HALFWAY THROUGH

3.2K 102 1
                                    

𝓢𝓬𝓱𝔂 𝓛𝓪𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓒𝓱𝓪𝓭𝓵𝓮𝓻


Nang nasa harap na kami ng basement, nagsuot siya ng facemask at gloves. Pumasok siya sa basement at nagpicture-picture. "Huwag kayong hahawak ng kahit ano, mate-trace ang fingerprints niyo at sa susunod maglagay kayo ng plastic sa sapatos niyo," bilin niya at hinawakan ang kamay ko nang akma kong pupulutin ang wallet ni Sir Ava.

"G-Ganun ba 'yun? Gusto ko na rin maging part ng forensics. I'll take up Forensics Medicine in college na lang kaya? What do think, Toothless?"

"Tsk. Nung sinabi ni Jayshie na gusto niyang maging prosecutor, sabi mo prosecutor din ambition mo tapos nalaman mo lang na Forensics Analyzer si Ate Victorique, gusto mo nang mag-forensics med! Gaya-gaya ka lang, eh!" pambabara ko sa kaniya. Alam ko namang sumisipsip lang siya kay ate Victorique. Isa siyang straw.

"Whatever!" She made a face and stuck out her pinkish tounge.

"Sino yun?" Nagkatinginan kami ng parang may nahulog. Magkakatabi kami kaya siguradong may iba pang tao dito.

H-Hindi kaya siya ang serial killer? Katapusan na naming lahat. Kumapit ako kay Ate Victorique at Artemis. Kung mamamatay man ako ngayon at least may kasama ako at hindi ako nag-iisa. Damay-damay na 'to.

Sinenyasan kami ni Ate Victorique na huwag lilikha ng ingay at dahan-dahan niya kaming hinila upang makapagtago sa likod ng malalaking maalikabok at mabahong cabinet. Sumilip ako sa maliit na siwang kalahati lang ng katawan niya ang nakikita ko. Nakakasiguro akong lalaki siya dahil may bumubukol sa gitna ng fitted jeans niya.

Sobra akong natuwa ng makita ang ID niya. Sa wakas makikilala ko na ang serial killer kaso mamamatay na ako. Pinasingkit ko ang mga mata ko at tinignan ang ID picture niya. Hindi ko mabasa ang pangalan niya dahil masyado siyang malayo kaya maliliit ang letra at malabo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ID picture niya.


𝓩𝓱𝓪𝓼𝓴 𝓛𝔂𝓼𝓪𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓒𝓱𝓪𝓭𝓵𝓮𝓻

Ava Hidalgo was my adviser in the tenth grade. He was my inconsiderate teacher in MAPEH. Binagsak niya ako kaya nag-remain ako sa grade ten.

"That stink!" Dee scrunched his nose and left. Sumunod siya kay Schy na lumabas kanina. Kaya ko namang tiisin ang amoy kaya nanatili ako. I roamed my gazes around. Its too dark here. Nasa underground ang basement kaya walang sinag ng araw ang nakakapasok. Kinapa ko ang switch ang pinindot. The electricity was cut, I don't have a choice but to use my phone as my flashlight. It is fucking fifteen percent. Maya-maya lang ay made-deadbat na ako.

I focused the light on Sir Ava's cadaver. Inaagnas na ito at may mga maggots na gumagapang. Nakikita ko na ang bungo niya dahil nade-decompose na ang ibang balat niya. I think the serial killer hid him here. I'm sure of it. Siya ang pinagsasaksak ng killer ng gabing ''yun.

Gusto ko siyang tulungan ngunit kasama ko si Jayshie noon at baka mapahamak lang siya at siya ang isunod. Kahit na magpakita ako at tinulungan siya mula sa killer ay wala ring saysay 'yun dahil hindi na siya humihinga. I can sacrifice myself to know who the killer is and to end this game, but I might jeopardize Jayshie's safety. I can't afford that.

Nakarinig ako ng tunog ng pusa kaya lumingon ako sa bandang kaliwa.It was the black cat, the serial killer's cat. He was wagging his tail as he licked his fur. As far as I remember, his name is Akai.

"Wswsws. Come here, Akai." I called him, but he ran away. I followed him until he stopped and faced me. Nahihirapan akong habulin siya dahil madilim at makulit siya. Hindi ko mai-focus ang flashlight ng maayos sa direksyon niya.

Moonstruck (𝚂𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝙾𝚗𝚎)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon