May 16, 2007

11 4 3
                                    

May 16, 2007

Napagdesisyunan naming pamilya na gumala. Natural at wala munang trabaho si papa at wala pang pasok si kuya. Ako, nakapag-enrol na ako sa UP para sa kolehiyo dahil nakapagsabi na ang admin doon na ako ay nakapasa sa kanilang entrance exam.

Pumunta lang kami sa isang amusement park. And it brings back memories.

Naalala ko pa noon, mga bata pa lang kami ni Kuya noong huli kaming nakapunta rito. Masyado pa kaming bata para sumakay sa mga hard rides kaya puro pambata pa lang kami.

Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko si mama noon na pinipilit si papa na sumakay sa isang roller coaster na umiikot ikot pa. Halos mamutla at sumuka si papa noong bumaba siya.

So far, unti unti ko nang natatanggap na hindi na babalik si mama sa buhay namin..

Marami ang nangyari. Si kuya pa nga, sumuka noong sinubukan iyong roller coaster! Si papa naman ay namumutla at nahihilo. Ako? Nope. Hindi nila ako mapapasakay sa rides na mga ganyan.

Marami pa kaming sinubukan. We also tried the mini games. Nanalo pa nga si kuya ng isang teddy bear. He gave it to me. Regalo daw niya noong graduation ko. Nalate lang.

Si papa, ang dami nang nalalaro at wala pa rin siyang nakukuhang premyo. But his smile never fades. When the moment I asked him why, he said even though he can't get the prizes, our cheer and laugh and smiles to him was the best prize he can ever get.

And I think I just fell in love with his words to us. He is the best father in the world! Me and kuya love him in our way. Hindi man namin siya palaging niyayakap at sinasabihan ng matatamis na salita, nasa ibang paraan ang pagpaparamdam namin ng pagmamahal sa aming ama.

Nagtagal kami sa park. It was almost 8 'o clock pm when we decided to go home. At dahil laking lutong bahay kami ay hindi na kami kumain sa isang fast food restaurant. Pinagluto lang kami ni papa nang makauwi.

At ang masasabi ko lang ngayon?

Papa is the best.

Proud daughter,
Jaja.

The Journey of our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon