CHAINED UP 01

2.4K 41 6
                                    

𝓢𝓬𝓱𝔂 𝓛𝓪𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓒𝓱𝓪𝓭𝓵𝓮𝓻


9:00 PM. I yawned and stretched my arms. Inaantok na ako pero parating na sila Kuya kaya hindi muna ako uuwi. Nagtext sa akin si Zhask na paparating na daw sila. Inaway niya pa ako kaya naiinis na naman ako sa kaniya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na mga magulang mo. Pinag-aalala mo sila, anak," Tita Odette quaked. Anak? Eh, may mommy na ako, eh. Akala niya ba anak niya rin ako? I shrugged my thought and smiled awkwardly.

"Hehe, wala po akong kasama sa bahay kaya okay lang po. Alam naman ni mommy na nandito ako," I explained and played with my fingers.

Bumebwela ako, may favor sana ako sa kaniya. Kanina ko pa iniisip kung paano ko sasabihin. "Tita Odette, p'wedeng dito lang po ako matulog?" I pouted and distorted my face into a pitiful one. No one can resist my charm.

"Hindi komportable dito, hijo. Hindi ka makakatulog ng maayos," she sighed and diverted her stare on the sofa.

"Kasya naman po ako d'yan. Gustong-gusto ko nga pong natutulog sa sofa kaysa sa kama hehe," I assured her and smile.

"Wala kang pamalit at personal na gamit, hijo," she quaked. Tinignan niya ang likod ko na tila ba hinahanap ang gamit ko.

So pumapayag na siya? Sabi sayo eh, irresistible ang charm ko. Mainggit ka! "May gamit po ako tita, nasa car po. Kukunin ko lang po," I giggled and excitedly dashed outside.

"Aray!" hiyaw ko ng bumagsak ako sa sahig. Tumingala ako at sinamaan ang isa sa mga police escorts.

"Bakit hindi ka kasi tumitingin sa daanan mo?" inis na tanong niya at akma akong tutulungan pero pinahinto ko siya gamit ang palad ko at tumayo mag-isa. Anong akala niya sa akin, weak?

"Bakit ka kasi nakaharang sa daan?" I queried annoyed as my handsome face is crumpled.

"Bakit kasi hindi ka pa umuuwi?" iritang pakikisabad ng kasama niyang police.

"Bakit ba kasi? Eh sa ayaw ko." Bago ako umalis ng bahay kanina ay naisip ko ng mag-sleepover sa hospital. Sa tingin ko naman ay masaya besides first time kong matulog sa hospital ng hindi ako ang pasyente kaya nakaka-excite.

I tapped Franco's car key then tumunog 'yong pang-rich kid niyang sasakyan ng 'twoot-twoot'. Yes, hindi ko pa binalik 'yung sasakyan niya para may masakyan ako. Kinuha ko 'yung bag ko na may personal na gamit ko at puno ng pagkain, syempre para hindi ako magutom. Nakakagutom din ang pagtulog 'no.

"What the!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Deputy Hanzo sa harap ko pagkasara sa pinto ng sasakyan ni Franco sa harap ko.

"Tsk! Bakit hindi ka pa umuuwi?" he queried annoyed and irritated at the same time. Nag-park pala siya ng car niya sa tabi ng parking space ko. Bakit ba pinapauwi nila akong lahat? Nakainom siya. Amoy na amoy ko ang alak na humahalimuyak sa bibig niya nung nagsalita siya pero mukhang walang siyang tama.

"Sa room ako ni Jayshie matutulog. Babantayan ko siya," sabi ko at isinukbit ang strap ng bag ko sa kanang balikat.

"Ano?" gulat niya akong nilingon. Anong nakakagulat doon? Parang tanga naman 'to.

"Umuwi ka na! Manggugulo ka lang," inis niyang sabi at sinamaan ako ng tingin.

"Ikaw kaya ang umuwi na. Lasing ka eh!" sumbat ko at binalik ko ang masamang tingin niya.

"Ang tigas ng ulo mo parehas kayo ng kaibigan mong hindi mapagsabihan," he ranted and scolded vehemently. I just made a face and later grinned. "Lasing ka pero na nag-drive ka. Reckless driving 'yun." I slowly shook my head, teasing him. I'm hoping I'll get on his nerves. Gustong-gusto ko talaga kapag nainis siya. Parehas sila ng expression ni Jayshie kapag naiinis. Ang pinagkaiba lang nila ay hindi nang-iirap si Deputy Hanzo.

Moonstruck (𝚂𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝙾𝚗𝚎)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon