Chapter 29
Bumuntong hininga ako bago ko nilapag sa mesa ang dala kong jollibee. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa 'non si Casper na bagong ligo. Wow buti pa siya, kakain muna ako bago maligo.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil nakatopless siya, he's drying his hair.
"Nag-order ako ng jollibee malapit dito" ani ko habang inaayos ang binili ko
Lumapit siya sa akin kaya't napalunok ako. Alam kaya niya na nandito si Miller? Nakita kaya niya ang pagluhod ni Miller sa harapan ko?
I want to ask him but I'm scared and I don't know why.
"Kain na tayo" at nginitian ko siya. Hindi nagbago ang reaksyon niya. It was still a blank face. Napalunok ako ulit, masama ba ang gising niya? O nakita talaga niya kami ni Miller kanina?
Umupo na ako sa upuan at tinignan siya, "hindi ka pa kakain? " at kinuha ko ang kutsara't tinidor.
Tahimik siyang umupo sa tabi ko, kumuha na rin ng kutsara't tinidot. Damn, he's not talking. Nasaan na ang daldal niya kahapon? Nagkapalit ba kami ng kaluluwa? Tsk
Nagsimula na kami kumain at wala sa aming dalawa ang balak mag salita. Napanguso naman ako, gusto ko magsalita pero baka hindi lang niya ako pansinin.
Napatigil ako sa pagkain nang biglang nagvibrate ang phone ko, napakunot ang noo ko nang makita ko a galing 'yon kay Liam. Wow, katapos niya ako ibugaw kay Casper.
Sumulyap muna ako kay Casper bago sagutin ang tawag, he's busy eating. I heaved out a sigh.
"buti napatawag ka?" I can't help myself but to be irritated. Hindi daw binugaw niya ako dito kundi hindi nagsasalita si Casper na para bang wala siyang kasama. Tsk.
Kapag hindi ako makatiis, masasakal ko talaga siya.
"you sound irritated, naistorbo ko ba ang moments niyo ni Casper?"
"ano ba ang kailangan mo, Liam? Hindi pa ba sapat na solo niyo ni Laura ang bahay diyan"
I heard him chuckled to the other line, what a whipped ass.
"gusto 'ko lang kumustahin kayo diyan lalo kana. Ako ang nagsabi kay Axel na nandiyan si Casper sa baguio" napatigil naman ako
"at bakit? May ginawa ba—"he cuts me off
"gusto lang maliwanagan ni Axel kaya sinabi ko na sakaniya. Nagkausap ba sila?"
I looked at Casper, whose eating quietly, wala talaga siyang balak pansinin ako?
"hindi dahil ako ang nakausap ni Miller" and that's the time I caught Casper's attention. Agad akong umiwas ng tingin dahil muntikan na magkasalubong ang tingin namin. I can't help but to smile, sa wakas ay tumingin na rin sa'kin.
"ano? tangina, sabi ko na 'nga ba mali ang pagpapapunta ko sakaniya diyan"
"ang bobo mo naman kasi. Alam mo naman na magkasama kami ni Casper, kaya sa ayaw at gusto mo mag-uusap talaga kami"
"masyado akong naawa sakaniya. So, what happened? Did he cry?" napakagat ako ng labi nang maalala ang itsura ni Miller kanina. He's begging at me like a poor child.
Ayokong sabihin 'yon kay Liam dahil alam 'kong maawa lang siya kay Miller at ayon ang pinaka ayaw nito. Miller does not want to be pitied.
"nothing happened" simpleng ani ko
"really? hindi ako naniniwala" sigurado akong nginigisian na ako ni Liam.
"edi huwag kang maniwala hindi naman kita pinipilit. May balita ka ba about sakaniya at doon sa babae niya?"
"what do you mean?"
"sila pa ba?"
Nabigla ako nang agawin ni Casper ang phone bago ko pa marinig ang sagot ni Liam. Pinatay niya ang call at nilapag sa tabi niya ang phone ko. Kunot noo ko siyang tinignan
"A-Anong ginagawa mo? Kausap ko si Liam" ani ko
He's staring at me coldly. Galit ba siya sa'kin? pero bakit? Okay naman kami kahapon diba? Kahit noong bago ako matulog.
"We're eating. Kausapin mo siya katapos mo kumain" malamig na aniya at bumalik na sa pagkain. I can't help but pout. Kung kinakausap lang niya ako edi sana gaganahan ako kumain
Kukunin ko sana ang phone ko sa tabi niya pero agad niyang nilayo 'yon.
"Give me back my phone, Casper"
"Huwag kang magbanggit ng pangalan ng lalaki kapag kasama ako, Khaleesi" mariin na aniya
Napalunok ako, nagseselos ba siya kay Liam? But Liam is also his friend. Close pa 'nga sila dahil sila halos ang magkasama sa bahay 'e.
"Nagseselos ka ba kay Liam?"
Nagtiim bagang ito at binitawan ang kutsara't tinidor, nabigla naman ako. Mukha siyang mangangain ng tao sa itsura niya ngayon kaya' napalunok ako
"A-Are you mad?" I added
Umiwas siya ng tingin, "Just don't, Khaleesi" mahinang aniya
Tumayo siya bigla na ikinabigla ko din, saan siya pupunta? Hindi pa naman siya tapos kumain 'e. Lalagpasan niya sana ako pero agad kong nabawi ang gulat ko at hinawakan siya agad sa braso.
"Ano bang problema, Casper? You've been acting weird since I came back" inis na ako
Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sakaniya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"I'm just tired" tipid niyang ani
"fuck it, Casper. Kung ayaw mo 'kong kausap sabihin mo. Kung ayaw mo 'kong kasama dito sabihin mo sa'kin para umalis nalang ako" inis na ani ko
Tumayo na ko, "Kung ganito lang pala ang mangyayari then I'll fucking go back to manila" ani ko
Lalagpasan ko sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko, "I-I..." tinignan ko siya ng maigi. Nakayuko siya ngayon
"What? Tell me, Casper. Hindi 'yong nananahimik ka diyan at hindi mo 'ko iniimikan."
"I'm scared... I'm scared that you'll leave me for your ex" at lumuwag ang pagkakahwak niya sa akin
Napakunot ang noo ko, "what the hell? bakit ka naman matatakot? tapos na kami, Casper" tumingin siya sa'kin and there I saw the fear in his eyes. Tama 'nga siya.
"I saw how he begged, Khaleesi. You have a kind heart..."
so, tama nga ako nanahimik siya dahil nakita niya kaming nag-uusap ni Miller. Hindi ko siyas sinagot at pinakinggan siya.
"mahal ka niya, hindi siya iiyak at magmamakaawa nang ganon." mahina akong napailing sa sinabi niya
"you're wrong, Casper..."
"no tama ako, Khaleesi. Lalaki ako, alam ko ang ganon, Khaleesi"
"ang tanong mahal ko pa ba siya, Casper?" at doon siya napatigil na para bang hindi niya nagegets ang sinasabi ko. Mapait akong ngumiti sakaniya
"mahal ko siya oo pero noon 'yon, Casper. Wala ako ngayon sa harapan mo kung babalikan ko siya"
"What do you mean?"
Natawa naman ako, "napakaslow mo naman. Ang ibig kong sabihin wala akong balak balikan ang ex ko, okay? Hindi na ako babalik sa taong sinira na ang tiwala ko" at nagkibit balikat ako. Tinuro ko naman siya
"kaya ikaw huwag kang matakot diyan dahil hindi mangyayari 'yon" napayuko naman siya, mukhang nahiya sa mga sinabi niya at sa mga inisip niya sa akin.
Hindi ko mapigilan matawa sa reaskyon niya, hinaplos ko ang buhok niya. Buti nalang may katangkaran ako sakaniya kaya hindi ako masyadong nahirapan abutin ang buhok niya.
"and I am now happy, Casper. I already found my happiness with you"
"A-Ano?"
I smiled at him, "I will be your girlfriend, Casper." at walang sabi na hinalikan siya sa labi.
Yeah, he is really my happiness...
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Heart of the Innocent
General FictionShe thought he is the happy ending she wanted, but everything went wrong. And now, she's willing to take a risk again to fall in love and find her happiness once again. Book 2 of Revenge of the Innocent started: December 2016 ended: September 2020