Chapter 06

1.1K 25 2
                                    

Georgia, Tbilisi.

Spring-Summer season. Panahon ng pag-let go and acceptance and preparing of new life again.

Isang representatives ang nakausap niya dahil bigla daw naging busy ang boss nito. Kasama daw nito ang pamilya sa pamamasiyal. Kaya ipinagpaliban siya ang pakikipag-usap sana sa kanya.
Lihim syang nagitngit sa taong iyun. 'Walang isang salita! Sinungaling! Pinaghintay ako sa wala. Paimportante masiyado hindi naman pala susulpot!' Hiyaw ng isip niya. Minabuti niyang itikom ang bibig bago makapagsalita ng kung anu-ano. 'Ikaw naman, pamilya niya iyon kaya uunahin niya kumpara sa business." Kontra ng kabilang isip niya.

Siya ay nag-effort na makilala ito pero wala pa lang isang salita ang investor na ito. Ang representative ay hindi din sure kung sasali nga sila sa kumpaniya nila dahil nga wala daw ang boss nito. Ito lang daw ang magpapasiya kaya meaning to say nagsayang siya ng oras. Humugot si Holie ng malalim na paghinga saka ngumiti sa kaharap. "Thanks Mr. Ruiz. And say also my thank you to your  boss."

"Yes madam. Thank you too. And I'm sorry for the absence of my boss."

Muli siyang ngumiti sa kaharap. Ng walang keme. Gustong palakpakan ni Holie ang sarili dahil nagawa niyang maging polite sa kaharap sa kabila ng inis na nararamdaman sa boss nitong hindi nagpakita. Ayaw ipasabi ang pangalan.

Mayamaya ay nagpaalam na sila ni Mr. Ruiz sa isat isa at nauna na siyang lumisan sa nasabing restaurant na may mabigat na dibdib.

"It's done Mr. Miguel Ruiz? Paasahin muna natin sila. Hayaan mo lang iyan. Sa ibang araw ko na gustong makipag deal sa kanila when I meet the CEO." Mula sa may bandang likod nakapuwesto ang lalaking kausap ni Migs sa phone. "Yes sir. Kayu po ang bahala." Saka umalis na ang lalaki na nakaitim na jacket.

Tila may nagmamasid kay Holie habang naglalakad siya patungo sa kotse niya. Naghihintay na roon ang driver pati bodyguards niya. Bigla siyang kinabahan paglingon wala naman siyang napansi na tao. Nagkibit siya ng mga balikat at nagpatuloy sa paglalakad.

Binuksan kaagad ng driver ang kotse pagkalapit niya. Matapos masiguro ng lahat na secured na siya ay umalis narin ang mga ito. Tatlong kotse at nasa gitna ang sinasakyan niya. Tahimik niyang kinuha ang phone at nagmessage sa asawa.

Agad naman itong tumawag sa kanya. Mataman siyang nakikinig sa nasa kabilang linya. "Yes, hon. Hindi pa kami nagkita nitong misteryosong investor."

"Ganun talaga minsan honey, hindi kaagad ay nagpapakita. May mga dramas pa ang iba. Okay lang iyan. I'm happy and proud of you kasi ikaw nagpakita ka. Siya ang nagsinungaling. That's the more important thing here honey. Being honest."

Natawa siya ng pagak. "Yeah,yeah."

Matapos ang saglit na paguusap ay nag-I love you lang sa kanya ang asawa at nagpaalam na ito. Tahimik niyang ibinalik ang phone sa bag niya.

Deretso siya sa bahay.

Sa umakyat siya kaagad sa silid ng lola niya. Nadatnan niya itong kumakain nasa tabi lang ang isang maid at ang personal nurse nito. "Lola," hinagkan niya ito kaagad sa noo. "Apo paggising ko ay wala ka na. Maaga ka ata?"

"Opo, may inasikaso lang po ako sandali."

"Emmm, kamusta naman pakiramdam mo today lola?"

"Maayos na ako apo. Inapanatag mo ang iyung puso at isipan. Lola is going well. Right nurse Bell?"

"Opo, tama po kayu dyan. Mabilis na ang recovery ng lola mo ma'am Holie. At kapag tuloy tuloy na ito ay makakalakad narin siya ng tuloyan."

"Oh, thank you sa pagaalaga kay Lola."

STUPID HEARTS ( Billionaire's Sugar Baby Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon