July 28, 2003

8 3 0
                                    

July 28, 2003

Last week of July, Monday. Absent si Ruru ngayon. O sabihin na nating.. nagdrop?

Sinabi sa amin ng aming guro na lumipat na siya ng paaralan. Hindi ko alam kung saan at bakit. At isang tanong ang gustong gusto kong itanong sa kanya.

Ayos lang ba siya?

Hindi ako magtatanong kung ano ang problema niya. Gusto ko lang malaman kung maayos lang ba siya. Kung kumusta na siya. Dahil sa nakalipas na dalawang buwan, walang pinagbago, wala pa rin siyang kibo.

Sabi sabi sa klase namin, may problema siya. Ang sabi ng iba, baliw na. Iyong iba naman daw, tinatamad na.

Pero alam kong ang dahilan, mas malalim pa kaysa sa mga sinasabi ng mga kaklase namin. Kilala ko si Ruru. Madali siyang masaktan at mababaw ang emosyon niya. Lalong lalo na sa pamilya niya. Kaya alam ko, tungkol ito sa pamilya niya. Problema sa pamilya.

At alam ko, makakaya niya to. Malalagpasan niya to. Kasi malakas siya. Kasi matalino siya. Kasi naniniwala akong makakaya niya..

Nalulungkot,
Jaja..

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon