April 2, 2004

8 3 0
                                    

April 2, 2004

Graduate na si kuya! Kanina ay napag-usapan namin kung saan siya magkokolehiyo. Sabi niya, sa UP na lang daw. Kaya ay sumang-ayon na lang kami. Lalo pa't roon nagtatrabaho si papa.

Ang gusto ng magulang namin ay kumuha siya ng apartment na malapit lang sa unibersidad. Pero ayaw ni kuya. Sabi niya, sabay na lang daw sila ni papa kapag papasok ito sa unibersidad. Mautak, nakamotor si papa kaya nakatitipid siya sa baon niya.

Sa totoo lang, sa nararating ni kuya, mas lalo ko siyang iniidolo. Ang layo na pala ng narating niya. Sana ay ganoon rin ako. Alam kong kaya ko kasi nakaya ni kuya. Magkapatid kaya kami!

Natutuwa,
Jaja.

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon