(A/N: Lisa is a guy in this story. Hope you enjoy it!)My name is Aliza Bae. And
this guy beside me is my bestfriend. Tod Manoban. Simula pagkabata ay magkasama na kami kasi mag bestfriends ang parents namin. Hindi sa pagmamayabang pero we both grew in a rich family.Simula 5 years old ay parang kinilala ko na si Tod na kapatid ko. We entered the same school, from Elementary, highschool and even college we took the same course. Di ko ipagkakailang medyo boyish ako sa galaw ko. Naimpluwensyahan kasi ako ni Tod e. Walang araw na hindi ako pumupunta kina Tod.
Di naman ako pinagagalitan kasi kilala naman ng pamilya ko ang pamilya ni Tod. At isa pa, they trust me because i'm a lesbian. Palagi kaming naglalaro ng video games, kahit na malaki na kami.
And then one day.
That was first day of school at syempre, classmate ko si Tod. Pumasok kami sa room at umupo. Nakita ko si Jasmine Kang. Crush ko. Ang ganda kasi niya at ang talino. Hays.
"Hi Jasmine." Sabi ko at kumaway. "Hi Ali!" Energetic na tugon niya sakin. Siya lang yung taong nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko pag tinatawag niya ako sa pangalang 'Ali' Ang kyut niyang tingnan. Chinita kasi siya at ang puti ng kutis.
"Ang ganda niya no?" Baling ko kay Tod na nakatingin din kay Ali. "Ang ganda nga niya." Sabi naman sakin ni Tod. Kaya siniko ko siya. "Akin lang yan ha? Subukan mong agawin sakin at malilintikan ka." Pagtakot ko kay Tod. "Aagawin ko talaga yan." tatawa tawang sabi niya. Alam kong may pakulo na naman si Tod na ikakagalit ko. Ang kyut ko daw kasing magalit. 'Kadiri'
The NEXT DAY..
Pumasok kami ng room at umupo. "Hi Jasmine." Napatingin ako kay Tod dahil sa pagbati niya kay Jasmine. Tingingnan ko siya ng masama. "H-hi Tod." Di makatingin na sabi ni Jasmine sa kanya. At shuta namumula pa ang pisnge niya.
Sinuntok ko sa braso si Tod at umupo. Umupo rin siya sa katabing upuan. "Oy joke lang. hahaha, Yan na naman yang mukhang yan ang cute." sabi niya sakin na tatawa tawa pa.
"Sabi ko na diba na akin lang yang si Jasmine?" bulong ko sakanya tama lang na marinig niya ako.
"Sayo nga."
"Eh ba't ka nag hi?"
"Nag 'hi' lang aagawin agad?"
"Makisama ka naman. DahilMagtatapat ako sa birthday niya next month."
"Sige." Tipid na sagot niya at ngumiti na tumingin kay Jasmine. "Tutusukin ko yang mata mo."
"Joke lang. Ito naman."And then the nextday ginawa ulit ni Tod yun. "Hi Jasmine" Namumulang tumingin ulit sa kanya si Jasmine. "Hi Tod."
Sabi ni Tod ay inaasar lang daw niya ako at wala siyang balak na agawin sakin si Jasmine dahil sabi ko nga magtatapat ako next month kasabay sa birthday ni Jasmine.
Hanggang sa araw-araw na niyang ginagawa 'yon. At na na-notice kong naging close ang dalawa. At sabay na kaming kumakain sa Canteen tuwing lunch time.
Nung time na 'yon ay busog pa'ko at walang ganang kumain. So niyaya kong mag computer si Tod. "Tod laro muna tayo, di pako nagugutom eh." Sabi ko sa kanya. Kasama namin si Jasmine.
Tiningnan muna ni Tod si Jasmine bago magsalita. "Ah eh, sorry bro, kaso nagugotom na kasi kami ni Jasmine eh." Sabi niya sakin. "Kung gusto mo maglaro ka lang muna mag-isa."
Parang may kumirot sa puso ko na hindi ko alam. Yun yung first time na nireject ako ni Tod. Parang di lang ako sanay sa mga inuugali niya ngayon.
"Ah, siguro ako nalang muna ang maglalaro. Ge." Tinapik ko ang balikat ni Tod at ngumiti tapos bumaling ako kay Jasmine. "Jas. Una muna ako." Paalam ko sa kanila. "Sige, Ali ingat." Tumango ako at tumalikod. Di ko maintindihan tong nararamdaman ko.
Parang kumirot yung puso ko ng walang dahilan. "Bwisit ba't bako nagkakaganito."Bulong ko sa sarili habang naglalakad palabas ng school.
SATURDAY.
Naisipan kong pumunta sa bahay ni Tod--Na parang bahay ko narin. Magpapaturo kasi ako ng gitara sa kanya, magaling kasi yun eh. Pumasok ako sa gate. It's 9:30 in the morning. Pagpasok ko nakita ko si Tito Arnel at tita Jannet na kumakain.
"Good morning tito." Napatingin sila sa gawi ko at ngumiti. Ang bait nila. "Just on time Hija, kain ka muna." Pagyaya ni tito sakin. Agad naman akong nagprotesta. "Ah, no thanks tito i already had my breakfast." Tumango si Tito.
"Si Tod ba hanap mo?" Si tita Jannet.
"Opo."
"Wala siya rito hija, umalis kani-kanina lang." Nagtaka naman ako sa sinabi ni tita."U-umalis po?" Tanong ko ulit.
"Oo, may kasama siya kaninang babae, Baka nga girlfriend niya yun eh."dagdag pa ni tito sakin. Jusme babae?So umuwi ako non then the next day bumalik ulit ako sa bahay nila Tod. And then i saw them kumakain sila with Tod. Lumapit ako sa hapag kainan at nagulat sa nakita kong kasama ni Tod-- Si Jasmine. Nakita ako ni Jasmine. "Hi ALIIII!" Napatingin si Tod sakin. Di siya makapag salita.
"H-hi Jas. What brings you here?" Tanong ko sa kanya na sana hindi ko nalang tinanong. "My Boyfriend invited me here." Parang gumuho ang mundo ko na hindi ko maintindihan. "Kayo na!?" Tinapik ko si Tod sa balikat. Di siya makatingin sakin ng diretso. "CONGRATS PRE! sa tinagal-tagal ng panahon nag ka jowa karin!." Pinilit kong ngumiti kahit na basag na basag nako sa loob. "Thanks, bro." Sabi niya na tumitingin parin sa plato niya.
Parang tinraidor ako ng sarili kong kapatid ko. "Hija, sabayan mo kumain." Masayang yaya sakin ni tito. "Sige na Al, just this time." Pamimilit ni Tita. Kaya ayon hindi ako nakatanggi. "Sige po."
Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain. Kharap ko si Tod at Jas. Masaya silang nagtitinginang dalawa. Tas sinusubuan pa siya ni JAsmine. Tila isa akong multo na hindi nila nakikita. Tinapos ko ang pagkain at nagpaalam kina tito at tita. At kay Tod.
"Pre, alis nako, congrats." Dali-dali akong tumalikod at naglakad palabs ng gate. Pumasok ako sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng gate at hinampas hampas ang manibela.
"P*ta."
Pano nagawa sakin ni Tod 'to? Sabi niya biro lang ang lahat pero bakit naging 'sila' ng babaeng pinakamahal ko? "Ayoko na." Bulong ko. At nagsimulang nagdrive pauwi.
Kinaumagahan late akong pumasok sa school. Di nasuklay na buhok, malalaking eyebags, at di naplantsyang damit. Uupo sana ako sa dati kong pwesto pero napagisip-isipan ko kagabi na iwasan nalang si Tod. Traidor siya. Taksil. Ang o.a ko no?
"Hi alii" napatingin ako sa ngiti ni Jasmine. Ang ganda niya. Nakakapawi ng pagod. I waved back. "Hello Jas." Nakita ko ang mga mata ni Tod na sumusunod sakin, inaakalang uupo ako sa katabing upuan niya. Pero nilampasan ko siya at umupo sa pinakadulong upuan sa likod malapit sa bintana.
Nagtaka siya napalingon sakin pero iniwas ko ang tingin ko at binaling sa labas.
Natapos ang morning period at lunch time na. Lumabas ako ng classroom na hindi alam ang pupuntahan. "Jusme." Nasabi ko nalang. "Ali, eat with us." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang masayang mukha ni Jasmine at nakangiting mukha ni Tod.
Pano niya nagagawang ngumiti pagkatapos niya akong traidorin. Napabaling ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Dahan-dahan nitong dinudurog ang puso ko, at may namumuong luha na naman sa mga mata ko.
Nakita agad yun ni Tod. Nawala ang ngiti niya. Kilalang kilala niya ako. "Kayo lang siguro, masama p-pakiramdam ko eh." Agad akong tumalikod dahil nagbabadya nang tumulo ang luha ko. "putangina." Bulong ko habang naglalakad papuntang parking lot. Uuwi muna ako. Baka mamatay ako eh.
Pumasok ako sa sasakyan at umiyak ulit. Nagtataka ako. San bako nasasaktan? Sa pag 'traidor sakin ni Tod o sa dahil nagseselos ako kay Jasmine?' Dahil mas pinili ni Tod si Jasmine kesa sakin? JUSKO ANG GULO-GULO.
Umuwi ako sa bahay at di na pumasok ng hapon. Alam kong magtataka si Tod sa pag absent ko.
*Ting*
Napatingin ako sa cellphone ko. Nag message si Tod.
"Hoy, ba't di ka pumasok?"
sineen ko lang chat niya at natulog. I had enough. bukas... bukas bagong Ali na ang makikita nyo.
BINABASA MO ANG
𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎
Fiksi PenggemarL.M×B.J I'm bad at description Ow shoot I'm sorry HAHA (advance apologies) Just read this HAHA, and this book is full of oneshots Hihi Love lots! [Completed✔︎] (Including a Tagalog and English language)