December 22, 2001

7 4 0
                                    

December 22, 2001

Christmas party namin kanina. Kahit nag-aalangan ay pumasok kami ni kuya. Si papa na lang muna daw ang magbabantay kay mama kaya nakapasok kami ni kuya. Sa totoo lang ay noong nakaraan pa kami pumasok ni kuya dahil dalawang araw na kaming absent.

Maraming pagkain at palaro sa room namin. May stop dance, putukang lobo, pahabaan ng pagsabi ng 'merry christmas' at iba pa. Sa mga handa ay pinakapaborito ko ay iyong spaghetti at mango juice.

Ang nabunot ko ay si Heonil. Laroang kotse ang gusto niya kung kaya't iyon ang pinabili ko kay papa. Nagustuhan niya iyon at nagpasalamat. Hindi nga niya tinigilan sa kakalaro roon. Buong umaga ay hawak hawak niya iyon.

Si Jenny naman ang nakabunot sa akin. At katulad ng palaging ibinibigay sa akin, pasko man o kaarawan, libro, kwaderno o panulat. Ang iniregalo niya sa akin ay libro. Nagustuhan ko iyon at hindi ko pa nababasa kaya saktong sakto.

Wala kaming masyadong pera. Kaya gumawa ako ng paraan para may maibigay sa aking mga kaibigan. Naglettering ako. Iba't ibang kasabihan na tumutugma sa kanilang mga kwento sa buhay. At kasama na roon si Ruru.

Nilettering ko rin ang kanilang pangalan sa ibaba noon at ibalutan para maging matibay. Ang tanging hiling ko noong ginawa ko iyon ay magistuhan nila. Tinupad naman ni Lord iyon at gustong gusto nila. Ang sabi pa nila ay napakaganda raw noon. Ngunit para sa akin ay ordinaryo lang naman ang aking ibinigay. Hindi katulad ng mga ibinigay nila sa akin, mga makakapal na libro't mamahaling panulat.

Oo, may mga kaya sila sa buhay. Oo nga't propesor si papa sa UP ngunit sapat lang ang kanyang sweldo sa aming mga pangangailangan. At iyon ang alam ng lahat. Kaya kahit man daw sa simpleng pagtulong o pagbigay ng mga kagustuhan ko ay maging masaya ako.

Ang pinakanagustuhan ko ay ang ibinigay sa akin ng matalik kong kaibigan. Ito iyong kwento ng greek gods and goddesses. Oo at hindi ako naniniwala sa kanila na totoo ngunit nabibilib ako sa kanila.

Nagustuhan ko rin iyong ibinigay ni Ruru. Isa iyong simpleng palawit na nakalagay ang munti kong pangalan at talata sa Bibliya. Nagandahan ako, sa totoo lang. Dahil ang karaniwang ibinibigay sa akin ay mga libro't kwaderno. Ngunit ang kanya'y naiiba..

Nagpasalamat ako sa kanya. Ibinigay ko rin ang ginawa ko sa kanya at sinabing ang ganda raw. Sinabi kong mas maganda ang kanya lalo na ang mga iginuguhit niya sa kanyang mga papel.

Tumawa lang siya't sinabing hindi rin. At sa oras na iyon.. napagtato kong parehas kami ng ugali ng lalaking hinahangaan ko.

Namamangha,
Jaja ^0^

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon