Chapter 42: Warm sunset

651 26 8
                                    

Good pm everyone here. How are you feeling?

"Hayop. Kaldero ka Almond. With your twin brother. Mga walang awa. You knew it I'm dead scared of that jerk animal, snake you know, yet you still want me to meet him? Anong klase ka." Nakanguso pa ito na halos hindi maipinta ang mukha ni Holie habang pinagduduro si Almond Gibren na nakangisi ng nakakaloko sa pagmumura niya na tila ba nakakatuwa pa ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. "You! Stop teasing me." Duro niya ulit sa damuho na ama ng baby niya.

"Sorry na po. Please erase your anger my love, in your heart."

"Anong sorry ka dyan, mga impakto kayu." She added.
Sinasabunotan niya ito matapos siyang mahimasmasan muli. He admit about his twin brother.

"Sorry na po ulit beh. Isa pa, may magagawa ba ako kung isinilang akong weirdo? I can't choose a sibling." He paused. "Kaya nga ayaw kong malaman mo ito or kahit na sinu dahil alam kung katatakutan ako, kaming dalawa. Sa totoo lang, I love my twin brother dearly. He care for me so much. Kaya ganun din ako sa kanya. I love that asshole even if his always teasing on me. And I'm sorry kung nabigla ka namin at natakot kanina. Hindi na iyon mauulit."

Biglang nakaramdam ng guilt si Holie sa nakikitang itsura ni Almond ngayon. Kinastigo niya ng lihim ang sarili.

"Sorry din. Hindi mo ako masisi, nakakatakot ang anyong ipinakita niya sa akin kanina. Tao lang din ako."

"Alam ko. At sabi ko nga patawad kasi natakot ka. Hindi namin gusto na takutin ka. Pero alam kung hindi ko  maitatago sayo ang pagkataong mayroon ako habang buhay, mas maaga mong malaman mas mainam, may oras ka pa na patawarin ako or hindi?"

"So, I really want an confirmation, hindi ba talaga panaginip ang mga nakita kong nakakamangha kanina?"

"No. He is real. Nagkataon na may kakayahan kang makita siya so, that's why you saw him in his three faces."

"Three faces, sawa, tao, at pusa? Kaloka, this isn't a fantasy really." She shook head mamy times.

"Alam kung hindi maniniwala kaagad eh
Pero iyon talaga ang totoo. I'm unique, or weird. I'm born with unseen twin."

"Saan ang unique doon? Dyos ko. Huwag na siyang magpapakita sa anyo niyang ahas baka masaktan ko siya sa susunod." Napakamot ng ulo si Almond akala niya okay na sila ni Holie. "Kapag ginawa mo iyon pati ako mapapahamak baby."

"Anong ibig mong sabihin dyan huh?"

"If you hurt him, madadamay ako. Magkarugtong ang buhay naming dalawa. Kung napansin mo, naramdaman niyang may sakit ako kaya siya nagpakita sa akin to heal me."

"Heal you, oh ganun ba?"

He nodded.

"But, wait iyan ba ang rason bakit masuwerte ka sa negosyo dahil may kakambal kang hindi tao. I mean, a man snake?"

"Sinasabi mo ba na kung sakaling naging tao siya kagaya ko eh malas?"

"Ewan ko sayo. Pilosopo tasio. Maraming rumors na mga malalaking supermarkets sa Pinas ay dahil may kakambal na ahas ang may-ari nun. But it was all myth. But you? All I can say, those rumors are true."

"Posibleng tama ka? Puwedi din hakahaka lamang ito ng mga taong tsimosa at mahilig magkalat ng fake news."

"Wee?"

"But you have to promise me this part of my life is a big secret. Not even my parents, wala silang idea tungkol sa kanya."

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga. She doesn't want to have secrets in her life but for him, she must.

"Promise."

"Thank you baby."

"Bakit hindi siya kilala ng parents mo?"

"Parehong mahina na puso nila mommy at daddy kaya ganun. Baka maging sanhi pa ng pagkakasakit nila kapag nagpakita siyang ganun."

"Uhm. Magpakita siyang tao baka mas okay sa magulang ninyo. Ay, never mind. I have no right to judge."

Tahimik siyang nahiga muli sa tabi ni Almond. Nakadantay ang mukha niya sa matigas nitong tyan. "Pero hindi ko maiwasan na matakot sa anyo niya, to be honest. Pakiusap huwag siyang magpapakitang ahas sa akin ulit."

"Kakausapin ko ang hinayupak na iyon. Ang tigas ng bungo eh. Nasabi ko na kanina hindi na po mauulit iyon." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. "Anyway his part of my success. His always there hidding himself. Pero alam niya kung hindi mapagkakatiwalaan ang isang tao na nais maging parte ng kumpaniya ko. Kaya hindi ko pinapapasok as share holders ang iba na kapag sinasabi niyang hindi maari dahil may ibang motive ang taong iyon to destroy me. How many times my twin brother saved me from wrong people arround me who try to destroy my life. His indeed clever ass."

"Seyempre ahas siya kaya alam niyang kilalanin ang mga kauri niya. Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya? Hindi ka natakot noong una siyang magpakilala sayo?"

"Natakot pero nagpakilala siya sa akin ng maayos. Noon akala ko nababaliw na ako dahil nakakakita ako ng hindi ordinaryong mga bagay. Parte lang ba ito ng aking imahinasyon? Kaya nakipagusap ako sa mga bihasa sa mga ganyang usapin. Then they helped me alot. They explained me everything. Then later on I proved they are legit. Sabi ko nga. Kapag may hindi ako alam siya ang nagsasabi sa akin. His smart and he knows how to heal a sick person."

Mataman lamang siyang nakikinig sa pagkukuwento nito. Noon pa man may naririnig na si Holie na kuwentong kalye na about sa tao na nagkakaroon ng kakambal na ahas or anything na hindi nakikita ng ordinaryong tao lamang. And now, the father of her child is one of those weirdos. Pero natakot nga siya pero walang nagbago sa feelings niya para kay Almond Gibren. Para sa kanya, he opened this very sensitive part of his life. Ibig sabihin may tiwala ito sa kanya na buksan ang totoong mundong ginagalawan nito. Ang dami niyang hindi alam tungkol dito. At alam niyang ganun din ito marahil sa kanya? Pero aminado si Holie hindi siya weirdo kagaya ni Almond.

Kinuha nito ang isang palad niya at hinagkan siya doon. And smiled. Sumiksik siya lalo sa dibdib ni Almond. Sa totoo lang nagugulohan siya sa itinatakbo ng kuwento. Saan ba sila patungo? She is still his mistress. Since the two are not yet annul.

"Anong ginagawa natin dito Almond?"tanong niya habang busy sa pagtitig sa papalubog na araw.

"B-baby. Seyempre watching sunset ano ka ba. This is perfect moment for us, three."

"Hem?"she humed.

He point using his lips to her stomach. Hindi pa gaano maumbok iyon siguro dahil matangkad na babae si Holie kaya mahaba din ang shape ng tyan nito. Napatingin din ito sa sariling tyan. "Ano?"

"Wala. Mahal ko kayo." Umuklo ito saglit para magpantay sila ng taas at saka hinagkan ang tyan niya. Tahimik siyang nakikinig sa ibinubulong nito sa dinadala niya saka natatawa bahagya.

Bigla siyang umayos ng tayo matapos ito makipagusap sa fetus sa sinapupunan niya."Ba-bakit ka natatawa dyan huh?"

"OA mo. Come on." She grabbed him and they sat on the shore to watch the beautiful sunset. Nanatili silang nakamasid sa papalubog na araw. Hinila siya nito para sumandig sa balikat nito. Habang magkahawak ang kanilang mga kamay. He added a soft kiss in her temple makes her heart melt once more.

Tanging paghampas ng mga alon ang maririnig sa paligid at ang tibok ng kanilang mga pusong nagmamahalan. It was stupid hearts but it was now a perfect time to bring back those waste time for the two of them.

"Mahal kita my Holie, my stupid heart's never fail to beating fast when you close to me like this. Please allow me to hold you like this forever, and more, my feeling is here...with you. My eternal love."

She just look at him with a intense-sweet smile on her lips.

Itutuloy...

STUPID HEARTS ( Billionaire's Sugar Baby Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon