December 18, 2001

9 4 0
                                    

December 18, 2001

Hindi kami nakapasok ni kuya sa paaralan kanina. Abala kami sa pag-aalaga kay mama. Ayoko sanang maiwan dito sa aming tahanan at gusto kong pumasok ngunit mahigpit na ipinagbilin ni papa na bantayan si mama. Ayokong makita si mama na ganoon. Hindi ko kinakaya ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

Ang bilis ng oras.. ng panahon. Sana ay magiging ate na pala ako. Ngunit masyadong pagod palagi si mama kaya.. wala na si baby. Wala na ang magiging kapatid ko.

Umiyak ako noong sinabi ni papa na nakunan si mama. Sabik kasi akong maging ate. Iyong may sasawayin ako dahil sa kanyang kakulitan. Iyon bang mga ginagawa ni kuya sa akin. Ngunit hindi ata itinadhana ang batang nasa tiyan ng mama. Hindi pa siguro ako handang maging ate para sa kanya.

Tulala pa rin ang mga mugtong mga mata ni mama kanina. Ngayon, nakatulog na siya ng mahimbing sa tabi ni papa. Si kuya? Tahimik lang. Ngunit kaninang hapon ay naabutan ko siyang umiiyak sa kanyang silid. Hindi ko mapigilang humikbi rin kaya lumingon siya sa akin.

At sa mga oras na iyon, naramdaman kong muli ang mga akap ng isang kuya. Sabay kaming umiyak, sabay kaming humikbi. Sabay na nabasa ang mga damit at namugto ang mga mata.

Isa lang ang hiling ko sa araw na ito.. maging maayos lang si mama, sapat na saamin iyon.

Nagmamalasakit,
Jaja..

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon