June 3, 2003

9 3 0
                                    

June 3, 2003

Nakita ko na si Ruru kanina. Pero ibang iba na siya. Hindi siya katulad noon na masiyahin at palakaibigan. Bakit? Anong nangyari? Bakit siya nagbago?

Sinubukan ko siyang kausapin. Pero tinitigan lang niya ako at hindi umusal ni isang salita. Nasasaktan ako hindi dahil napahiya ako kundi dahil ganito siya.

Sa pagkakaalam ko, wala namang problema sa kanila. Masaya naman ang pamilya niya noong huli ko silang nakitang magkakasama.

Sa huli ay sumuko na ako. Hindi niya ako kinakausap maging ang lahat ng kaklase namin. Ang mga guro lang ang kinakausap niya.

Ikiniwento ko ito kay mama pagdating ko. Pero ang sabi niya, hayaan ko na lang daw siya. Baka may pinagdadaanan.

Ayoko nang ganito, nasasaktan ang bata kong puso. Hindi ko alam kung bakit ganito. Crush ko lang naman siya ah? Pero bakit ganito?

Naguguluhan,
Jaja.

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon