[5] New Life

262 25 5
                                    

Ughh, ang sakit ng ulo ko huhuhu. TToTT

Sobrang late na kasi naming nakatulog kagabi dahil sa kasal ni Mom. Ang dami kasi nilang visitors, kaya't masyado na ding late nung natapos yung wedding ceremony. Kaya ayon, medyo masakit ang ulo ko pero slight lang.

At dahil mga tinatamad pa akong bumangon, humiga pa ako sa kama at pumikit. Ayoko pang bumangon, gosh. Napaka-aga pa para bumangon. Magsi-six pa lang ng umaga pero ughh, kailangan ko na bumangon.

Maghahanda pa kasi ako dahil lilipat kami ng bahay ngayon. Yes po, lilipat na kami ng bahay. So fast, right? Sinabihan kasi kami ni Dad kahapon na kailangan na namin magready dahil lilipat na kami sa kanila. And guess what, sa BGC sila nakatira! Yes po, as in BGC or also known as Bonifacio Global City being known as a world-class business and residential center, BGC is home to myriads of luxury shopping centers, dining spots, residential condominiums, corporate offices, and recreational options. Thank you, google, by the way.

Gosh, sa BGC na kami titira! Yohooooo! \\^o^//

Tumayo na ako sa aking kama at dumeretso sa CR para gawin ang morning routines ko. Siguro, dahil sa sobrang excited ko talaga ay napapasayaw na talaga ako dito. Sobrang excited ko talaga hihihihi.

"We gonna live in BGC~ We gonna live in BGC~ We gonna live in BGC, yohoooooo! ^____________^"

Tinabi ko na ang mga gamit ko at lumabas na sa CR. And then, I saw a two girls na naglilinis ng aking pinaghigaan. Uh? Nandito na agad sila? O.o

"Good morning, Mahal na Prinsesa!" bati sa akin ni Maggie. Inaayos niya ang kama ko ngayon. "Oh ha, nandito na ang mga magaganda mong kaibigan."

Napa-poker face ako. "Maganda kunno? Haha, okay. Anyways, ano nga pala ang ginagawa niyo dito? Ang aga pa lang ha?"

Ang aga-aga, may bisita na agad ako. Pero okay lang, sanay naman ako sa kanila. Lagi kaya nila akong ginigising kapag tinatamad akong gumising. Para ko nga silang alarm clock eh!

"Oh well, we're just spending the time with you na natitira ngayon." wika sa akin ni Melai. Oh right, alam pala nila na lilipat na kami sa BGC. "Kaya ayon, nandito na kami! Bakit? Hindi ka ba masaya na makita kami?"

I chuckled at sinuklay ang buhok ko. "Medyo hahaha char. Sanay naman na ako na lagi kayong nandito noh! Kayo pa ba? Tsk, ang lakas niyo kaya sa akin!"

Natawa sila sabay lapit sa akin.

"Pero infairness ha, hindi namin akalain na agad na kayong lilipat ngayon. Parang kailan lang nung bagong kasal si Tita Claire tapos ngayon ay lilipat na kayo." wika ni Maggie at tinulungan akong mag-ayos.

Melai nods. "Kaya nga! And the special part, sa BGC pa! Oh ha, yayamanin kaya yung lugar na 'yon."

"Ay, true ka diyan! Halos nandoon lahat ng mga famous brands and magagandang lugar." dagdag pa ni Maggie. "Nung last time nga na pumunta kami doon, para nga akong nasa ibang bansa sa sobrang ganda."

Sana all, nakapunta na sa BGC. Ako kasi, never pa akong nakapunta doon. Sa tiktok ko lang nakikita yung BGC na 'yon eh! But look, doon na kami titira umpisa mamaya. Yohooo, ano kaya magiging hitsura ko doon? Pfft!

"Ayan! Tara, baba na tayo." wika sa akin ni Maggie. "Girl, nagluto na kami ng breakfast mo para hindi niyo na kailangan magluto nila Tita Claire."

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now