||𝐋𝐢𝐬𝐫𝐞𝐧𝐞|| 𝐀𝐮-𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭
"𝕴 𝖏𝖚𝖘𝖙 𝖆𝖉𝖒𝖏𝖗𝖊𝖉 𝖍𝖊𝖗 𝖘𝖊𝖈𝖗𝖊𝖙𝖑𝖞""Irene, nabalitaan mo na ba?" Dali-daling tumabi sa 'kin si Yeri na bakas sa mukha nito ang excitement.
"Hindi pa," walang ganang sagot ko na 'di man lang nag-atubiling tumingin sa kaniya.
Tutok ang atensyon ko sa pagkaing nasa harap ko. Nandito kami ngayon sa bahay ng isa pa naming kaibigan. Dumalo kami sa birthday party ng inaanak namin kay Jennie.
"May reunion daw tayong 10-Humility!"
Muntikan na akong mabilaukan nang marinig ang binalita niya. W-What? Really?!
Umayos ako ng pagkakaupo at 'di pinahalatang apektado ako sa sinambit niya. "So?"
"Anong so? Are you not excited to see him again? It means... you'll see Lisa again. 'Yong ultimate crush mo noon!"
Si Lisa ang long-time crush ko. I had a crush on her since we were in high school and until now na graduate na kami lahat-lahat at currently working na, I still like him. It's almost 8 years and still counting. Normal pa ba ito?!
"Hindi ko nga kasi siya naging crush!" Pagde-deny ko. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin magawang aminin sa kanila. I don't know pero nahihiya ako. Kuntento na akong ako lang ang nakakaalam. Pero kahit anong pagtanggi ang gawin ko, ramdam pa rin nila. "Pero kailan ba 'yang reunion na 'yan?"
"Kita mo na, magde-deny pa! Hindi raw crush pero pina-frame 'yong picture nilang dalawa no'ng JS prom," pagsi-simula ni Yeri.
"Tapos until now, nakatago pa rin 'yong gift na binigay sa kaniya no'ng Christmas party," natatawang asar rin ni Wendy na nasa tabi ko lang. Naalala ko na naman, 'yon ang the best Christmas party ko dahil ako ang nabunot ni Lisa. Tama si Wendy, nasa cabinet ko pa rin ang t-shirt na niregalo niya at 'di ko pa rin sinusuot at nilalabhan, hehe.
"Hindi ko nga crush sabi eh!" Pagalit kong b'welta. Panigurado, hindi na naman nila ako titigilan nito.
"Weh? So, can you explain it to me... Bakit mo ni-middle finger si Lisa at 'yong kasama niyang babae na mukhang hinaharana niya no'ng Valentine's Day?" Nakisawsaw na rin sa usapan si Joy.
Hindi ako makaimik. Nakaramdam lang naman ako ng selos noon kaya ko 'yon nagawa.
"I remembered pa when Lisa serving mission in Mindoro, lagi mo akong china-chat-- asking if he's okay. Dahil nahihiya kang i-chat, sa 'kin ka nagtatanong because I'm one of his close friend." Masamang tingin ang pinukol ko kay Seulgi. Pati ba naman siya ila-laglag ako?!
Okay, fine! Kahit anong deny ko, 'di pa rin sila maniniwala. Ako rin naman kasi itong gaga na nagbibigay motibo. "Oo na, oo na, sige na! I had a crush on him and until now, gusto ko pa rin siya."
"Woah!" Sigaw nila. Mga kupal, napa-amin ako ng de oras.
"Did you hear that, Lisa?" Tumayo si Seulgi at tumingin sa bandang likuran ko.
Kumunot ang noo ko. Anong sinabi niya?! T-Teka. Nakatingin na silang lahat sa bandang likuran ko. Kasabay nang paglingon ko ang siyang paglaki rin ng mata ko dahil sa gulat. Lisa was there, at my back pero ngayon ay kaharap ko na.
"Hi, Irene!" Bati niya.
"Y-Yes!"
Narealized ko lang kung anong sinabi ko nang magtawanan ang mga kaibigan ko. Wtf?! Anong yes?!!
"Yes agad, Irene? Ang speed mo naman. Hindi ka pa nga nililigawan, eh."
"I mean w-what are you doing here? Kanina k-ka pa ba?" Nau-utal at 'di mapakaling tanong ko.
"Isa ako sa ninong na kinuha ni Jennie. You didn't read the invitation, right?"
I nodded. Tinamad na akong tignan ang invitation. Para akong napako sa kinatatayuan ko ngayon. 8 years na noong huling kita ko sa kaniya at ngayon, she's standing in front of me. Tinignan ko ang kabuuan niya.
She's wearing a plain white polo and black leather pants. Matangkad, moreno, magandang hubog ng katawan, makapal na kilay, mapupungay na mata, matangos na ilong at mapulang labi. Walang nagbago. she's still handsome and pretty, indeed.
"So, success ang planong paaminin si Irene." Humalakhak si Joy. "I told you, Lisa. Gusto ka din ng taong matagal mo nang gusto," dagdag pa nito.
Ano bang pinagsasabi nila? Naguguluhan ako. Ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari.
Mas lumakas ang tibok ng puso ko at 'di ko alam kung anong gagawin ko nang magsimulang humakbang si Lisa papunta sa direksyon ko. Nasa harapan ko na siya at ramdam kong nag-init ang pisngi ko dahil sobrang lapit niya lang.
"Irene, narinig ko lahat and I'm so happy 'cause I like you too. 'Di ako naniwala sa sinabi ni Yeri sa 'kin noong isang araw na nagkita kami kaya pumayag ako sa plano nilang 'to. Gaya mo ay 'di ko rin maamin. Nagkagusto na ako sa'yo bago pa sumapit ang JS prom natin no'n.
I asked my ate na kuhanan tayo ng picture and look, wallpaper ko pa rin siya sa phone ko." Pinakita nito ang phone niya at wallpaper nga niya ang picture namin. "Noong araw ng bunutan for Christmas party, 'di talaga kita nabunot noon. Katabi ko ang nakabunot sa'yo pero nakiusap akong magpalitan kami and he agreed naman.
The day you saw me with another girl while holding my guitar, 'di ko siya hinaharana. She's just my friend. Kasama ko siyang magplano noon dahil plano ko na umamin sa'yo that valentine's day pero nasira dahil umuwi ka kaagad. Noong nasa mission ako, 'di pa rin kita makalimutan. I'm still into you." He paused as he grab my two hands. "I can't believe that we have the same feelings towards each other-- that we keep it for almost 8 years."
"At 'di pa kayo magkakaaminan kung 'di namin plinano 'to," singit ni Yeri na nasa tabi ko.
Bumaling ako sa kaniya. "Planado ito? Hindi totoong may reunion?"
"Hindi pero don't worry, matutuloy pa rin ang reunion pero sa araw na ng kasal niyo," nakabungisngis nitong saad.
✯~✯~✯
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad suot ang white wedding gown ko. Nasa tabi ko ang dalawang taong sobrang mahalaga sa 'kin, ang mga magulang ko. Bakas ang saya ng mga taong dumalo. Karamihan ay ang mga kaklase namin noong high school.
Para na rin kaming nag-reunion. Matapos ko silang tignan at ngitian, bumalik ang tingin ko sa taong naghihintay sa 'kin sa harap ng altar. Hindi ko inakala na darating ang araw na ito sa amin ni Lisa. Walang katumbas na saya ang nararamdaman ko ngayon. Finally, magiging Mrs. Manoban na ako!
Being in a relationship with my long-time crush is something I think only happens in the movies or K-dramas. Pero ngayon, totoong nangyayari na sa 'kin.
Yes, I ended up with my long-time crush.
✈︎
BINABASA MO ANG
𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎
FanficL.M×B.J I'm bad at description Ow shoot I'm sorry HAHA (advance apologies) Just read this HAHA, and this book is full of oneshots Hihi Love lots! [Completed✔︎] (Including a Tagalog and English language)