"Unexpected Manliligaw"

121 2 1
                                    

||𝐋𝐢𝐬𝐫𝐞𝐧𝐞|| 𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭
"𝖀𝖓𝖊𝖝𝖕𝖊𝖈𝖙𝖊𝖉 𝕸𝖆𝖓𝖑𝖎𝖑𝖎𝖌𝖆𝖜"




"Anak! May bisita tayo! Lumabas ka d'yan sa k'warto!" rinig kong sigaw ni Mama.

Napilitan naman akong bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kama habang nakasimangot at padarag na lumabas ng k'warto. Wala na akong pakialam kung ano itsura ko ngayon.

Disturbo 'tong si Mama. Nagbabasa ako ng wattpad e! Lapit na sa climax e! Naman e! Waka waka e e!

"Maayos na kahiga ko do'n e– L-lisa?!" napanganga ako nang makitang nasa sala ang ultimate crush kong si Lisa.

Hala! Pusanggala! Anong ginagawa niya dito?!

"May bisita tayo. Jusmeyo kang bata ka. May muta ka pa sa gilid ng mata mo oh," usal ni Mama. Napatalikod naman ako sa kanila at inayos ang sarili ko.

Sino ba kasing nagsabi na magpunta siya dito?! 'Di ako nakapagready! Kalerki!

"M-ma, balik muna ako sa k'warto. Mag aayos lang ho ako," nahihiya kong sambit. Pusangina talaga!

"Huwag na. Maganda ka naman na e. Mana ka sa Mama mo," biglang ani ni Lisa. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa pagpipigil na mapangiti.

Hutaness! Rinig mo 'yon, self?! Maganda ka raw! Shems! Ma, maghanda ka na. I'm getting married!

"Manliligaw ho sana ako kung p'wede lang sa inyo, Mrs. Bae," saad niya. Wala pa sa isang segundo ay napalingon na ako sa kan'ya habang nanlalaki ang mga mata.

"Manliligaw ka sa'kin?! Ma, manliligaw daw siya sa'kin! Huwag ka pumayag! Dapat diretso jowa agad hihi."

Hindi ako makapaniwala! 'Yong ultimate crush ko, manliligaw sa'kin?! Mainggit kayo, gusto ako ng crush ko! BWAHAHA

"I mean, manliligaw sana ako sa Mama mo kung okay lang sa kan'ya," aniya na ngumiti pa kay Mama at ito namang si Mama ay animong kinikilig sa sinabi nito.

T-tangina? Nananaginip ba ako?

"Oo naman," sagot ni Mama kay Lisa na dahilan para mapayakap siya kay Mama.

Ako? Ito, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Pigil ang hiningang nakatingin lamang sa kanila na naghaharutan.

Ultimate crush ko, magiging step father ko? Hindi p'wedeeee! Child abuse ka Mama! Child abuseee!

✈︎


⋅•⋅⋅•⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅∙∘☽༓☾∘∙•⋅⋅⋅•⋅⋅⊰⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅⋅•⋅
Hey! Please support my "Loving Mysterious" still Lisrene I want to make it Jenlisa but I can't, so many Jenlisa's ff here in wattpad so Why not we make some new? Hihi Support nyo akooo!

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon