[23] Escape With Him

151 20 4
                                    

CRIIINGGG!!!!

Napamulat ang kabilang mata ko at inabot ang alarma. Pinatay ko ito bago mapagpasiyahan ng katawan ko na umupo na sa kama. My tulog is so bitin, ugh.

Hinilamos ko muna ang mukha ko gamit ang kamay at inalis ang morning star. Yes, morning star para susyal naman. Humiyab muna ako na pinagsisisihan ko talaga. Omg, morning breath is so----ugh.

Tumayo na ako at dumeretso sa CR. Ginawa ko na ang morning routines ko. Mabilis din akong natapos maligo at pumunta sa walk in closet. I combed and dried my hair using the dryer. Naglagay na din ako ng light make-up, like powder and liptint bago isuot ang uniform ko. I also picked a black shoes with not so high heels.

And, I'm done!

Lumabas na ako mula sa kwarto dala-dala ang mga gamit ko for school. Saktong pagkatapat ko sa kwarto ni Kuya Louise ang siyang paglabas din niya.

"Good morning, Kuya!" I greeted with a peck on his cheek. Nasa routine ko na din kasi na i-kiss si Kuya sa pisngi kada-umaga. Share ko lang. "Did you sleep well?"

A smile formed in his lip. "Yes, kinda. Ikaw ba?"

I nodded. "Yes, of course. Tara na?" suggest ko sa kaniya. Sabay kaming pumunta sa dinning area at umupo doon. Oh, I almost forgot. "Nana, nasaan po si Ritz? Umalis na po ba siya?"

"Ah. Oo, anak." sagot niya after she tossed the plates in the glass table. "Sabay silang umalis ng magulang mo. Sinabi din niya na pahatid ka muna kay Louise."

"Bakit daw po?" asked Kuya. "May urgent meeting ba siya?"

"Sinabi niya na may aasikasuhin siya muna sandali." she answered.

I just smiled. "Okay po, Nana. Papahatid na lang muna ako kay Kuya Louise ngayon. By the way po, sabay na po tayong kumain."

Napangiti si Nana. "Salamat, anak."

We started to eat, together. Actually, hindi na nga namin napapansin ang oras at muntikan pa nga akong ma-late sa oras ng pag-alis ko.

"Wala ka na bang nakalimutan?" asked my big brother while facing me. Nakatayo siya sa harapan ng pintuan namin. "Kindly check it first. Baka may makalimutan ka na hindi mo namamalayan."

I chuckled. Ang cute lang kasi ni Kuya kapag umaakto siya ng ganito. Para siyang Tatay ko na iniisip na may makalimutan akong mahalagang bagay. "Wala nga, Kuya."

"Okay, tara na."

Sumunod na ako sa kaniya papunta sa kaniyang kotse na ibinigay ni Papa ni Klixx. He pressed ths car key remote na dahilan ng pagtunog ng kotse. Sabay kaming pumasok doon bago niya pinaandar ang sasakyan.

Binuksan din ni Manong Guard ang gate ng bahay namin at lumabas na doon. We exited the subdivision, quietly.

And now, nasa daan na kami.

"What about the board exam result?" I asked para masira ang pagkatahimik namin sa loob. Wala kasing kumikibo eh. "How is it? Any news?"

Kinaliwa niya ang manobelang hawak niya. "As far as I know, wala pang result na lumalabas. All we have to do is to wait for further announcement kung kailan malalabas ang result."

"Medyo matagal huh?"

"Hmm. Yes, medyo matagal nga." huminto kami sa stop light. Pinagmasdan ko ang mga dumadaan na kotse sa harapan namin. "But don't worry about it, ginawa ko naman ang best ko."

I smiled. "Of course, I know that. Halata naman sa mga eyebags mo, Kuya!" then I laughed.

He chuckled at nakisama sa pagtawa ko.

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now