[38.1] Dia Del Disfraz

190 12 0
                                    

The event has started.

Nag-suggest sila Kylie na lumibot kami sa University sa halip na mag-tambay lang sa rooftop. Sayang daw kasi ang oras, baka maubos.

Hinila na nila ako palabas sa rooftop at dumeretso sa University's ground. Madaming booths and activities ang tumambad sa amin. Kaniya-kaniyang subok naman ang mga studyante sa mga booths at mukhang nag-eenjoy naman ang lahat.

Ang dami kasing booths ih.

"Girls, anong gusto niyong unahin?" tanong sa amin ni Queeny while looking at the different booths around us. "Hmmm?"

Actually, hindi ko talaga alam kung anong booth ang uunahin ko. Malay ko ba, ang dami talaga kasi ih. Ang hirap din pumili ng uunahin. "Hindi ko din alam eh. Any suggestion?"

"Unahin na muna kaya natin ito!" medyo pasigaw na wika ni Queeny. Ang lakas kasi ng music na pinatugtog dito. Boy with Luv kase, kaya't malakas siya. "Tara!"

Nagpahila kami kay Queeny hanggang sa marating namin ang isang booth. Ang Dart Throwing Booth. May mga iba't ibang kulay ng balloon sa harapan na medyo malayo sa amin. Tapos, kung titingin naman sa gilid ay nandoon ang mga prizes. Like stuff toys or food, ganern.

"Welcome to Dart Throwing Booth!" masayang bati ng mga nagmamay-ari ng booth dito. Tatlo silang babae. "Ilang entries po?"

"Tatlong entries!" answered by Kylie.

Nagbayad kami ng tag-twenty pesos for three darts. Binigyan naman kami nagtagta-tatlong darts para sa amin.

"So, here's the rules po for this game!" wika ng babae na nakasuot ng tinkerbell na costume. "May ilan po sa mga balloons na iyan ang may laman na colored-glitters. Kapag may natamaan po kayong balloon na may kahit anong color na glitters, may makukuha po kayong prize the ka-kulay ng glitters."

Ah, ganoon pala iyon? Sana may makuha ako. Sayang kasi ang twenty pesos kung sakaling wala ih. Gipit pa naman ako. -.-

"Okay, game!"

Lumayo kami ng kaunti sa isa't isa. Sa left side ako pumunta. Bago ako maghagis ng darts, naghanap muna ako ng pwede kong hagisan. Kailangan din kasing isipin kung anong balloon ang may laman dito.

Pero bahala na! Sayang lang oras kapag pinag-isipan ko pa ng matagal. Tinapat ko ang dart sa kulay blue na balloon. Actually, kailangan ko pang ipikit ang kabila kong mata para sakaling magpantay at makuha ko.

But, I failed. Lol.

Sinubukan ko ulit pero still failed. Gosh, nasaan na ba 'yung may glitters? Sayang pa naman yung ganda ng mga stuff toys huhu. Gusto ko noooon!

Bumuga ako ng hangin at sinubukan na pakalmahin ang sarili ko. You can do this, Bianca! Ikaw pa! Self, kaya mo 'yan. Basta ang isipin mo, sayang ang twenty pesos! Gipit ka pa naman talaga.

Hinagis ko na ang dart at muntikan pa nga akong sumigaw ng makaputok ako ng bola. But take note, wala po ni isang glitter ang lumabas! ~_~

Huhu, twenty pesos ko. Babush na! T^T

Tinignan ko si Kylie noong abutan siya ng babae ng stuff toy. Parang nanalo or may nakuha ata siya. Ode, sana all! Ikaw na yung sulit sa twenty pesos. Pout!

"Girl, tingnan mo oh! Ang kyot!" masayang wika ni Kylie habang pinapakita sa amin yung rabbit na stuff toy. Take note again, blue magic pa girl! Waaah! "Ay, wala kayong nakuha?"

I pouted. "Hindi ba halata, Ky?" I even rolled my eyes.

"Try na muna tayo ng iba." wika ni Queeny sabay hila sa amin papunta sa ibang booths.

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now