Chapter 15

290 8 0
                                    

Chapter 15

Liam's

"Anong ginagawa mo dito, Axel?" I asked him

hindi ko mapigilan mainis dahil katapos ng ginawa niya kay Khaleesi ay hindi niya man ako kinausap at inexplain ang side niya. I tried to contact him pero mukhang binlock niya ang number ko. I also messaged him at his social media accounts pero wala akong natanggap na reply galing sakaniya. He is really an asshole

"Nasaan si Khaleesi?" he asked me pero bumaling ang tingin niya kay Casper na katabi ko lang

"Anong ginagawa niya dito?" sabi ni Axel sa akin at tinuro pa niya si Casper.

"ikaw ang dapat kong tinatanong niyan, anong ginagawa mo dito" sabi ko sakaniya

hindi siya tumingin sa akin pero nagsalita siya, "I want to talk to Quinn" sabi niya

Sasagot sana ako pero narinig kong tumawa si Casper sa tabi ko, "katapos mo siya gaguhin ang lakas pa ng loob mo pumunta dito para kausapin siya" sabi ni Casper sakniya

tinignan siya ng matalim nito, "bakit hindi mo nalang hayaan si Khaleesi at huwag na siyang guluhin pa?" ramdam ko ang inis ni Casper sa tono ng boses niya

"wag kang makialam dito, Reyes." malamig na sabi sakaniya ni Axel

"wag mo din guluhin ang buhay ni Khaleesi" banat naman sakaniya ni Casper

Matalim ang tinginan nila sa isa't isa, pumagitna ako para pigilan ang alitan nila.

"wala dito si Khaleesi, Axel" sabi ko kay Axel. Bumaling ang tingin niya sa akin at napakunot ang noo nito.

"pero nasa labas ang kotse niya" sabi ni Axel, tangina hindi ko pwedeng sabihin na nasa itaas si Khaleesi.

"ano bang kailangan mo kay Khaleesi?" usisa ulit ni Casper, pero hindi siya pinansin ni Axel. Nagtiim bagang ito at kinuwelyuhan si Axel. Uh-oh, mukhang may suntukan na magaganap dito

Sana lang hindi agad bumaba si Khaleesi para hindi sila magkita ni Axel kundi magdadagdagan ang pagkawala ng mood niya.

"nasaan siya?" tanong ulit ni Axel sa akin, "anong kailangan mo sakaniya?" ako naman ang nagtanong sakaniya dahil hindi niya sinagot si Casper

"kailangan ko siyang makausap tung—" tumigil siya sa pagsagot sa akin nang marinig namin ang takong ni Khaleesi pababa ng hagdanan. damn, wrong timing naman ang pag-alis niya.

Tinignan namin siya ulo hanggang paa, at napansin ko na nakatakong nanaman siya. Nakalimutan ba niya ang bilin ko sakaniya na wag siya masyadong magtatakong dahil sumasakit ang paa niya? Ang tigas talaga ng ulo niya

Hawak hawak niya ang susi ng kotse nito, at naglakad siya papalapit sa amin. Malamig ang tingin nito sa amin lalo na kay Axel, oh God. Mukhang ayaw niya na nandito si Axel, well of course dahil ex boyfriend niya lang naman si Axel at niloko pa siya nito.

"you..." at tinuro niya si Axel, "anong ginagawa mo sa pamamahay ko?" madiin na tanong niya

Khaleesi's

Malamig ko siyang tinitigan, ang kapal naman ng mukha niya para pumunta sa pamamahay ko katapos ng mga katarantaduhan na ginawa niya sa akin, bad for him dahil tuluyan na kong nawalan ng gana at ibabaling ko sakaniya lahat ng sama ng loob ko.

"I want to talk to you, Quinn" Nagtiim bagang ako nang tawagin niya ako sa pangalan na 'yun, wala na siyang karapatan para tawagin akong Quinn dahil wala ng kami and he's a fucking stranger to me since the day he cheated on me.

"Don't ever call me by that name, jerk." walang emosyon na sabi ko

"gusto ko lang malaman kung totoo ba ang nasa balita na kayo ni Calvin" aniya

"at kung totoo man ay wala kana 'don" sambit ko sakaniya, "but he's a killer! at pinatira mo pa ang kakambal niya dito" depensa niya

I suddenly choke his neck kaya napasinghap sila Liam. Pipigilan sana nila ako pero tinignan ko sila ng masama.

"Q-Quinn..." mahinang usal ni Axel habang sakal sakal ko siya

Kahit na babae ako ay marunong akong sumakal ng lalaki at alam kong sobrang higpit ang pagkakasakal ko sakaniya

"Fuck, Khaleesi!" singhap ni Liam sa likuran ko pero hindi ko siya pinakinggan, "you're gonna kill him" sambit naman ni Casper

I grinned, I don't care kung mapatay ko man siya dahil wala na siya sa akin. Wala na kong pakialam sa mga manloloko na katulad niya. Okay sana kung marupok ako tulad ng mga babae diyan pero iba ako. Hindi ko bibigyan ng chance ang isang lalaki kung alam kong gagawin niya ulit yun like this jerk. Cheaters don't deserve second chances, dahil kapag nagloko yan sa una, asahan mo ng pagloloko yan ulit.

At kahit umiyak pa ng dugo si Miller sa harapan ko ay wala akong pakialam. Gumawa siya ng mali kaya dapat lang na pagsisihan niya ang problema lang hindi na ako babalik sakaniya. Kahit sabihin na natin na hindi na nga siya magloloko, wala na ang tiwala ko sakaniya na binuo niya dati dahil sinira na nya 'yun noong nagloko siya.

"stop it, Khaleesi" Casper said and lightly held my arm.

Patuloy ko pa rin hinawakan ang leeg ni Miller, at tinignan siya ng masama. Hinahabol niya ang hininga niya

"you were saying that the twins didn't deserve the second chance I gave? huh?" sarcastic na tanong ko sakaniya, binaon ko ang mahaba kong kuko sa leeg niya kaya napadaing siya

"they didn't break my trust unlike you, Miller. They broke Luna's not mine. They didn't cheat on me unlike you, so fuck off" at malakas kong tinanggal ang pagkakahawak sa leeg niya at napaupo siya sa sahig. I saw the redness on his neck but I don't care.

Kung marupok lang akong babae siya mag-aalaa pa ako 'e, but bad for him I'm not like that. I loved him, siguro sapat na 'yun.

Tinitigan ko siya ng malamig, he's staring me like a scared car. Dapat lang na matakot siya dahil siya ang unang lalaki na pinakitaan ko ng ganito. Hindi ako naging ganito noong kinidnap ako ni Casper.

"you don't deserve my second chance, jerk. Umuwi kana sa saya ng babae mo, and fucking leave me alone" sabi ko sakaniya

Tinignan ko si Casper na nanonood sa amin, "sumama ka sa akin, Casper" nagulat naman siya pero agad din siyang sumunod sa akin

"I will never let you go, Quinn" sabi sa akin ni Axel

Napangisi nalang ako at lumabas ng bahay habang nakasunod sa akin si Casper.

He will never let me go huh? Kung ako sakaniya papakawalan na niya ako dahil wala siyang makukuha sa akin sa huli.

Tinapon ko kay Casper ang susi ng kotse at nasalo naman niya 'yun, "akala ko ba ikaw lang ang aalis?" aniya

Umiling ako at pumasok sa front seat, sumakay na rin siya .

"wala akong gana magdrive ngayon" sabi ko at binaba sa tabi ang pouch na dala ko.

He starts the engine, "so saan tayo pupunta?" he asked me

"sa kakambal mo" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana

"kay Calvin?" mahina akong tumango, I just heard him cursed. 

[BOOK 2] Heart of the InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon