EYEWITNESS 01

2.2K 8 0
                                    

"Nabanggit na ba sa'yo ni Mint?" Detective Brint queried after sipping his brewed coffee, a blonde roast. He's referring to Mhia Marksman's parents' plan to sue Jayshie. Deputy Hanzo nodded and sighed. Kailangan nilang makuha ang statement ng witness at nang matapos na ang lahat.

Detective Brint's phone popped up with a notification, a text message.

SMS Witness: Parating na kami.

He scrunched his face in confusion. Kami? May kasama siya?

"Parating na daw sila," he announced to his colleague, who raised his left eyebrow, implying perplexity.

"Mm, the more witnesses, mas mataas ang chance na maisara at mapawalang sala si Jayshie Jayshie," he elaborated and called for the crew. He ordered two salted caramel mochas and two cocoa cloud macchiatos for the witnesses. They waited patiently as they tackled their personal lives and families.

"How about your daughter? Kailan mo balak asikasuhin ang custody and rights mo sa kaniya?" Detective Brint queried, playing with the mouth of his mug.

Deputy Hanzo has a family problem where his self-declared wife hid his daughter away from him. "Dinadamot pa rin siya ng asawa ko sa akin. Humahanap pa ako ng tyempo," he said, circling his pointer finger around the mouth of his mug.

This is not the right time para umapela siya sa korte about his custody and rights for his daughter, dahil may malaking kaso pa siyang iniembestigahan. Besides, hindi siya kilala ng anak at alam niyang may galit ito sa kaniya dahil na rin sa mga negatibong kwento ng kaniyang asawa. Mas makabubuting unti-unti siyang magpapakilala upang hindi mabigla ang anak.

He snorted, "Fuck. You know what, bro, ang alam ng anak ko ay iniwan ko sila at pinabayaan." He smiled bitterly. "Tsk. That woman," he said, shaking his head and sipping on his Americano.

The windchime produced a harmonic sound as an indication that someone entered or that there's a new customer. Parehas silang napalingon sa dalawang binatang kakapasok habang palinga-linga, mistulang may hinahanap. They both scrunched in distaste and snorted. Deputy Hanzo covered his face while Detective Brint sat straight and erect so the two guys wouldn't notice them.

"Nand'yan pala kayo? Bakit hindi niyo man lang kami tinawag?" Schy Lysander noticed them.

"Woah!" kunwaring namamanghang usal ni Wybie Asher nang inlapag ng crew ang apat na mamahaling kape. "Ang generous niyo naman," he beamed and shamelessly sat with the two policemen, as did Schy.

"Salamat sa pa-kape," Wybie muttered, reaching the cocoa cloud macchiato.

"Bakit walang cakes? Kape lang talaga?" Schy queried shamelessly. Hindi siya kuntento sa panulak, kailangan niya ng nginangatngat. Knowing Schy Chadler, he's a glutton and a food lover.

Detective Brint hissed and snorted, not minding Shy's question. "Kayo ang tumawag bilang witness? Is it a prank? Hindi niyo ba alam na p'wede kayong makasuhan sa ginawa niyo?" Hindi napigilang mainis ng detective sa dalawa na parang walang pake sa presensya nila dahil busy sila sa pag-ubos ng tig-dalawang kape, nagpapaunahan.

"Ha? Hindi ah! Si Thamuz 'yon 'no! Ako ang nagbigay ng number mo sa kaniya! Nalaman ko lang na makikipagkita sila ngayon ni Cecilion sa inyo kaya pumunta rin ako. Sayang din 'yung chismis," balewalang sagot niya na nakapagpangiwi sa dalawang parak. Pinagpatuloy ang paghigop sa kape , nakikipag-contest kuno kay Wybie.

Knowing Schy, lahat ng chismis ay alam niya at lagi siyang present. Kung nasaan ang chismis ay nandoon rin siya, mistulang nakaukit na sa utak niya ang salitang 'chismis'.

Moonstruck (𝚂𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝙾𝚗𝚎)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon