss my big brother, aww. :'<

Nakwento ko na din pala kari Queeny at Kylie kagabi kung anong nangyari kahapon habang nagsusulat ako. Natanong ko na din sa kanila yung about kay Klixx. They said that he's one of the Extreme Boys. Nasabi na din nila kung bakit nasa state sila. Dahil nagkasakit daw yung nanay ng nanay nila, kaya't nanatili daw muna sila doon. Pero baka babalik na daw sila dito sa pilipinas this year.

So, back to reality. I'm here, seating in my very own chair. Hinihintay na magbell. It's kinda boring dahil tungkol sa business ang kinuha naming course. Hay.

And speaking of, the bell started to rang. Time to break! One hour break, oh yes!

Tumayo na kami ng lumabas na si Prof. Tala mula sa aming room. Kaniya-kaniyang tayo na ang mga blockmates ko. Ang iba ay lumabas na para sulitin ang isang oras na break.

Hinarap ko sila Queeny.

"Gutom na ako, punta na tayo sa cafeteria." alok ko sa kanila. Pumayag din naman sila agad. Shempre, nagpaalam muna ako kay Ritz na kasama ko sila Kylie na magbe-break.

Umorder na kami sa cafeteria ng kakainin namin for break time. I just ordered waffle and milk tea. Yes, I'm on diet.

---chars.

Umupo kami sa vacant chair.

"Ah so, you're telling me na nagbakasyon sila Tito Richard sa Palawan with their teams?" unang sabi ni Kylie sa amin.

I nodded.

"Daebak! And they'll be staying there for four days?" hindi makapaniwalang tanong ni Queeny. I nodded, again. "Don't worry, mararanasan din natin iyan kapag tayo na ang chairwoman ng mga kompanya natin noh!"

Yeah, yeah. But actually, I didn't think of that. Hindi pa pumapasok sa isipan ko ang paghawak ng kompanya. Well, maybe someday.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa mapagpasyahan na naming bumalik sa room. But I excused myself na pupunta lang sa rest room because mother nature is calling me.

Mabilis akong pumunta sa cubicle ng makapasok na ako sa rest room. At ginawa na ang dapat kong gawin. Hindi naman ako nagtagal sa cubicle, agad din akong lumabas at tumingin sa salamin. I washed my hand and use the hand dryer.

Mapayapa na sana ang kalahating araw ko. But someone ruined it. Nakatayo siya sa pintuan habang tiningnan ako. Naka-cross arms siyang nakatingin sa akin.

I secretly took a deep breathe. Dalawang hakbang palang ang nagagawa ko nang lumapit pa siya harapan ko.

She smirked at me. "Did you know that someone kicked out because of you?"

Ugh, here we go again.

Hindi ako sumagot.

"They college life was ruined because of you. Are you aware of that?" she continued. She looked at me, from toe to head. "You look fine. So, what's with that action?"

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now