[25] His Unexpected Favor

160 20 17
                                    

Saturday na naman. Ang bilis talaga ng araw. Excited kasi mag-weekend eh. Nandito kami ngayon sa gazebo ng aming bahay---kasama sila Kylie and Queeny. Actually, kanina pa kami dito. Kung napapaisip kayo kung ano ang ginagawa namin, wala naman. Nakaupo lang habang busy sa kanilang phone.

Ay, sila lang pala.

Oh. Take nga pala, dala-dala nila ang kanilang cuties pet. Sana all, may pet. Charot. Well, actually ulet, mukhang ako nga ang mga amo ng aso nila eh. Sa akin ba naman pinaalaga. -_-

"Omo! Sinend na ni Zack yung mga dates ng events sa Athena!" gulat na wika ni Queeny. "Girls, you should check it now. Para maayus niyo na schedules niyo."

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng short ko. And started to check our GC. The Bawal Mag-seen GC. Nandito sila Queeny, Kylie and the Extreme Boys. Heto ang nagsisilbing GC namin.

Zack: Guys, heto nga pala yung mga dates ng lahat ng events sa University. (Zack sent a photo.)

Zack: Ayusin niyo na mga schedules niyo ☺

Mr. Hindi pinili 😂: Ayus, ayus! Salamat @Zack Lee Gray.

Si Mr. Hindi pinili pala ay si Zyrone. Ewan ko kung bakit ganiyang nickname niya. Siguro, hindi siya pinili ng crush niya.

Hay, bulag siguro ang crush niya kaya't hindi siya pinili.

Zack: Okay, no worries. ☺

Shawn: Awts, sayang. Hindi ko ata maabutan ang camping.

Waynie The Pooh: Sayang, @Shawn Clyde Jimenez. Uwi ka na kasi HAHAHA sayang kung hindi mo maabutan ang mga events.

Shawn: @Waynie The Pooh, bro, I'm really trying my best para makauwi. Ayaw talaga nila eh.

Shawn: Actually, gusto ko na talagang umuwi. Pero hawak ni Mom yung passport ko huhu. 😭🤦‍♂

Tyrone: Bro, kawawa ka naman. 😂

Zayne the Bipolar: You want me to make you a new passport and send to you right away?

Okay, gets ko na talaga na mayaman sila.

Shawn: Can you? 😂

Zayne the Bipolar: Of course. I'll send you right away when it finished.

Shawn: Okay! Hintayin ko 'iyan, @Zayne the bipolar.

Zayne the Bipolar: But first, remove my nickname.

Kylie: No!

Queeny: No! Asa ka @Zayne the Bipolar. Lol. 😂
(Zayne the Bipolar reacted '😡')

Seen by Ritzcheese, Kylie, Waynie The Pooh, Klixx and Zayne the Bipolar.

Natatawa ako kay Zayne, really. Ilan beses na kasi niyang rinemoved ang kaniyang nickname pero laging binabalik nila Queeny. Kawawa siya ayan. Well, totoo naman kasi. May pagka-bipolar siya. Hindi naman mapagkakaila iyon eh hahaha.

And by the way, siguro nagtataka kayo kung sino si Shawn. He's one of the Extreme Boys. Ang totoo niyan, nagulat pa nga ako noong nalaman ko na may isa pa silang ka-grupo eh.

Ganito ang nangyari kung paano ko nalaman.. Ehem, flashback!

*FLASHBACK*

Nakaupo kami ngayon sa kanilang table sa rooftop. It's lunch time nga pala. At hinihintay na lang namin ang in-order nilang lunch. Yes, laging order po ang kanilang ginagawa. Mayaman eh.

"Kailan pala uwi ni Shawn?" asked by Klixx. Sinong Shawn nga pala ang tinutukoy niya? "May nasabi na ba siya sa inyo?"

Umiling si Zack. "Wala pang exact date yung pag-uwi nila. Pero alam ko, tantya nila na baka next month palang sila makakauwi."

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now