Chapter 28
Nagising ako dahil pakiramdam ko may nakadagan sa bewang ko, at hindi nga ako nagkakamali. It was Casper, sleeping soundly beside me. I can't help but smile. Mas maamo ang mukha niya pag tulog, pero bakit magkatabi kami matulog?
Bakit hindi siya dumiretso sa kwarto niya? Mahina akong napailing, well, sleeping with him is not that bad.
Hinaplos ko ang mukha niya at buti nalang hindi siya nagising. He's a heavy sleeper huh
"Konti nalang, Casper..." I whispered while admiring his facial features.
Konti nalang at tuluyan na ko mahuhulog sa kaniya and I can't help but get scared. Paano kung gawin din niya ang ginawa ni Miller sa akin? What if lokohin niya ako?
I sighed before letting my hand go on his face. Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa bewang ko, buti nalang hindi siya nagising. He is really a heavy sleeper.
Kinumutan ko muna siya bago siya iwan sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina para makapagluto na nang almusal namin. Damn, I'm hungry. Until I remember na hindi pala ako marunong magluto.
"Tangina..." Mahinang usal ko habang hawak hawak ang pan. Binaba ko ang pan at ngumuso.
Oh God, paano na 'to? I don't like cooking kaya hindi ako natutong magluto sa tanang buhay ko.
"Putangina paano na 'to?"
Tumingin ako sa pintuan ng kwarto, napakagat aki ng labi.
"Nakakahiya naman kung gisingin ko siya diba?" Mahinang tanong ko sa sarili ko
I heaver out a sigh when I decide not to wake him up and just eat some cereal with milk. Buti nalang ay may nakita aking cereal sa cabinet kundi mababaliw ako sa gutom.
Umupo ako habang binubuhos ang cereal sa bowl ko. Napanguso ako ulit, mabubusog ba ako nito? Sana lang
Nilagyan ko rin ito ng gatas at sumubo na. Blanko kong tinignan ang cereal na nasa harapan ko.
"Kulang 'to para sa'kin" mahinang usal ko at bumuntong hininga. Anong gagawin ko?
Maybe I should buy some breakfast outside? Yeah, may pera pa naman ako sa wallet at sakto may malapit na jollibee. Kaunting lakaran lang 'yon.
Nagpalit ako ng maayos na damit at kinuha na rin ang phone at wallet ko. Kailangan kong tandaan kung saan ang bahay na 'to kundi maliligaw ako.
I left Casper a note before leaving the house, sana mabasa niya ang note na 'yon para hindi siya maghysterical.
Ngumiti ako nang makita ko ang logo ng jollibee sa hindi kalayuan dito. Agad akong naglakad dahil gutom na gutom na talaga ako, grr. Wala akong sinayang na oras at nag order ako kaagad pagkapasok ko. Hindi ko rin nakalimutan si Casper kaya't pinatake out ko na lahat. Kakahiya naman kung hindi kami sabay kakain diba.
It took minutes before I got my order. Lumapad ang ngiti ko nang mahawakan ko na ang inorder ko. Pinasalamatan ko muna ang lalaking nagbigay sa akin bago umalis na sa jollibee.
I hummed while walking back to Casper's house, siguro naman ay gising na siya kabalik ko diba.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na may kotse na tumigil sa labas ng gate ng bahay at lumabas doon ang isang lalaki. Tangina? Anong ginagawa niya dito??
Hinawakan ko ng mahigpit ang paper bag ng jollibee at pumunta 'don.
"Miller, anong ginagawa mo dito" humarap siya sa akin at napansin ko ang pagkabigla sa mukha niya
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Heart of the Innocent
General FictionShe thought he is the happy ending she wanted, but everything went wrong. And now, she's willing to take a risk again to fall in love and find her happiness once again. Book 2 of Revenge of the Innocent started: December 2016 ended: September 2020