Chapter 21

241 6 0
                                    

Chapter 21

Liam's

PAGKAUWI ko sa bahay ay bumungad sa akin si Khaleesi na nanonood ng Anime? Wtf? Kailan pa siya natutong manood ng anime?

Nang isara ko ang pintuan ay hindi niya man ako pinansin, she never called my name since she came back.

"Khaleesi" I called her attention but she didn't look at me, I sighed and called her again. Buti nalang tumingin siya sakin. Something weird at her stares, hindi na ito tulad nang dati. She stares at me like she doesn't know me at all.

"Nakalimutan ko ang pangalan niya" she whispered something that I didn't hear

"What's wrong?" I asked her, umiling siya sa akin at bumalik sa panonood.

"Villanueva is at the hospital right now" balita ko sakaniya, napansin ako pagtigil niya sa pagpindot ng remote pero hindi siya tumingin sa akin

"may alam ka ba sa nangyari sakaniya? Doon ka galing kanina diba?" I asked her again

Mariin siyang tumingin sa akin, hindi ko mawari kung anong emosyon ang nakikita ko sakaniya. She's Khaleesi but she's not, fuck this is making me insane.

"Wala akong kinalaman sa pagkakasaksak sakaniya okay?" mariin niyang sagot

"paano mo nalaman na nasaksak siya? I didn't tell you that thing" kunot noong tanong ko sakaniya

Nanigas siya bigla sa kaniyang kinatatayuan at napalunok, umiwas siya ng tingin sa akin

"I-I heard the news" she said, she's lying.

Hindi ko na siya sinagot at naglakad na paakyat sa kwarto ko, pakiramdam ko bawat beses na kakausapin ko siya ay mababaliw lang ako. Huwag ko muna siya kakausapin for now, baka mabaliw ako ng tuluyan kakaisip sa mga sagot niya.

Bago ko isara ang pinto ay hinarang ng isang kamay 'yun, it was Casper. Hingal na hingal siya na para bang hinabol siya ng aso.

"napano ka?" tanong ko sakaniya at hinayaan na buksan niya ang pinto. Umupo ako sa higaan, at siya na ang nagsara ng pinto.

Pinunasan niya ang pawis niya at tinignan ako, "buksan mo muna ang aircon mo dito" hingal na aniya

Kinuha ko naman ang remote ng aircon at binuksan 'yun. Tumingin ako muli sakaniya, "napano ka? bakit hingal na hingal ka?"

"nag-exercise ako, pampatanggal ng stress—maraming pumapasok sa isip ko dahil sa mga kinikilos ni Khaleesi"

"akala mo naman magkaka-abs ka sa lagay na 'yan" ani ko at nagtanggal ng pantaas.

"gago hindi ko naman hinahangad na magka-abs" inis na aniya

"wala ka na bang napansin na kakaiba sakaniya?" tanong ko sakaniya

"wala na dahil umakyat na ko katapos namin kumain kanina. Ikaw? Wala siyang sinabi sayo pagka-uwi mo?"

"I didn't welcome me unlike the previous day"

"seriously? ang pagkakaalala ko ay lagi ka niyang sinisigawan pag umuwi ka ng late" tumango naman ako sa sinabi niya

tama si Casper, lagi ngang ganon si Khaleesi sa akin pero ngayon hindi. She didn't even bother to look at me a while ago. Kung hindi ko siya tinawag siya hindi siy titingin sa akin. Something is really wrong with her.

"We need to investigate what happened to Villanueva" ani ko

"kanino tayo manghihingi ng tulong? Kapag may ganyan si Khaleesi lagi ang gumagawa" he told me

[BOOK 2] Heart of the InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon