[3.1] Wedding Preparations

349 25 0
                                    

Two days from now ay ang special wedding ni Mom. So yeah, sobrang busy na nila sa pagre-ready kung anong klaseng wedding ang magaganap. Everyone is so excited sa special day na paparating. Actually, ako din ay sobrang excited ko talaga. Alam ko kasi mag-iiba na ang dating buhay namin once na naging married na si Mom doon sa kaniyang magiging asawa. Basta, excited ako hihihi. :''>

At after ko din dito sa school, may bibilhin pa ako. Kami kasi nila Mom ang mag-aayos nung mga invitation na pamimigay sa mga imbitado. Ang alam ko ay nasa two hundred or three hundred lang ang iinvite nila Mom for their wedding. Well, malaki naman ata yung venue. Halos friends at love ones nila Mom at nung magiging asawa niya yung maiinvite sa kasal. Shempre, hindi din mawawala ang mga company staff at business clients na close nila. Ewan ba. Ang dami nila ininvite. 

For now, nandito muna ako sa classroom. We're having a quiz, a special quiz. Ang hihirap nga ng mga tanong na nababasa ko sa quiz paper. But thankfully, na-review ko naman ang lahat. Sa lahat ng professor dito, si Prof. Gilbert talaga ang mahirap magpa-quiz. Hays. 

"Okay, times up!"

Ang lahat ay tumigil na sa pagsagot. Isa-isa na din kinuha ni Sir Gilbert ang mga quiz papers namin dahil siya na lang daw ang magche-check para iwas pandaraya na din daw. After niyang kunin ang mga paper, agad na din siyang nagdismiss ngayon. Siya na lang ang last na subject na pinasukan namin. So, dismissal na talaga.

Kaniya-kaniyang galaw na ang mga kaklase ko para mag-ayos na din ng kanilang mga gamit. Tumayo na ako at nagsimula na ayusin ang mga gamit ko. 

"Bianca, madami ka bang nasagutan doon sa quiz?" tanong sa akin ni Melai na kakalapit lang. "Gosh, ang hirap talaga magpa-quiz ni Sir Gilbert. Halos hindi ko masagutan yung mga questions niya."

"Sinabi mo pa. Tapos ang daming essay pa yung pinapasagot, hmp!" naiinis na saad naman ni Maggie sa likuran namin. "Pero okay lang, makakabawi naman ako doon sa identification. Halos nasagutan ko kaya lahat noh!"

Kung ako ang tatanungin, I really don't care that much if mababa ang score ko sa mga quiz hangga't hindi ako nababagsak. Lol. Ganoon kaya talaga ang buhay sa college noh! Okay lang sa akin kung anong makuha kong score as long as na hindi ako babagsak at uulit sa isang subject. 

"Anyways, may gagawin ba kayo ngayon?" tanong ko sa kanila. "I would like to invite you sa bahay para tulungan kaming magprepare nung invitation for Mom's wedding."

"Ngayon na ba ang preparing of invitation for Tita Claire's wedding? Hala! Bakit hindi mo sinabi? May gagawin kasi ako now." sabi ulit ni Maggie.

"Ano ang gagawin mo, Mags?" Ethan asked.

"May pinapaayos kasi si Mama sa akin. May mga kailangan akong bayaran at pirmahan doon sa office niya." pagpapaliwanag niya sa amin.

Awts. Sayang naman. Ang dami pa naman namin gagawin ngayon, hay.

"How about you Ethan? Pwede ka ba na tulungan kami?" tanong ko naman sa kaniya bago isuot ang bag ko. "Madami kasing invitations yung aayusin."

"Paano ba natin aayusin yung invitations? Tayo pa ba ang magpi-print or gagawa?" curious na tanong ni Melai.

"Nope. May dadalhin na wedding porcelain couple na may kasamang invitation mamaya si Ritz. Then, ilalagay lang sa box and envelope yung mga 'yon at lalagyan lang nung konting design." I explains. "Medyo madami nga lang talaga, kaya ganon."

Si Ritz kasi yung magdadala nung mga invitations and porcelains. Hindi na gaano maasikaso ni Mom yun dahil medyo busy talaga sila this time. Kaya ayon, kami na lang daw ang magre-ready. Para bawas trabaho na din kila Mom.

Ethan touch his nape. "Uhh, kase. May gagawin din kasi ako after. May practice kami for this coming competition."

Oh yeah. Isa nga palang sa mga players si Ethan na ilalaban sa ibang school. Napili kasi siya na maging captain sa game. Well, magaling naman talaga siyang maglaro.

Our Innocent Date [On Going]Where stories live. Discover now