"BESTFRIENDS WITH BENEFITS Pt:2"

192 5 0
                                    













Bukas.. bukas bagong Ali na ang makikita nyo..

San ba talaga ako nasasaktan?
Dahil naging sila ni Tod at ni Jasmine?
O dahil may girlfriend na si Tod?

3 Weeks Latuh..

Napapalingon ang lahat ng mga nadadaanan ko dahil sa.. "Jusko lord."

Dahil sa suot kong--Maikling palda. Na ni minsan ay di sumagi sa isip ko na gawin to. At isa pa. Naka make-up ako ngayon tapos naka braid pa yung buhok. Kagagawan kasi 'to ng tita ko eh.

Sabi pa niya sakin kanina na. "Wag kang paapekto Ali, kailangan ipakita mo sa kanila na hindi ka nasaktan." Sabi niya sakin habang naglalagay ng makeup.

Pumasok ako sa room na di makatingin sa kanilang lahat. And guess what? Lahat sila nakanganga. Even Jasmine. And Tod. Umupo ako sa upuan sa pinakalikod ng classroom. Ramdam ko ang mga titig nila sakin. 'Mga tol, ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?' Bulong ko sa isip ko.

Ewan, pero, kahit nakakahiya eh gusto ko tong ginagawa ko. Nilapag ko ang shoulder bag ko at umupo. Mag bebente-quatro na posisyon sana ako kaso ang ikli ng palda ko. 'Bwisit'

Pumasok si Prof at napatitig din sakin. "May bago ata kayong classmate?" Sabi niya at nilapag ang mga dalang libro sa mesa. "Hindi sir. That's Ali, ang ganda niya pala pag babae." Sabi ng classmate kong lalaki. Napalaki ang mga mata ni Prof. "A-ali as in Aliza Corpuz?"

Napatingin ang lahat sakin. Napayuko nalang ako. 'Lupa kainin mo na ako please. NOW NA.' "Yes sir. Ang ganda niya diba?" Di makapag salita si sir at binaling nalang ang tingin sa libro. Nag simula ang klase at nakikita kong pasulyap-sulyap sakin si Tod.

'Di ka rin makapaniwala no?, ako nga din eh.' sabi ko sa isip ko.

Natapos ang nakakabagot na klase ng mga Prof at lunch break na. Nagsilabasan na ang mga estudyante at eto ako ngayon. Di alam ang gagawin.

[Insert music: "Saan na'to patungo.. Hindi ko na kasi alam."]

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ito sa balikat ko. Lumabas narin kanina sina Tod at Jasmine. Tumayo ako at lumabas sa classroom. Nagpalinga-linga pako sa paligid kung baka may tao. Pero wala, tanging katahimikan lang ang bumati sakin kung sabagay, lunch break narin kasi eh.

Pumunta ako ng Cafeteria at naghanap ng mauupuan. At nakita ang isang bakanteng lamesa malapit sa bintana. Umorder muna ako ng pagkain at umupo don. Nilapag ko ang pagkain at nagismulang kumain.

"Si Ali yan? Seryoso?"
"Oo bro, ang ganda niya. Ang puti ng legs."
"Ang ganda pala niya pag babae no?"

Di ko mapigilang makinig sa nag-uusap sa paligid. "Kalma boi, ako lang 'to" napingiti ako ng bahagya sa naisip. Tinapos ko ang pagkain at lumabas ng cafeteria. "Hi miss." Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalakeng naka shades na color yellow ang buhok. May dalawang estudyanteng-mukhang-bodyguard na nakasunod sa likod nito.

"Oh bakit?" Bored na tugod ko. "Pwede bang malaman ang pangalan mo?" tanong niya sakin tapos nag kagat-labi. "Kung ayaw ko, may magagawa ka.?" Tanong ko pabalik.

"Uy bro, palaban si Miss maganda." Sabi ng bodyguard niya sa likod. "Eto yung mga gusto ko e. Yung 'Palaban'" May diin ang pagkakasabi niya ng 'Palaban' at nandidiri nako sa mukha niyang si Goku. Pero si Majinbu naman ang kinalabasan.

"Sayang ka miss, ang ganda at ang puti pa naman ng legs mo." sabi ng isa pang bodyguard. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Gusto kong ihampas ang ulo niya sa pader at mahimatay, pero ayoko ng away.

"Alis nako ha, wag nyo na akong kausapin ulit bye." Pinilit kong bigyang ng kaunting 'energy' yung sinabi ko. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang paalis nang hinawakan niya ang balikat ko. "HOY, hindi pa tayo tapos mag-usap!" Pero mas mabilis ang kamay ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niyang nakahawak sa balikat ko at pweresahang binalibag siya sa sahig.

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon