[59] Cheer Support

70 6 0
                                    

"Girl, I'm so really excited!" masayang sabi sa amin ni Kylie habang nasa upuan kami. Oh by the way, nandito nga pala kami sa swimming pool area para sa competition ni Tyrone dahil start na ng intrams. "Sabi kasi ni Ty, he'll treat me ng kahit ano kapag nanalo siya. Omg, naiisip ko na nga ang gusto kong pabili sa kaniya eh!"

"Malay mo naman, right? Just trust him, Ky. For sure ay mananalo si Ty, hmm?" sabi ko sa kaniya. Siya nga pala ang kasama ko while sila Queeny and Kim ay nasa baseball grounds to support Wayne and Zyrone. "Just trust him even he didn't win, I know naman na he'll treat you kung ano man ang gusto mo."

"Well, actually, dapat nga ako ang manlilibre sa kaniya kahit na matalo siya." she said while looking at the pool in the center. "Ewan ko ba sa kaniya kung bakit gusto niya na ilibre ako. Anyways, sanay naman na ako sa kaniya eh."

"Sino ba namang hindi masasanay sa attitudes niyo if madaming years na kayong magkaibigan?" depensa ko sa kaniya. Yes, childhood kasi silang dalawa eh kaya't hindi nakakapagtaka kung alam na nila ang kilos ng isa't isa. "Atsaka si Tyrone ata ang pinag-uusapan natin dito. Alam naman natin na ayaw na ayaw niyang gumagastos ka."

"Sabagay, ganiyan naman siya since na bata kami ih. Lagi niya akong nililibre kapag may laban sila kahit na hindi siya manalo ay manlilibre pa. Ewan ko ba kung ano ang trip niya, hays." she explained. Sana all talaga ay may childhood friend na lalaki katulad ni Tyrone. "Minsan nga, dinala niya pa ako sa Enchanted Kingdom after ng competition nila. And guess what, siya lahat ang nagbayad!"

"Ay talaga? Kahit isa, wala kang binayad? As in?"

She nods. "Yes, girl. As in, ganiyan siya lagi. Ayaw na ayaw niya na ilinilibre ko siya kahit tinapay lang dahil baka daw mabawasan ang pagkalalaki niya. Ewan ko ba doon, may sira ata ang brain."

"Baka naman may gusto siya sayo, Ky?" out of the blue na banggit ko sa kaniya.

Hindi ba't isang way ng mga boys para malaman ang feelings nila sa girl? Like, ayaw nilang gumagastos ang girl because he like her? Ganoon kasi halos lahat ng napapanood ko sa kdrama hihihihi.

At dahil doon, agad siyang napatingin sa akin na may pagtataka sa mukha. "Seriously? Naisip mo 'yan out of the blue, Bianca? Bakit naman magkakagusto sa akin si Tyrone? We're just friends, for your information. Nanlilibre lang siya 'coz we're friends."

"Malay mo naman, hindi ba?" wika ko sa kaniya pero ang totoo ay inaasar ko lang siya. But malay niyo naman, right? Hindi naman impossible na hindi niya magustuhan si Kylie kahit isang minuto lang. "Atsaka, maganda ka naman ih. Actually, almost perfect ka na sa ideal girl ni Tyrone. Malay mo, iyan pala ang way niya para malaman mo ang feelings niya sayo."

She scoffs. "Come on, Bianca. We all know naman na that's impossible. Never akong magugustuhan ni Tyrone 'coz he treats me like a little sister. Atsaka, he treats me anything I want because nakaugalian na niya talagang ilibre ako. Bakit mo naman nasabi na way iyon para malaman ko ang feelings niya towards me kahit wala naman talaga? Ganiyan ba ang ginawa ni Zayne sayo before he confessed?"

What? "Hindi ah! Ako nga laging nanlilibre sa kaniya ng ice cream dahil pinipilit niya ako. One time nga, linibre ko siya ng ice cream para lang magkabati kami."

"So, bakit mo naman naisipan na Tyrone likes me at iyon ang reason dahil sa panlilibre niya sa akin? Explain mo nga, Bianca, para maliwanagan ako kahit papano."

"Malay mo lang, right? What if nahihiya lang si Tyrone na mag-confess sayo, kaya't idinadaan na lang niya sa panlilibre?" sabi ko sa kaniya. Hindi naman impossible 'yon, right? "Atsaka kung ako man ang tatanungin, bagay kaya kayong dalawa. As in, super bagay ninyo sa isa't isa."

"Bianca, kaibigan lang kami ni Tyrone hanggang ngayon, hanggang bukas, hanggang magpakailanman. Girl, impossible ang sinasabi mo." she exclaimed. "Impossible talaga na maging kami ni Tyrone dahil in the first place, he doesn't like me."

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now