Chapter 24
-Jinx's Point of View-
Napayakap ako sa katawan ko ng maramdaman ko ang biglaang panlalamig. Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda?
"Hindi mo ba gusto 'yang banana cue?" Sa sobrang panlalamig ko hindi ko na nakain 'tong banana cue.
"Ah, gust--"
"Pwede ka pa mamili sa mga 'to. Oh baka gusto mo sa McDo tayo?" Hindi ako pinapatapos bwisit, "Okay na nga---"
"Pabili na din ng kwek-kwek."
Nakatingin nalang ako sa mesa naming dalawa na puno na ng pagkain. May kanin at ulam pa siyang binili na kinakain na niya. Maya-maya pa humingi pa siya ng softdrinks.
Tinignan ko siya saka ngumiti, "bakit hindi nalang tayo kumain sainyo?"
Tila parang di siya sang-ayon sa tanong ko at agad na umiling, "punong puno 'yon ngayon isa pa ayoko alagaan si Yamara. Pangit malasing ang isang 'yon."
Natawa ako sa sinabi niya. Sabagay noong nakita ko siyang nalasing nandiri pa ako.
"2nd place lang pala kami nung intrams no?"
"Ok lang, marami namang nag-enjoy sa performance n'yo." Nakangiti kong sabi.
Grupo nina Adrien nanalo at pumangatlo yung isang section sa 3rd year. Wala akong binoto sakanila. Well, meron pero hindi ko pinasa.
"Who did you vote?" Napatingin ako sakan'ya saka. I-I can't tell him!
Hindi ko pwedeng sabihin!
"Nga pala, may naalala ako," ngumiwi ito sa ginawa kong pag-iiba ng usapan kasunod ng pagngiti nito, "ano?"
"Yamara once told me na may nagustuhan kang babae at hanggang ngayon s'ya pa din. Sino s'ya?" Bigla itong nasamid.
Hindi ko alam na mabibigla ko siya sa tanong ko. "W-when did she tell you?"
"Hmm, the first time I visited your house. That time nakita ko yung lyrics kaya nakwento n'ya," Namutla ito sabay nanginginig na tinuro ako, "a-and?"
Ah.
"She told me you still liked her while you were performing on stage."
Yzac acted strange as he lowered his head while his fists were on the table, lightly pounding it while muttering some incomprehensible words.
"..."
"Pwede namang hindi--"
Nakarinig naman ako ng ilang pag-click ng camera sa paligid. Nagulat ako ng hampasin ni Yzac ang mesa ng malakas.
"Fck. Hindi ba sila titigil?" napatitig ako dito dahil nakakunot ang noo niya ng bumaling siya ng tingin sa likod ko.
May dalawang babae doon na agad tinago ang cellphone niya saka tumayo ng mabilis, "Did i say you can go?"
Napatingin na rin ako sa babae at napakaputla na nito na parang papel.
Lumapit dito si Yzac saka hinatak ang cellphone niya saka may dinelete. Halatang galit si Yzac dahil sa mabilis na paghalungkat sa cp nito.
"Yzac..."
"Next time I find anyone snooping around my personal affairs... Their neck will be next."
Grabe pala siya magalit. Buti pala hindi siya ganoon napikon kay Yamara saka sa'kin baka wala na akong leeg.
"Y-y-y-yes!" Tumakbo sila papalayo habang nagbubulungan at nakatingin sa'kin.
Kumain na lamang ako nang bumalik siya. "Akala yata nila nakakatuwa pa sila." Sabi nito sabay subo ng pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/190239956-288-k334149.jpg)
YOU ARE READING
I Fell In Love With A Kiss Stealer
Teen FictionA story revolves around friendship and romance. As Jinx started a new school year with her friends and her crush, Yzac, she met new friends and there she met the group that rivals the group of her crush. Black Aces were kind of opposite of Blazing T...