[30] Video Call

159 19 5
                                    

"Hindi ka muna papasok today, Ritz." pambungad ni Dad habang kumakain kami sa hapag-kainan. Ay, kadenang ginto lang? Choss. "Hindi ko hahayaang pumasok na ganiyan ang hitsura mo."

Tinignan ko si Ritz. Medyo namamaga ang mga pasa niya sa mukha. Kawawa tuloy ang maganda niyang mukha huhu. •︿•

"Dad, I'm fine. This is just a scratches." answered by Ritz. Tsk, scratches daw. 'E konti na lang ay magmukha na siyang baymax. "Don't worry about me."

Dad shook his head. I know, hindi niya talagang gustong pumasok si Ritz dahil sa kaniyang hitsura ngayon. "No, Ritz. I want you to stay home, today. Ipapa-check up kita mamaya kay Dr. Mangoba."

"Dad, hindi naman seryoso ang mga pasa ko."

"Yes, sa ngayon ay hindi paseryoso. Paano na lang kung ma-infect ang mga 'yan? Gusto mo kung kailan may infect na ang mga 'yan atsaka lang tayo gagalaw?" deretsong tugon ni Dad sa kaniya. Well, tama naman kasi siya. "That's a no, Ritz. Dadaanan ka namin mamayang lunch time dito."

Gusto pa sanang umayaw ni Ritz pero pinigilan siya ni Mom. "Ritz, anak, just listen to your Dad. Alam niya ang makakabuti para sayo, okay?"

Ritz took a deep breath bago tumango na lang. Well, halata naman sa kaniya na labag sa kaniyang kalooban na magpa-check up. Pero kung akong tatanungin, gusto ko din ang sinabi nila Dad. Namamaga kasi mukha niya.

"And you too, Bianca."

Muntikan ko ng mabuga ang iniinom ko kay Kuya Louise. Pero buti na lang, hindi ko nagawa. Biglaan ba naman, hays. "P-pati ako, Dad?"

"Yes, pati ikaw. Kailangan din matingnan ang bukol mo sa ulo, as soon as possible. Hindi pa natin alam kung may something dahil sa pagkakauntog mo."

"But, Dad. I'm totally fine." wika ko sa kaniya. Ngayon, alam ko na ang nararamdaman ni Ritz. Huhu, ayokong mag-absent! "Don't worry about me. Bukol lang naman po ang mayron ako." Yes, bukol lang NAMAN. Hindi katulad nung kay Ritz na may pasa tapos medyo namamaga pa.

Mom agreed to Dad's statement. "Tama ang Dad niyo. Kailangan ipa-check up mga 'yan bago lumala."

"Dad, okay lang ako." sabay na sabi namin ni Ritz sa kanila. Yes, jinx ganon.

Naki-join na si Kuya Louise pagkatapos ng kaniyang pananahimik. "Just listen to them, Ritz and Bianca. Nasabi sa akin ng mga kaibigan niyo kahapon, including your classmates, na malakas ang pagkakasuntok at pagkauntog na naranasan niyo."

"But still----"

"No buts now. I already marked my words." said Dad using his bossy tone. Napanguso ako. Wala na din naman kaming magagawa eh! "Dadaanan namin kayo lunch time dito. That's final."

"Kami ng bahala ni Dad niyo ang magpapaalam sa inyong Professors for your un-present appearance in your class."

Bumuga na lang kami ng hangin. He already marked his words, may magagawa pa ba kami? Actually, gusto ko talagang pumasok ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Basta, gusto kong pumasok.

"Hindi po bang pwedeng kumonek kami sa school namin para hindi kami absent ngayon?" tanong ko sa kanila. Pwede naman siguro iyon, right? Parang umattend din kami ng klase, kaya lang sa pamamagitan lang ng call or zoom. "Pwede ba 'yon, Dad?"

Dad wipped his mouth sabay iling sa akin. "No, Bianca. All I want you, both of you, to relax or magpahinga for your check-up later."

I pouted. Sabi ko nga bawal. -,-

"Hello, Mr. Reyes." wika ni Dad habang nasa kaniyang kabilang tenga ang phone. May kausap thru call, ganon. And that's his second secretary. Naalis na kasi bilang secretary si Mom at na-promote bilang Vice Chairwoman ng kompanya. "I want you to call Dr. Mangoba. Magpa-list ka sa listahan for my daughter and son. They'll having a sudden check-up later." then, he hang up.

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now