April 1, 2003

7 3 0
                                    

April 1, 2003

Kahapon lang noong nakapagtapos ako ng elementarya. Sinabi ni Rachel na mamamasyal kami nang kami lang kaya nagpaalam ako sa magulang ko. Sobrang saya ko kahapon noong pumayag sila. Napayakap pa ako dahil sa tuwa't galak na naramdaman ko.

Napili namin ay sa SM Val lang para malapit-lapit. Hindi kami palaging pumupunta rito dahil nga mga bata pa kami. Ako nga e, nakapupunta lang sa SM kung mamamasyal o mamimili't kung isasama pa ako nila mama. Kaya sobrang nakae-excite.

Nang makarating sa loob ng SM ay pumunta agad kami sa 3rd floor kung saan ang sinehan. Bumili agad kami ng ticket dahil manonood kami ng palabas. Romance ang pinili namin. Dumiretso kami sa food court pagkatapos noon dahil mamayang 2pm pa ang susunod na batch.

Bumili kami ng ice cream at soimai. Ang sarap lalo na't favorite ko iyong binili ko, chocolate ice cream at sobrang anghang na siomai. Nakakatakam. Iyong kay Rachel nama'y vanilla ice cream at hindi gaanong maanghang iyong siomai niya. Bumili rin siya ng pizza. Ayoko nga sanang bumili niyon kaso naiinggit ako at natatakam. Kaya bumili rin ako.

Doon muna kami nanalagi ng ilang minuto. Nakapapagod rin kasing dumaldal ngdumaldal. Napag-usapan kasi namin ang mga nakaraang buhay namin. Iyong mga kalokohan naming magkakaklase't katuwaan. Lalo na sa usaoang lovelife. Oo, ang babata pa namin ngunit halos kalahati sa amin ay may mga nobya't nobyo na. Kami ni Rachel? Naghihintay muna kami. Alam kasi naming hindi tunay na pag-ibig na nararamdaman nila. Sa tingin ko ay atraksyon at sa kaalamang gustong maramdaman ang ganoong sitwasyon ang nag-udyok sa kanilang manligaw o magpaligaw.

Hanggang sa napunta ang usapan namin sa nararamdaman ko kay Ruru. Ewan ko ba, nabanggit lang ni Rachel ang pangalan niya, bigla-biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila ba kilalang kilala na niya si Ruru. Ngunit ipinagsawalang bahala ko iyon. Alam ko kasing ang nararamdaman ko ay katulad ng sa iba, atraksyon.

Nagkwentuhan kami tungkol kay Ruru. Sinabi ko ang mga napag-usapan namin maliban sa isa, ang pagiging mahilig niya sa pagguhit. Nangako kasi ako sa kanyang wala akong pagsasabihan kahit kanino tungkol roon. At tumutupad lang ako sa pangako.

Nang magsawa sa kadadaldal ay bumaba kami sa 2nd floor. Pumunta kami sa booksale roon. May mganakita akong pumukaw ng aking mga mata. Nang tingnan ko ang presyo ay nagalak ako. Dahil murang mura! Binili ko ang tatlong librong makakapal. Oo, tatlo na, makapal pa. 50 pesos iyong dalawa at 35 pesos naman iyong isa. Si Rachel ay nakabili rin ngunit isa lang. Nalula pa nga ako sa presyo nito. 225 kasi at hindi gaano kakapal. Ngunit hindi ko siya masisisi. Iyon kasi ang nagustuhan niya. Alangan namang bilhin niya iyong nagustuhan ko ngunit ayaw naman niya?

Nang tanghali na ay kumain kami sa KFC. Iyong chicken lang para makamura. Sarapna sarap kami dahil maraming gravy. Halos mapuno na ang aking plato.

Umakyat kaming muli sa 3rd floor nang makitang 1:10pm na. Nagpalipas lang kami ng oras sa food court sa kakukwento atnang makitang 1:50pm na ay pumunta na kami sa sinehan at nanood.

Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na matagal kaming nagkasama. Katulad nga ng sabi ko, sa kabilang kalye lang sila nakatira. Kaya't pinapayagan akong matulog sa kanila o kaya'y pinapayagan siyang matulog sa amin lalo na't magkaibigan ang mga magulang namin.

Ngunit dahil dito, nararamdaman namin ang kakulangan. Kakulanganng oras sa aming pagitan. Dahil malapit na siyang umali at iyon ang aking kinatatakutan. Dahil matagl na muli kaming magkikita't magkakasama..

Hindi na namin muling magagawa ang mga nakagawian. Hindi na kami muling magigising nang magkatabi't magkayakap. Siguro ay ito na nga ang huling beses na magkakasama ng ganito katagal.

Kaya sinusulit lang namin. Dahil pati siya ay iyon ang nadarama.

Naninibago,
Jaja *_*

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon