Chapter 23

263 8 6
                                    

Chapter 23

Liam's

"Bakit magkaiba ang direksyon ng kotse ni Calvin at ni Luna?" tanong ko habang pinapanood tuldok kung san nagsasaad kung nasaan ang sasakyan ni Calvin at ang phone ni Luna.

Nakahinga kami ng maluwag kanina ni Casper dahil nagawa ni Calvin na lagyan ng tracker ang phone ni Luna, hindi namin alam kung paano pero magandang pahiwatig yun dahil mapapadali ang paghahanap namin kay Khaleesi pag nagkataon.

Agad na kinuha ni Casper ang phone nito at tinawagan si Calvin. Nakaloudspeaker ito kaya maririnig ko ang pag uusap nila. 

"Where the hell are you, Calvin? Bakit magkaiba ang lokasyon niyo ni Luna?" ramdam ko ang inis sa boses ni Casper

"She went to the rest room, Casper. Masyado kang oa, gusto mo pati pag cr niya ay sumama ako?"

"damn it"

Okay, mukhang nagoverthink kami sa part na 'yun.

"we're very sorry, Calvin. May nakalap ka ba na impormasyon habang kausap mo siya?"I butted in

"wala, Liam pero laging may tumatawag sakaniya. I wanted to ask her pero nahihiya ako:

"then ask her, Calvin. Kailan ka pa naging mahiyahin kay Luna? Kailangan natin mahanap si Khaleesi bago pa malaman ng tatay niya ang nangyari" sabat naman ni Casper. I calm him down, alam kong inip na inip na siya pero kailangan pa rin namin mag-ingat lalo na si Calvin.

Dahil isang maling galaw lang ni Calvin ay posibleng malagay siya sa alanganin.

"shut up, Casper. Pinapahamak mo ang kakambal mo" ani ko

Bumuntong hininga siya, "fine" wala sa loob na aniya

"try to ask her, Calvin. Kung hindi mo talaga then 'wag mo na. Baka malagay ka sa alanganin"

"I'll try, Liam."

"update mo nalang kami pag may nakuha ka kahit maliit na impormasyon"

"osige, ibababa ko na dahil pabalik na si Luna"

"okay" then he hanged up

Tinignan ko ng mabuti si Casper, "stop being impulsive, Casper. Alam kong gusto mo ng mahanap si Khaleesi pero nilalagay mo naman sa alanganin ang kakambal mo"

"tangina ang tagal kasi, Liam. Kung ikaw kaya mong panoorin si Luna na sumasaya, ako hindi ko kaya lalo na hindi natin alam kung saang lumalop si Khaleesi ngayon" at napahilamos pa siya ng mukha

"kung alam mo lang simula palang gusto ko na ibalik si Khaleesi dito sa bahay" saad ko

Tumayo ako at binaba ang phone ko, "I'll cook, bantayan mo kung saan ang lokasyon nila lalo na yung kay Luna" mahina nalang siyang tumango kaya dumiretso na ko sa kusina

Casper's

I tried myself to be calm, hindi ako mapakali dahil hindi ko man alam ang kalagayan ni Khaleesi ngayon. Is she eating well? Is she sleeping like her sleeping routine? Tangina

Biglang tumunog ang phone ni Liam, tatawagin ko sana siya pero sabi niya sagutin ko daw. It was from unknown number.

Hindi ako sumagot nang i-accept ko ang call, I waited the other line to speak.

"Liam, si Theo 'to. I know malaki ang kasalanan ko dahil nagsinungaling ako sayo but I want to come here as soon as possible. Khaleesi is in trouble, itetext ko sayo ang address" magsasalita sana ako pero pinatay na niya ang tawag

I tried to call the number again pero cannot be reach na 'to, hanggang sa may nareceive akong text. Bulacan? Nasa bulacan si Khaleesi? but who the hell is Theo?

[BOOK 2] Heart of the InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon