Chapter 40

2 0 0
                                    

Chapter 40

-Jinx's Point of View-

Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Parang bumabaliktad pa ang sikmura ko at wala akong maisuka sa banyo, sumabay pa ang sakit ng ulo ko at pamamaga ng mata ko.

"Shet, hinaluan ni Yamara." I groaned and leaned at the wall. Umiikot pa ang paningin ko, kaya ayoko uminom dahil mahina ang tolerance ko sa alak.

Hinayaan ko muna matulog sina Yamara saka ako lumabas ng kwarto... nang makaramdam ulit ako ng pag-ikot ng bituka ko at tumakbo ako muli sa banyo. May naisusuka na ako, sobra, sobrang nakaka-inis!

Ang sakit sa lalamunan at unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng laman ng bituka ko. This time nanghina na ako at saka tumingin sa ceiling.

Leche. Nahawaan siya masyado ni Prestley.

"Jinx, okay ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni manang sa labas ng pinto kaya tumayo na ako.

Gaganti nalang siguro ako kina Yamara sa susunod and dapat mas malala pa sa ginawa niya. Para akong nagdusa lalo.

"Kumain ka muna," umupo naman ako agad at saka nagsandok ng pagkain. "Inumin mo 'to mamaya."

Sa tapat ko may isang inumin at parang gamot. Ang nag-bigay pa ay si Priscilla. She's looking at me like she's assessing my whole body.

"Why?"

She glanced over her shoulders and shrugged, "Nothing. Siguro gusto ko bumawi."

Sa salita palang na 'yon para akong nanigas sa kinauupuan ko. Bumawi? Ng ano?

"Don't get me wrong. Tutulungan ka niyan sa hang over mo."

Bigla na lamang may bumagsak na baso sa likod ko at nakita kong nakanganga si Yamara sa gulat. Hindi ko alam kung ano mas nakakagulat yung biglang nasa likod ko si Yamara o yung biglang gan'to ang ugali ni Priscilla.

"Why so surprised?"

Sinong hindi magugulat sa asta n'ya e nung unang pagkikita namin halos balak niya akong husgahan at tanggalan ng buhok?!

"L-lasing pa siguro ako...?" Sabi ni Yamara saka naupo sa tabi ko habang sinasapo ang noo niya.

"Did you think that I will harass you?" Sabay kaming tumango ni Yamara at kumunot ang noo nito.

Mas naguguluhan siya? Mas naguguluhan kami dito, "Ako na nagmamagandang loob ako pa iniisipan ng masama,"

"Talaga. Inis na inis ka nga sa'kin dati." Sabi ko rito at bigla itong ngumisi, "wala pa ding pagbabago. Naiinis pa din ako sa'yo. Ang tanga mo kasing tao."

"Aahh!" Malakas na pagbagsak at sunod-sunod na kalabog mula sa mga hagdan na siyang kinalingon naming lahat.

Tangina, si Talia nahulog!

Wala namang dugo kaya mukhang okay pa siya nakakatayo pa nga e.

"Ang mga batang 'to!" Sigaw ni manang at tinulungan si Talia na tumayo at tignan ang kalagayan nito.

"B-Bakit nandito si Priscilla?" Tanong nito sabay upo sa tabi namin habang may hawak hawak na yelo sa ulo niya.

Diba walang dugo. Okay pa 'yan. Ni hindi nga nabalian ng buto, "Bahay ko din 'to."

Tumawa ako sabay sandal sa upuan ko. Anong bahay? Eh nung una nga parang ayaw niya matulog dito.

"Our parents will marry each other soon. Kaya ako sa'yo, Jinx, sanayin mo na sarili mo na tawagin akong ate."

Parang bigla nanaman akong susuka sa naririnig ko. Maski sina Talia natapon na yung kinakain nila.

"Lasing pa siguro ako."

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now