Chapter 27
-Jinx's Point of View-
"Again with this practice." Napahikab ako saka humawak sa balikat ni Yzac.
Kasalakuyang performance naman na namin at masasabi ko ay bwisit. Pinilit ni Yamara na si Yzac ang kapareha ko at sumang-ayon naman si ma'am.
Panay tukso din tuloy sakin iba naming kaklase lalo na nalaman nila kay Yamara na umamin sa'kin si Yzac.
The thing with him with many girlfriends before? Si Yamara lang 'yon at ginagawan ng paraan para ma-pressure si Yzac na umamin. Kaso walang kwenta naman ginawa niya.
Tinignan ko siya at seryoso lamang itong nakatingin sa harap at nakikinig. Tsk, ilang linggo nalang daw kasi ay prom na kaya tinatapos na ibang activities namin dahil panigurado makakalimutan daw namin mag-pasa.
"Ayie, bagay sila!" kinuha ni Yzac ang kamay ko bago ko pa batukan si Yamara. She sticks out her tongue and god I am embarassed.
Lalo na kasama namin sina Talia dito. Kapareha ni Yamara si Drich dahil absent sina Axel at Prestley kaya ako ang nakikitang asarin kasi wala si Prestley.
Sa February 17 pa naman ang prom balak pa namin ni Yamara ay Next week kami titingin ng gown kasama si Talia. Hay, kung hindi lang ako niyaya ni Yzac at matutulog lang ako sa kwarto ko.
"Salvacion! Ngumiti ka!" Napatingin ako kay ma'am. Bakit ako lang?
Feel ko ako nalang laging nakikita ni ma'am tignan mo sinesenyasan pa niya akong ngumiti.
Narinig ko nalang ang pagtawa ni Yzac sa tabi ko kaya naman sumimangot ako. "may nakakatawa ba?"
Umiling ito sabay kurot sa pisnge ko, "Tama naman si ma'am ngumiti ka dapat."
"Kayo namang dalawa! Baka gusto niyong mag-hawak kamay!"
Parehas kami ni Yzac napatingin kina Yamara at Drich at sabay natawa. Kaya pala pinagalitan kasi hindi humawak si Yamara sa balikat nito at ganon din si Drich. Para silang nandidiri sa isa't-isa.
Natapos na din kami at panay paalala si ma'am na panay tingin kina Yamara at Drich. Bago pa man ako umalis ay biglang hinawakan ni Yzac ang kamay ko.
"Iniisip mo bang hindi ako seryoso sa sinabi ko?"
Dito? Dito talaga namin pag-uusapan 'to? Lalo na nandito pa sina Yamara.
Dahil siguro hindi ako sumagot kaya bigla niya ko hinawakan sa ulo sabay ngiti, "When it comes to you I'm always serious. I really like you."
Nakita ko pa siyang ngumisi at ginulo lalo ang buhok ko bago ako talikuran
Tinignan ko pa ito at parang walang nangyari o nasabi lamang siya ngayon sakin dahil kalmado pa itong naglalakad saka sumabay kina Lucas.
Napatingin pa sila sa'kin sabay thumbs up. I think he just took my breath away for 10 seconds.
"Jinx!"
Bakit ba ganyan sila sa'kin? Hinawakan ko ang pisngi ko. Nanlalamig pa ako. Aaahh!
Nakaramdam naman ako ng isang batok kasabay ng malutong na mura sa likod ko, "Tangina naman e. Tinatawag kita kanina pa. Ano na, kayo na ba?"
Napahawak ako sa ulo ko at tinignan si Yamara ng masama. Ang sakit ha!
"Ano? Titingin ka ng masama ha? Ganyan ba kapag nalilito? Hay nako!" lalong tumalim ang tingin ko rito saka siya binatukan.
"If you knew that Yzac has feelings for me you should have given me a hint!"
Bigla itong tumingin sa'kin sabay singhal, "Ay siya pa talaga nagsabi! I did give you a hint pero mahina ka! Kaya wala na akong choice kundi hayaan ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/190239956-288-k334149.jpg)
YOU ARE READING
I Fell In Love With A Kiss Stealer
أدب المراهقينA story revolves around friendship and romance. As Jinx started a new school year with her friends and her crush, Yzac, she met new friends and there she met the group that rivals the group of her crush. Black Aces were kind of opposite of Blazing T...