"LET'S PLAY TRUTH OR DARE"

154 3 0
                                    











“I dare you to love me.” sabi ni Lisa at nagsigawan naman ang mga kaibigan namin.

Lisa.

Siya iyong nanliligaw saakin. Ewan magkaibigan lang naman kami pero isang araw umamin nalang siya saakin na gusto niya ako. I rejected her kasi pag-aaral muna ang uunahin ko. But she never give up.

Naglalaro kasi kami ng truth or dare ngayon at tumama saakin ang boteng inikot niya.

Maybe it's time to give her a chance?

Ngumiti ako. Mas umingay naman ang paligid. Nagulat si Lisa sa ngiti ko't mas lumapad kaagad ang ngiti niya. “Fine.”

I never thought I will be this happy when we're officially together. Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog kay Lisa. She's so sweet and caring.

I will forever be thankful to that day when the bottle pointed at me.

Isang buwan na ang lumipas at nandito ulit kaming magbabarkada. Maglalaro ulit ng truth or dare. Gusto ko sanang tumabi saakin si Lisa pero sa harapan ko siya umupo. Hinayaan ko nalang.

Inikot ni Lisa ang bote't nakaturo na ito saakin. “Dare.” sabi ko agad.

She sighed. “I dare you to break up with me.”

I froze. Para akong nabingi sa narinig.

“Lisa!” sita ng mga kaibigan ko. Pero nakatingin parin ako kay Lisa na napakamot sa batok niya.

“Tss. Guys alam niyo naman ang totoo, e! 'Di ba dinare niyo lang naman ako noon na jowain siya ng isang buwan para 'di siya puro aral? Nagawa ko na!” sabi pa niya. Napayuko ang mga kaibigan ko.

Nagulat sila nang bigla kong inikot ang bote't napatigil ito kay Lisa.

Napangiti ako. “Truth or dare?”

Titig na titig ako sa kanya. “T-Truth.”

“Minahal mo ba ako?” sinubukan kong 'di mabasag ang boses ko.

“I-I'm sorry.” Doon lang tumulo ang mga luha ko't bigla tumayo at tumakbo palayo. Kaibigan ko ba talaga sila? Pa'no nila ako nasaktan ng ganito?

It all started with a dare and now it ends with a dare.

Let's play truth or dare? Then find out later, we are the one who's being played.

✈︎

𝓜𝔂 𝓣𝓱𝓸𝓾𝓰𝓱𝓽𝓼 (L.M×B.J Au-Oneshots)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon