Chapter 23

18 2 0
                                    

Chapter 23

-Jinx's Point of View-

"Gumalaw ka nga Adrien!" Ano ba... Tong naabutan ko? Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

Ang kakapal ng mukha... Na dito pa sa classroom nila magkaroon ng ganitong eksena.

Agad umalis si Adrien sa pagkakapatong saka lumapit sa'kin.

"J-Jinx w-wala lang---oof!" Agad ko itong binatukan ng malakas saka tinignan si Drich.

Hindi ko alam na lalaki din pala ang gusto niya. Matapos niya akong kaibiganin— joke lang. Pero pagtritripan ko muna 'tong mga 'to. Lalo na si Adrien.

"Jinx... Nakakatakot ka!" Sigaw nito

Magkakasama sila dito nang madatnan ko at sa tingin ko naghaharutan sila para maging ganon ang sitwasyon nilang dalawa.

"Ang harot mo kasi Drich." nakangising sabi ni Xen habang nakaakbay kay Talia. Pumunta yung dalawa dito dahil vacant sila.

"Hindi namin alam na may ganyan pala kayong relasyon ni Adrien." dagdag ni Prestley. Halatang natutuwa din siya sa pang-aasar namin sa dalawa.

Tinignan ko na lamang sila habang nakaupo sa desk. Hindi ko din alam kung bakit dito pa nila naisipan mag-tipon. Nakatingin na tuloy ang lahat dito sa gawi namin at hindi ako makagalaw.

Gusto ko lang batukan ngayon si Adrien.

"Lalo niyo lang ako pinapatay mga gunggong." asar na sabi ni Drich saka sila dinuro at tumayo sa kinauupuan nito.

Natawa naman si Talia sabay sabing, "Kung hindi ka ba naman siraulo hindi ka namin aasarin."

I agree with Talia. Kahit tignan ko palang si Drich gusto ko na din siyang pag-tripan.

"Ang sakit." Usal ni Adrien habang hinihimas ang ulo niya. Hindi na kasi ako nakapagtimpi at binatukan ko 'to.

Wala naman siyang ginawa sa'kin pero gusto ko siyang batukan—saktan. Gaya ngayon tinitignan ko palang siya gusto ko na ulit siyang hampasin.

Pero dahil nakaka-tatlo na ako, hahayaan ko na muna siya.

"It's your fault." sabi ko rito. Bigla itong tumingin sa'kin sabay pagpula ng pisngi.

Napabuntong hininga ako saka umiwas. Delikado ako sa ginawa ko.

"Uh, Yamara texted me and says we should go to her house."

Huh? Ano naman kaya gagawin namin sa bahay ni Yamara..

*****

Pagkadating namin sa taas ay nakita ko sina Yamara at Axel sa itaas. Para silang tanga na kumakanta. Nang makita kami ng dalawa ay kumaway sila sabay hatak sa amin.

Hinatid ko lang sila dito at wala akong balak magtagal. Lalo na hanggang ngayon hindi pa din maayos ang isipan ko.

"Hehe, iinom tayo!" Agad kong binatukan si Yamara ng ilabas nito sa likod niya ang dalawang bote.

"Pumayag ba dito si Yzac?" Napatingin silang lahat sa'kin sabay kay Yamara. Tinignan ko din ito. Hindi ba n'ya nasabi na pinsan n'ya 'yon?

"Hayaan mo s'ya. Kahit naman hindi siya pumayag dito pa din kami."

Maya-maya pa naglabas na sila ng mga alak at iilang pagkain. Si Tita naman ayos lang sakan'ya huwag lang kami mag-iingay masyado.

Napailing ako saka tinaas ang kamay sabay sabing, "I'm gonna pass. Kailangan ko umuwi ng maaga."

Actually, hindi naman ako pinapakielaman ni papa sa uwi as long as hindi ako uuwi ng 9 pm.

I guess I will walk around before going home. Ever since I admitted it that day and know the fact that he still wants to be with Priscilla and it hurts me.

I Fell In Love With A Kiss StealerWhere stories live. Discover now