Schalzi POV"Hiyaa!!"
Inis kong atake sa isang tauhan ng Cross mafia. Pinulupot ko ang latigo sa leeg nya at pinaputukan ng baril ang dibdib nya ganun din sa isang lalaking tumatakbo patungo sa akin.
Damn, bakit umaatake ang mga cross mafia dito? Anong nangyari?!
"Ugh!"
Nanlaki ang mga mata ko ng matamaan ng bala ang sikmura ko. Napaluhod ako at napalingon sa taong bumaril, nagtaka ako at kumunot ang noo ngunit maya maya ay sumiklab ang galit sa loob ko.
"V-violet..." Mahina kong anas sa pangalan nya
Nagsimula siyang lumapit sa akin habang tutok sa akin ang hawak nyang baril.
"Both you and that bitch gabriella killed my sister, kayong dalawa ang may pakana ng mga notes na iyon."
Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko sya.
"You bitch."
Sinipa ko ang paa nya dahilan upang bumagsak sya sa sahig.
Mabilis ko syang dinaganan at pinag susuntok sa mukha na pilit nyang iniilagan at sinasalo ng kamay nya.
"Fuck!" I exclaimed ng may nakitang mga lalaking patungo sa gawi namin.
Tinadyakan ko muna si violet bago minuwestra ang sarili upang paputukan ang paparating na mga kalaban.
*BANG! BANG! BANG! BANG!*
Mabilis akong tumakbo para makapag tago ng pumalit sila ng putok ng baril sa akin. Nakita ko pang tumayo si Violet at sumama sa mga kalaban, wait?
This bitch! Is she one of the intruders? Kalaban din ba sya? Kasama ba sya ng mga Cross mafia na umaatake ngayon sa buong campus?!
Namilipit ako sa sakit mula sa tama ng baril sa tiyan ko. Damn that violet! Mapapatay ko ang babaitang yon!
"Schalzi!? Where the fuck is she?!"
Rinig ko ang malakas na sigaw ni Red kaya nilingon lingon ko ang ulo sa bawat sulok ngunit hindi ko sya mahagilap. Maraming mga nakikipag away at barilan kaya mahirap na hanapin sya.
Malapit lamang ako sa dormitoryo ko kaya siguro nandito si jarred at hinahanap ako.
"SCHALZI!"
*BANG! BANG! BANG! BANG!*
Umalingawngaw ang bawat putok ng baril sa paligid at masasabi kong napakarami ng umaatake sa eskwelahan na tanging kami ay nahihirapan sa aming bilang. Shit.
"R-red!"
Nagsimula akong lumabas sa pinagtataguan at hinanap si jarred.
"Red!"
Sigaw ko habang sapo ang nagdurugong sikmura habang hawak sa isang kamay ay baril.
"RE-- UGH!"
Napabagsak ako sa lupa ng may tumadyak sa likod ko.
I groaned in pain. Pinilit kong maupo at tinitigan kong sino ang sumipa sa akin.
"Shasha?!"
Naisigaw ko ng makilala ito. It's sasha, the legendary fighter of the cross mafia. We're really not in good terms and I didnt expect to see her again.
"Long time no see, schalzi. Where's your little friend? Whats her name again? G-gabriella?"
Nanlaki ang mga mata ko.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.