"GIRLFRIEND KONG ISIP BATA"

129 4 0
                                    











“Papunta na ako.” Agad kong binabaan ng telepono ang tropa ko. Kailangan kong makatakas habang tulog pa si Irene. Nag-aya kasi ng inuman iyong tropa ko, nakakamiss nadin ang alak.

Pagbukas ko ng pinto bumungad ang mukha ni Irene, na halos 'di na mahagilap ang mata niya sa kakangiti. Sa'n naman galing babaeng 'to kala ko't tulog na.

“Hi! Baby! Inom tayo!” Napatingin ako sa binili niya. Chuckie at mga kung anu-anong biscuit. “Gusto ko magwal-wal hahahahah!”

Walwal ng chuckie? Jusmi 'tong babaeng 'to. “Ahm, baby tumawag kasi kaibigan ko. Birthday niya nag-aya ng inuman—”

“Ayaw mo akong kainuman?” malungkot na wika niya. Nakanguso niyang tiningnan ang pinamili niya. “Sayang naman binili ko.”

“Uhm, baby...”

“Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa'kin makikipagbreak na ako ng kusa.”

Tang*na sa inuman lang ang usapan e, napunta sa break.

“Ito na iinom na tayo!” sabi ko at kinuha iyong mga pinamili niya at dinala sa sala. Halos magtalon-talon naman siya sa tuwa sa likuran ko. Suminghap nalang ako.

Ayon in-on ko ang tv at basketball ang palabas. Umiinom narin kami ng chuckie. Nakasandal ako sa sofa at nakasandal naman sa'kin si Orene.

“Baby Limario ko, lipat mo sa We bare bears. Palabas iyon ngayon.” Ito na naman siya sa we bare bears niya, Hindi ko siya pinansin at nanood lang ako ng basketball ang ganda na ng laban. “BABYYYY ILIPAT MO SA WE BARE BEARS!”

Nagsimula na siyang maglikot. Pero taena ang ganda pa ng laban. “Mamaya—”

“Sabihin mo lang kung ayaw mo na—”

“Ito na ililipat na, ayan ka na naman sa break break mo.” Umayos naman siya ng upo at nanood na ng WE BARE BEARS habang umiinom ng chuckie. Dahil ayaw ko manood. Siya nalang pinagmasdan ko. Kung higopin ang straw ng chukie pati hangin sa loob nahigop niya na. Wala ng laman e. Nakabusangot pa siya mapagtantong ubos na. Napangiti naman ako sa kilos niya. Kinuha ko iyong chuckie kong 'di ko naubos. “Oh ito.”

Nagliwanag naman ang mata niya at tinaggap iyon at sumandal uli siya sa'kin at sinuklayan ko nalang ang buhok niya.

Ilang minuto ang nakalipas, naghihikab na siya. Napangiti naman ako, siguro makakatakas na ako 'pag tulog na ito.

At no'ng nakatulog na siya sa bisig ko agad ko naman siyang binuhat at nilipat sa kwarto.

Kinuha ko ang teddy bear niya at pinayakap sa kanya. Iyon iyong 'di pwedeng mawala 'di bali nadaw ako ang mawala. Psh. Kinumutan ko siya. Pagkatapos hinalikan sa noo.

‘Papunta na ako.’

Text ko sa kaibigan ko. Tiningnan ko ulit si Irene at mahimbing naman ang tulog niya.

Aalis na sana ako sa kwarto nang biglang kumulog ng malakas. Napansin ko medyo nagulat si Irene pero tulog parin siya. “Baby Lim? baby takot ako.”

Narinig kong sabi niya habang nakapikit parin at halos ibalot niya na sarili niya sa kumot at 'di ko na mahagilap ang teddy bear sa higpit ng yakap niya dito.

Takot siya sa kulog. Biglang nagvibrate phone ko, nagreply kaibigan ko.

‘Ge antayin kita, pre.’

Tiningnan ko ulit si Irene at nakita ko nalang ang sarili kong nakahiga sa tabi niya. “Baby Lim?”

“I'm here, baby.” sabi ko at pinahiga ang ulo niya sa balikat ko at bahagya siyang niyakap.

Sinilip ko naman siya. Salubong ang kilay at nakanguso. Natawa naman ako ng bahagya at ninakawan siya ng mabilis na halik sa labi.

I'm really in love with this childish girl.

‘Pre, 'di na ako makakapunta, enjoy kayo diyan.’

Message sent.

✈︎

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon