Chapter 27
"Kaninong bahay 'to?" Ani ko habang pinagmamasdan ang bahay na nasa tapat namin ngayon
He suddenly held my hand and smiled, "let's go inside , masyadong malamig dito" aniya
"Ginawa mo ng legal ang paghawak sa kamay alam mo ba 'yun?" Sambit ko habang hinihila niya ako papasok sa loob
I just heard him chuckled and I just heaved out a big sigh. Ano naman kaya ang balak niya sa akin dito sa baguio? Gagawin ba talaga ang sinabi niya sa akin kanina na dito niya ako mapapasagot? Tsk, akala ata niya ganon lang 'yon kadali para makuha ang oo ko.
Well, may balak naman akong sagutin siya because I'm starting to like him as a man not a just friend. Kahit na minsan nakakainis siya, masaya pa rin siyang kasama at kausap. At ramdam ko naman na sincere siya sa pinapakita niya, he never faked his feelings lalo na kita ko sa mata niya 'yon.
"This is our vacation house here in baguio, Khaleesi" aniya
"Halata naman dahil tuloy tuloy ka pumasok" at tinignan ko siya, "pero anong gagawin natin dito? I still have my work in the city, Casper."
Napakamot siya ng batok, "I want you to enjoy, Khaleesi. Lagi ka nalang busy simula nang dumating si Luna. You need to rest for a while"
"Kaya dito mo ko dinala sa baguio?"
Tumango ito, " yes, dahil dito makakapagpahinga ka at makakapag gala ka pa"
Hindi ako nakasagot at nag isip, may point naman siya. Naging busy nga ako these past few days at hindi ko na napapansin na hindi na ko nakakatulog ng maayos.
"Okay fine papayag ako but this is just for three days, Casper and after that we will go home, okay?"
Tumango naman siya na parang bata kaya napangiti ako, he's cute. Wtf? Sinabi ko ba 'yon? Tsk whatever
TINITIGNAN ko si Casper na naglalakad ngayon sa harapan ko, mas excited pa siya sa akin e.
We're here in Burnham Park at naglalakad lakad kami. Umaga pala at sakto na hindi pa masyadong maaraw kaya sinabihan ako ni Casper na maglakad lakad kami dito.
"Gusto mo ba magbike?" He asked while pointing at the bikes, umiling ako
"I'm wearing a dress, Casper. Sa tingin mo makakapagbike ako sa lagay na 'to?"
Well, I'm wearing a dress with a cardigan on top dahil malamig dito sa baguio. Mabuti nalang ay hindi ako ganon kabilis ginawin dahil nasanay ako sa ibang bansa.
"Bakit kasi nagdress ka? Buti nalang hindi ka nagheels" aniya
I crossed my arms, "may problema ka ba sa suot? Pakialam mo ba kung ganito ang gusto ko"
Wala naman kasi akong dala na damit nang dumating dito at etong damit na 'to ang suot ko pa kahapon. Well, iba naman ang ginamit kong pantulog kaninang gabi and it was Casper shirt. Wala siyang pambabaeng damit sa bahay niya kaya wala akong choice kundi manghiram kaysa naman matulog ako na nakadress diba
"Bakit kasi nag aya ka magbaguio tas wala kam pang dinalang damit sa akin" inis ko pang sabi
Napakamot siya ng ulo, "biglaan kasi 'to. Nang sunduin kita kahapon doon ko lang naisip na magbaguio kasama ka"
"Tsk alam ba ni Liam na magkasama tayo? Baka nag aalala siya ngayon"
"Don't worry siya agad ang sinabihan ko nang pumunta tayo ng baguio and it was okay for him. Gusto pa nga niya na magtagal tayo dito 'e" and he laughed.
Napaface-palm naman ako, tangina Liam. Ang sabihin lang niya gusto niyang solohin ang bahay para may lugar sila ni Laura magloving loving. Style niya bulok
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Heart of the Innocent
General FictionShe thought he is the happy ending she wanted, but everything went wrong. And now, she's willing to take a risk again to fall in love and find her happiness once again. Book 2 of Revenge of the Innocent started: December 2016 ended: September 2020