Ika-anim na Kabanata
Alas singko pa lamang ng madaling araw ay bumangon na ako upang panuorin kung nagja-jogging ang mga tinuturuan kong mga kadete. Titignan ko kung may initiative ba talaga sila o wala. Sa limang taon ko na pag-aaral sa PMA, ang pinakanatutunan ko rito ay ang pagkakaroon talaga ng disiplina.
Bagamat hindi pa rin ganap na naghihilom ang sugat ko ay ipinilit ko pa ring bumangon at nang mai-training ang mga kadete ko.
"Saan ka pupunta?" Napatingin ako sa upper bunk ng double deck at to my surprise, nandoon si Lieutenant Aguinaldo na nakahiga. He was playing with his cellphone. Kailan pa siya napunta rito? Hindi nga siya pumupunta rito eh! "Saan ka pupunta, ms Buntis?"
"Ah sir.. May training po ang mga kadete. May jogging po kasi sila sa oval ngayon." Ibinukas ko ang ilaw at napapikit ako. Minsan, ipinagtataka ko... bakit ang tanga ko?
Bumaba siya mula sa itaas ng kahoy na double deck. Natutulog na siya ngunit ang bango-bango niya pa rin. "You're not going anywhere without me. Baka mamaya, may mangyari nanaman sa iyo at mapabayaan mo ang klaseng hawak mo. Ako nanaman ang mapapagalitan."
Ay wow! Kung hindi mo ako iniiwan sa mga klase ay sana nakakapagpahinga rin ako. Ang kapal talaga ng mukha niya. "Ah... sir... toothbrush lang po ako. Hindi po ako mababaril doon, promise."
Umiling siya. "Saan ka magtu-toothbrush?"
"Sa CR po sir, malamang. Sama po kayo?" Sarkastiko kong tugon.
"May CR dito sa kwartong ito, Lieutenant Buntis." Hindi ko inaasahan ang pag-bukas ni sir Aguinaldo ng pintuan na kadugtong ng kwarto namin.
"Ay, sir? Restroom ho pala iyan? Akala ko kwarto rin!" Agad akong nag-tungo roon upang kumpirmahin kung CR ba talaga iyon. CR nga!
Ngumiti siya. NGUMITI SIYA!!! "Well, brush your teeth and beat the shit of your cadets."
Napangiti rin tuloy ako. "Sir, did you just smile?"
"No." Sumeryoso muli ang mukha niya. "Mag-toothbrush ka na!"
Akala ko hindi na ako hihintayin ni sir pero pag-labas ko sa kwarto ay naroon siya na nagpu-push up. I found that very amusing. Kaya pala malaki ang pangangatawan niya. "It took you 400 years to get out of that damn room."
"Pasensya na ho sir." Sineryoso ko ang mukha ko upang mapaniwala siya na bukal sa kalooban ko ang pag-hingi ng tawad. Naligo pa kasi ako dahil nahiya ako sa kabanguhan ni sir Aguinaldo.
"Tss." Nauna siyang mag-lakad papuntang oval. Teka nga, kanina bago ako matulog, wala pa siya roon sa kwarto. Pag-gising ko nandoon na siya!
"Sir Aguinaldo!" Hindi siya lumingon at nag-patuloy lang sa paglalakad. "Ser, paano kayo napunta sa kwarto? Doon na ba kayo matutulog? Eh, shem na pempem! May kasama na ako!"
Bumagal siyang mag-lakad upang masabayan ako. "Pinapasamahan ka lang sa akin ni Lieutenant Colonel Clyde. Inutusan ako. Masaya ka na?"
Kinilig ako agad. So, alam pala ni sir Clyde na hindi ako sinasamahan ni sir Aguinaldo? "Teka sir. Ibig sabihin alam niya na nadaplisan ako ng bala nu'ng isang araw?"
"Oo naman. Anong akala mo sa kanya, walang koneksyon? Isip din ang gamitin, Buntis."
"Josefa nalang po ser.."
"What's your full name, by the way?" Ipinapantay ko ang bilis ng pag-lakad niya sa akin.
"Josefa Love Ore Buntis po sir."

BINABASA MO ANG
Fafa Buntis: Ang Sundalo
ActionSimple lang sana ang kwento ni Josefa, o sa kaniyang palayaw, Fafa. Pagkagraduate niya sa PMA ay nagtrabaho na siya agad bilang 2nd Lieutenant, hanggang sa dumating sa buhay niya si 1st Lieutenant Keanu Apollo Aguinaldo.