December 9, 2001

19 4 0
                                    

December 9, 2001

Birthday ko ngayon at itong araw rin ang magsisimula ako sa pagsusulat rito. Niregalo itong notebook ni mama. Mahilig daw kasi akong magsulat at magbasa. Magaling rin daw ako sa school kaya niregaluhan niya ako ng makapal na notebook. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya ito na lang ang gagawin ko.

10 years old na ako. Grade 5 pa rin naman ako. Saka kinikilig ako. Kanina kasi ay naghanda sila mama. Inimbitahan ko ang mga kaklase ko at kasama na roon si Ruru, iyong crush ko. Grabe, nakakatunaw iyong pagtawa at pagngiti niya.

Kanina, nagkwentuhan kami, kanina, mas nakilala ko pa siya. Oo nga at hindi siya gwapo katulad ng mga sikat sa school namin pero mabait at sobrang maalalahanin siya kaya marami-rami rin ang nagkakagusto sa kanya.

Nakakatawa pa nga si Rachel, iyong bestfriend ko. Ang dumi niya kasi kumain ng spaghetti. Pati iyong ilong niya ay meron. Kaya inaasar namin siya kaya ayun pikon. Asar talo talaga yung babae na yun.

Tapos yung ibang kaklase ko, nagkakatuwaan. Nagbibiruan at nag-aasaran. Ang sarap lang nila tingnan. Solid na solid kasi ang pagkakaibigan namin. Mula grade three ay kami-kami ang magkakasama. Nasama lang si Ruru ngayong taon dahil bagong lipat sila.

Pati nga sila mama ay natatawa rin. Si Kuya ay nag-imbita rin ng mga kaklase niya kaya hindi lang mga bata ang naroroon. Naririnig ko pa nga ang usapan nila. Ano ba iyong sinasabi nilang nagkikiskisan? Iyong mas masarap daw pag baon na baon? At ano iyong tumitigas sa lalaki? Minsan ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ng mga matatanda. Siguro ay dadating rin ako diyan pero hindi muna ngayon.

Paano ba iyan? Ang dami ko pang gustong isulat pero ipagsabihan na ako ni papa na matulog na. Kaya wala akong pagpipilian kundi ang itigil na ito. Gusto ko pa sanang isa-isahin ang mga pinanggagagawa namin. Siguro ay sa susunod ko na lang na pagsusulat rito.

Ang manunulat,
Jaja <3

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon