Chapter 37: Flashback

633 18 2
                                    

Good pm! Happy hours! Enjoy reading po. Godbless us all.

CAIRO,EGYPT.

"Boss, please let me live. I have unborn child. She needs to live in this world. Please spare me. I promise I will not tell to anyone what I've saw here. Please, please I'm beghing you let my child live peacefully. Please-"

"Shut up bitch!" Sabay sampal sa kawawang babae at napalupagi ito sa sahig. Saka mas itinutok ang baril sa buntis na ina ni Holie. Nagmamakaawa ito para sa anak. Huwag silang patayin na mag-ina dahil sa natuklasan niya. Hindi sinasadya ang pagkakatuklas niya sa sekreto ng mga ito.

"Stop talking bitch or else I will not hesitate to blow your head!"saka iniumang pa ito lalo. "Say anything and you blow up! And you know what is very sad? No one knows that I killed you here. I will simple dispose you in that very, very hot sands!" Saka ito nagtawa na tila chablo. She shaking and no one is coming to save her and her child. Nanahimik siya para hindi na siya masampal pa ulit ng baril. Halos walang makita ang mama ni Holie sa dugo na humahagos sa mata niya matapos siyang masampal ng baril sa kilay pumutok iyon at patuloy na dumudugo. Pero bilang isang ina pinipilit niyang protektahan ang anak na nasa tyan niya. "Anak, lumaban tayo. Huwag tayong sumuko, okay?" Kausap niya ang pitong buwan na sangol sa loob ng tyan niya. Nandito lang si mama. Hindi kita pababayaan anak ko. Promise, isisilang kita ng maayos. Pangako. Mahal na mahal kita anak." Naluluha nitong bulong habang hinahaplos ang tyan. Sumipa ang bata sa loob ng tummy niya kaya kahit halos wala siyang makita dahil unti unti ng nagdidilim ang kanyang paningin ay niyayakap parin niya ang tyan na tila ba sa pamamagitan nun ay maililigtas pa niya ang anak.

"Stop it! Let go my woman!"

"You!" Ngising aso nito at inilipat ang baril sa ama ni Holie.

"No!" kadiliman ang sumunod niyang nakita hanggang sa wala na siyang naramdaman pagkatapos ng malakas na putok na iyon. Nanlamig ang buong katawan nito sa takot para sa ama ng anak niya. Iniligtas sila ito naman ang napahamak?

Manila, Philippines.

"Congratulations Mrs."

"Salamat po doc." Hawak hawak niya ang malusog na sangol na babae kakasilang lang niya dito mga tatlong oras palang ang lumipas. Her beautiful daughter. "Pagkatapos mo itong pirmahan Mrs. Ay kukunin namin mamaya ang Birthcertificate ni baby girl. Ang cute cute niya. Ang suwerte ninyo po."

"Maraming salamat po ulit, doc. Sa inyo Ms Nurse."

"Sige ho maiwan muna namin kayu." Paalam ng doctor na babae at lumabas na ito kasama ang isang nurse. Pagkatapos niyang i-fill up ang birthcertoficate ng anak ay hinagkan niya ito. "Mula ngayon, Holie Marize ang pangalan mo anak." Hinagkan pa niya ito ng paulit-ulit. Pinagsasawa niya ang sarili sa magandang mukha ng anak. "Ganito pala ang pakiramdam na maging ina. Anak ko. Mamaya paparating na si Lola no huh, saglit lang. Binalikan lamang niya ang mga gamit mo sa bahay, okay? Anak ko. Mahal na mahal kita. Salamat panginoon pinahintulotan mo pa ako na maisilang ko siya." Napagusapan na nila ng nobyo na iiwan sila dito sa Manila para maligaw ang mga sindikatong iyon at hindi na sila gulohin pa. Naghiwalay sila kahit mahal pa nila ang isat isa dahil may asawa na ito kahit na matagal ng hiwalay ng ng tahanan ang dalawa pero hindi pa nalulutas ang kanilang kasal.

May nurse na isa pa na dumating at nagsabing dadalhin na sa nursery ang baby niya. Inilagay niya sa bulsa ng lampin ng baby ang isang golden lighter nakalagay ito sa isang tela kung saan hindi ito mahahalata kung hindi bubuksan. Sinadya niya iyon para walang makahalata na pure gold ang nasabing lighter.

Piedmont, Italy. December 15, 2001.

Nagising nalang ang mama ni Holie na nasa isang basement na ito. Madilim, mabaho at may mga ipis sa loob at anu ano pang insekto doon. Pero ang pinaka masakit sa isang ina pagmulat niya hindi na niya namulatan pa muli ang anak. Ilang beses niyang sinubukan na pumikit at dumilat para sigurohin na na hindi siya nanaginip. She even hurts herself para sana gisingin ang sarili pero wala. Totoo ang nagaganap. "Anak, magpapakatatag si mama para sayo. Hintayin mo ako. Babalik ako anak ko. Babalikan kita. Panginoon, iligtas mo sana sila mama at ang anak ko laban sa mga demonyong iyon. Pakiusap po." Halos wala ito maaninang dahil sa mga naguunahan sa pagpatak niyang mga luha. "Magpapakatatag ako anak. Pangako." Taimtim siyang nanalangin. Bumukas ang pintuan saka siya binuhusan ng may yelo pa na tubig. Kaya mas lalo siyang nanginig sa subrang lamig. Ramdam niyang kasagsagan ng winter ngayon kasi kahit nasa basement siya ay ramdam niya ang subrang lamig at pangangatal.

STUPID HEARTS ( Billionaire's Sugar Baby Book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon