[68.1] Grade 7 Reunion

59 2 1
                                    

One month passed like an hour. Opo, one month na po ang nakakalipas. At ito ako ngayon, almost four o'clock pa lang ay nakagising na agad ako dahil ito na ang araw na magre-reunion kaming batch grade seven. Ang pinakamamahal na grade seven, tss. =,=

To be honest, ayaw ko naman talaga sumama pero pinilit lang ako ni Zayne na sumama sa reunion dahil once in a lifetime lang daw ito. As in, swear, ayoko talagang sumama. Sa lahat ng years na nag-aral ako, grade seven lang talaga ang pinaka-ayaw ko. Grade seven is the worst batch ever, for me. Eh kasi naman, nabu-bully ako sa kanila. Seryoso, lagi nila akong binu-bully dati which caused me a depression but thankfully, na-overcome ko naman. And guess what, isa po si Shaira sa nambu-bully sa akin dati but we're good na ngayon. We're besties pa nga ih.

Anyways, kami lang ni Shaira, Sheen at Gwen ang magka-klase sa mga kulangot girls. Kaya ayon, kaming apat ang magkakasama sa circle of friends. Sa grade ten lang po talaga nabuo ang GC namin na kulangot girls. Errr, ang dugyot ng name ng group chat. -_-||

So ayon nga, nagpe-prepare na ako para sa overnight reunion. Nagdala lang ako ng small size ng beige bellagio suitcase para sa iilang damit ko at gamit na sakto lang para sa two days reunion. Hindi naman ganoon kadami ang dinala ko at nagkasya naman sa suitcase. Duh, hindi ako kagaya ni Kylie na halos dalhin ang buong closet niya. Psshh! ~,~

And also, maiiwan ulit ang aking mga babies kay Kylie. Siya kasi ang nag-presenta na mag-alaga sa aking babies dahil sasama sa akin si Zayne. Yes, you read it right! Sasama sa akin si Zayne kahit na bawal talagang magsama ng partner------ kahit hindi nila alam na may ka-partner ako. He decided na sumama daw para sakaling may mangyari na hindi maganda sa akin, nandon siya agad. And also, a very sad part ay kailangan ay hindi mahalata ng mga kaklase ko dati na may dala akong partner which is patago kami magkikita. Bawal nga diba? Kaya ayon, magbo-book na lang siya ng room sa same hotel at pa-sekreto kaming magsasama. Masyado kasing mababa ang tingin sa akin ng mga kaklase ko dati sa grade seven.

Atsaka, okay naman kay Kylie na sa kaniya ko sila, my doggies, iwan dahil mayroon din naman siyang aso.

Nag-doorbell ako sa front door ng kaniyang condo at pinagbuksan naman niya ako agad. "Hello, sorry if na-storbo ata kita ng maaga."

Umiling siya at ngumiti. "No, okay lang. Kanina pa naman ako gising dahil ka-video call ko sila Mama. Anyways, nasaan sila?"

Pinakita ko sa kaniya sila Mocha and Mochi. "Ikaw na muna bahala ha? Ito ang basket, nandito na lahat ng kailangan mo. Uuwi din naman kami agad."

Kinuna niya sila Mochi and Mocha sa akin at pinasok sa condo niya. Nakita ko naman na naglalaro sila kasama ang kaniyang dalawang aso, a two brichon frise. Dalawa na pala ang aso niya ngayon.

Kinuha niya ang basket sa akin. "Oo na, girl! Paulit-ulit lang? Basta, ako na ang bahala sa mga anak niyo. I-enjoy mo na lang ang reunion, okay? ^_____^"

Tumango ako. "Okay, thanks a lot! Osya, magbi-bihis na ako ha? Thank you ulit, Ky!"

Bumalik na ako sa condo.

Back to reality na.

After kong mag-ayos ng aking gamit na dadalhin ko, dumeretso na ako sa restroom at nag-start ng maligo. Aalis kasi kami ni Zayne at exactly five in the morning at makakarating kami sa hotel ng seven. Sa hotel kasi ang reunion namin, hotel na parang resort siya ganern. Basta, hotel resort siya. Period.

Naligo na ako ng ilang minuto bago mag-ready. I just wear a White Ribbed Shirt na inipit sa Bentley Denim Short Black Wash. Pinatungan ko din ng Oversized Brown Women Long Sleeve One Pocket Loose Checked Plaid Shirt. Oh ha! Ang hahaba ng names noh? Pfft. Ang plaid shirt ko ay saktong-sakto lang sa end ng aking shorts. And lastly, nagsuot na lang ako ng black na sneakers. And I'm done!

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now