Chapter 24
Khaleesi's
Nakatitig lang ako sakaniya habang tinatanggal niya ang nakapalupot sa kamay ko.
"You're not really lying..." mahinang usal ko
Bumuntong hininga siya at tumingin na sa akin, "bakit ba kasi hindi ka makapaniwala na tinutulungan kita?"
"sino ba naman ang maniniwala sayo kung tuturukan mo siya ng pampatulog?"
"okay sorry about that—kung hindi ko lang narinig ang pangalan mo kay Luna ay hindi ko malalaman na ikaw si Khaleesi. I didn't know that you both looked alike" paliwanag niya sa akin
"nasaan si Luna? Hindi ba niya agad malalaman na papakawalan mo ko?"
"she's out, ang huling rinig ko sakaniya ay magkikita daw sila nong Calvin" napakunot naman ang noo ko
"Calvin?" mahinang bulong ko sa sarili ko, tumango naman siya
"Oo yung isa daw sa kambal. Inuupdate din niya ako na nahihirapan syang magpanggap na bilang ikaw sa bahay"
Napangisi naman ako, mahihirapan talaga siya dahil mahirap maging ako. Sh e didn't know my habits and mannerism even my love language to Liam and Casper kaya sure akong mahahalata agad nila lalo na si Liam na hindi ako ang kasama at kaharap nila sa bahay. Sa pananamit palang ni Luna mahahalatang hindi ako ang kaharap nila. Masyado na silang bobo at tanga kung hindi nila mapapansin 'yun.
"Paano kayo nagkakilala ni Luna?" 'Yun ang pinagtataka ko hanggang ngayon dahil paanong nabuhay si Luna? Alam ng buong pamilya ko na buhay siya lalo na sila grandma.
"and how the hell is she alive?" mahinang dagdag ko
"I just met Luna a year ago. Nakita ko siya na naghahanap ng trabaho sa kompanya ng tatay ko. Nathan thought that she was you pero nagpakilala siyang Andrea Velasquez" pagsisimula niya
So she's using other name? Kaya pala nang hanapin ko siya muli nang makita ko siya sa restau ni Calvin ay wala akong mahanap. She's good in hiding but she's bad in hiding the fact she loves Calvin.
"bakit mo siya tinutulungan? Do you owe her something?" mahina siyang umiling sa akin
"no..." tinaasan ko siya ng kilay
"wag mong sabihin na..."
Tumango siya kaya napamura naman ako, "alam mo ng walang mapapala ang nararamdaman mo sakaniya. She's over the heels to Calvin, she even tried to kill someone for him"
"Alam ko kaya ngayon ko hindi ko hahayaan na masira siya ng tuluyan"
"alam mo din na kapag pinakawalan mo ko dito ay makukulong si Luna" mahina din siyang tumango
"I know pero 'yun lang magagawa ko para marealize niya na mali ang ginagawa nniya dahil lang sa isang lalaki"
I crossed my arms, "you're very unfortunate, man. Sa dami dami ng mamahalin mo sa tao pang may mahal ng iba at ang malala pa 'don ay kinababaliwan niya"
"it hurts pero kahit papaano ay napasaya naman niya ako and I know ganon din ang siya. I just want her to be happy but not this kind of way."
Tinapik ko ang balikat niya, "swerte ang susunod mong mamahalin" ngumiti lang siyang mapait sa akin at tumayo na.
"Let's go naghihintay na sa labas sila Nathan" aniya at nilahad ang kamay niya. Tinangga ko naman 'yun at nginitian siya. God, I'm excited to see Liam and Casper. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nasa isang bahay pala kami, hindi ko napansin dahil siguro pagkagising ko ay nasa isang kwarto na ako.
"we're in bulacan if you're thinking where we are right now"
Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kasama kaya ni Nathan sil Liam?
Napatigil ako nang makita ang bulto ni Theo kasama siya ni Nathan. Magkasama nga silang dalawa, tama ang sinabi sa akin noon ni Liam.
Lumingon sa amin silang dalawa agad akong niyakap ni Theo nang makalapit siya sa akin,
"Theo..." mahinang usal ko nang yakapin niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya kulang na lang ay maubusan ako ng hininga
I tapped his back to calm him down, "h-hey..."
"gago Theo, baka ikaw pa makapatay kay Khaleesi" ani Nathan
Kumalas na si Theo sa yakap nito sa akin, his eyes are full of concern. He's really worried about me huh? After he lied?
"may masakit ba sayo? May ginawa ba si Luna sayo?" nag-aalalang aniya
Tinignan ko siya ng maigi, his beard is starting to grow.
"you need to shave, Theo." ani ko habang nakatitig sakaniya
"why don't you answer my questions..." mahinang usal niya sa akin.
"I am still mad at you, Theo. You lied and broke my trust. Akala ko kapatid ka ni Luna kaya kinupkop ka namin sa bahay" napayuko siya
"inampon ako ni tita Karen noon at sinabihan niya ako na walang makakaalam kaya hindi ako nagsalita. I want to tell you pero wala akong lakas na loob dahil baka magalit ka sa akin"
"magagalit ako pero mapapatawad naman kita pero pinaabot mo pa sa point na nalaman ko pa sa ibang tao kaysa sa sarili mong bibig" ani ko
"I'm sorry, Khaleesi..."
"masaya ka ba ngayon kasama ang totoo mong pamilya?" I asked him, bahagya naman siyang nagulat pero nabawi din.
"y-yes..."
Ngumiti naman ako, "then great, basta masaya ka okay na ako. Ang pinproblema ko nalang ay paano si Luna. I don't want to hurt her, she's still my cousin" ani ko
Napatigil kami sa pag-uusap nang may tumigil na kotse sa harapan namin. Nag uusap kasi kami sa labas ng bahay. Tumingin kami sa sasakyan na dumating at pamilyar yun sa akin. Liam?
I gasped when I saw Casper and Liam went out at car. Napangiti ako ng malawak. They called my name and hugged my tightly.
"Oh God, you're fine" mahinang ani Liam sa akin. Siya ang unang kumalas pero nakayakap pa rin sa akin si Casper.
"Hey..." at tinapik ko ang likod ni Casper dahil ang tagal niyang nakayakap sa akin. Sumulyap ako kay Liam na nakangisi. Tinaasan ko siya ng kilay. O-kay? Anong problema ni Casper? Ganon ba niya ako namiss?
I hugged him back, malay mo kumalas na siya sa yakap nito sa akin but he didn't. Binaon pa niya ang mukha niya sa leeg ko, hala siya. Ramdam ko ang hinihinga niya, luh?
"Ahm Casper?" bulong ko sakaniya
"fuck akala ko may ginawa ng masama sayo si Luna. Hindi ako mapakali akala ko hindi totoo ang sinasabi nong Theo kanina sa call" sumulyap naman ako kay Theo na napakamot ng batok
Mahina naman akong natawa sa sinabi ni Casper sa akin, "ganon ba kita pinag-alala?" natatawang ani ko, para siyang bata na tumango. Kumalas na siya pero nakatingin naman siya sa akin.
"Kinakilabutan na ako sa'yo, Casper" sabi ko sakaniya
"hindi ko alam ang gagawin ko kay Luna pag ginawan ka pa niya ng masama..." seryosong aniya
Napalunok naman ako, pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa sinabi niya. Oh God.
___________________________________________________________
add me on facebook: facebook.com/elainemaemariedrobles
follow me on twitter for updates: www.twitter.com/elainemae_wp
follow me on instagram: instagram.com/robleselainemae
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Heart of the Innocent
General FictionShe thought he is the happy ending she wanted, but everything went wrong. And now, she's willing to take a risk again to fall in love and find her happiness once again. Book 2 of Revenge of the Innocent started: December 2016 ended: September 2020