MAG-ISA lang ako dito sa bahay kaya I decided to go out and head to the park. Nasa tapat lang naman. Pagkarating ko do'n ay bumili muna ako ng pagkain at inumin 'tsaka umupo sa bench malapit sa mga naglalarong kabataan.
Habang kumakain ay nahagip ng mga mata ko si Ashley (Joohyun). Nakita niya rin ako kaya kumaway siya at lumapit. Nang makalapit na siya sa'kin ay umupo siya sa tabi ko.
"Oh, Kyle(Lisa). Ba't mag isa ka lang? Asan kuya mo?" Lumingon lingon siya sa paligid sa pag-aakala niyang kasama ko ang kuya ko.
"Umalis. Makikipagkita daw sa barkada," tumango-tango siya sa sinabi ko.
"Gusto mo?" Nilahad ko sa kan'ya ang binili kong extra burger. Di ko naman na yun kakainin kasi busog na ako. Makita ko lang si Ashley, busog na ako. Buo na ang araw ko.
"Salamat, Kyle," Nakangiti niyang sambit kaya napangiti rin ako.
Kumain lang kami ng tahimik. Ni isa walang nagsasalita. Nakatingin lang kami sa mga batang naglalaro dito nang may nakita akong isang paru-paru. Napatingin ako kay Ashley na ngayo'y nakangiti habang pinapagmasdan ang mga bata.
"Ashley," tawag ko sa pangalan niya kaya't napatingin siya sa'kin while still wearing her genuine smile. Damn!
"Hmm?"
"Butterfly ka ba?" tumawa siya. Napakamot naman ako sa batok ko at napayuko.
"Bakit?"
"Kasi ang ganda mo," umiwas ako ng tingin sa kan'ya.
"Ayan ka na naman sa pambobola mo, Ky–"
"Pero ang hirap mong abutin," may halong lungkot kong saad habang nakatingala sa langit. Naramdaman kong natigilan siya kaya lumingon ako at tinitigan ang maamo niyang mukha.
"Kyle. A-alam mo namang may gusto ako sa kuya mo, 'diba?" ngumiti ako ng mapait sa kanya. Masakit.
"Oo, alam ko. Kahit 'di mo naman sabihin. Lagi namang siya e. Lagi akong talo sa kan'ya. Sa pamilya ko, siya lagi pinupuri. 'Di man lang nila makita ang paghihirap ko. Pati pag dating sa'yo, siya rin panalo. Ano bang meron sa kan'ya na wala ako?"
✈︎
![](https://img.wattpad.com/cover/239788478-288-k193979.jpg)
BINABASA MO ANG
𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎
FanfictionL.M×B.J I'm bad at description Ow shoot I'm sorry HAHA (advance apologies) Just read this HAHA, and this book is full of oneshots Hihi Love lots! [Completed✔︎] (Including a Tagalog and English language)